Isinusulong ni Rep. Emigdio P. Tanjuatco III ang House Bill No. 969, na kilalanin bilang “Free Access to Digital Financial Services Act,” alinsunod sa pambansang agenda para sa digital inclusion at finacial empowerment.
Layunin ng panukalang ito na maging institusyonal ang libreng access sa data para sa mobile banking at e-wallet applications sa buong bansa upang gawing mas abot-kamay ang mahahalagang digital financial services para sa lahat ng Pilipino—lalo na ang mga walang bangko at kulang sa serbisyo.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng digital transactions at mga mobile-based financial activities, nilalayon ng panukala na alisin ang isa sa mga pangunahing hadlang sa access: ang gastos sa mobile data. Para sa maraming pamilyang mababa ang kita at sa mga lugar na malalayong marating (GIDAs), ang kawalan ng prepaid load o data subscription ay hadlang sa kanilang kakayahang mag-check ng balanse, maglipat ng pondo, o magbayad ng bills online.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat ng Mobile Network Operators (MNOs) at Internet Service Providers (ISPs) ay obligadong i-zero-rate ang access at paggamit ng mobile banking at e-wallet applications na lisensyado at regulado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ibig sabihin, walang magiging singil sa data ang paggamit ng mga aplikasyon—kahit anong mobile plan o lokasyon ng gumagamit.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO