Tanong ni Barbers: Mga Chinese ba ang may kontrol sa power transmission monopoly NGCP?
Nais malaman ng mga pinuno ng Kamara de Representantes kung sino ay may kontrol sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), ang tanging power transmission company sa bansa.
“The reason why I feel that that document is very important in this inquiry is because we like to determine sino ba talaga ang nagko-control ng NGCP? Is it run, controlled, managed, operated by the Chinese? Or is it really the Filipino?” tanong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa ginanap na pagdinig ng committee on legislative franchises noong Martes ng hapon, kaugnay sa mga isyung kinahaharap ng NGCP.
“Very crucial ito Mr. Chair, because we like to determine up to what extent thus the foreign incorporators or counterpart have influence over the management operation and control of this corporation,” saad ni Barbers.
Ang katanungan ni Barbers ay matapos mabigo ang abugado ng NGCP na si Atty. Lilly Mallari na isumite ang kasunduan ng mga shareholder sa pagitan ng State Grid Corp. of China (SGCP) at mga Filipino-Chinese partners nito, na noon pang nakaraang buwan hinihingi ng komite.
Ipinaliwanag ni Mallari sa komite na pinamumunuan ni Paranaque City Rep. Gus Tambunting na may nakabinbing arbitration case sa Singapore na pumpigil sa NGCP na isapubliko ang kasunduan ng mga shareholder.
Gayunman, sinabi ni Tambunting kay Mallari na alinsunod sa mga patakaran ng Kamara, ang pagkakaroon ng kasong nakabinbin ay hindi hadlang upang hindi makakuha ang panel ng kinakailangang dokumento.
Sa puntong ito, sinabi ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez na siya mismo ang humiling sa NGCP na isumite ang mga kasunduan ng mga shareholder sa nakalipas na pagdinig noong December 23.
“During the time that we had the briefing on the 23rd of December of last year up until last week I was requesting from the ComSec (committee secretariat) a copy of the shareholders agreement. Unfortunately, wala pong pinadalang kopya ang NGCP,” saad pa nito.
Imunungkahi ni Suarez sa komite ang pag-iisyu ng subpoena sa kinakailangang dokumento, na dapat isumite sa loob ng isang lingo, na sinang-ayunan naman ng panel.
Suarez then moved that the committee subpoena the needed document, and suggested that it be submitted within a week. The motion was approved by the committee.
“Can I just request that the chair also give a timeline at least it is something that we can hold on to when NGCP can comply…. Kasi baka mag-comply sila sa susunod na taon pa,” giit pa ni Suarez.
Binigyan ng komite ang NCGP ng isang linggo para isumite ang mga hinihinging dokumento.
Ang NGCP ay inaasahang may pag-aari ng 40 porsyento ng state-owned Chinese firm na SGCP at 60 porsyento ng mga kasosyo nitong Filipino.
Gayunpaman, sa pagdinig ng House committee on ways and means, noong nakaraang linggo, ay duda si Rep. Joey Salceda ng Albay, chairman ng panel na maaaring lampas pa sa 40 porsyento ang pag-aari ng mga Chinese sa monopoly transmission.
Ipinahayag niya na ang mga bentahan ng mga stock ng NGCP sa Philippine Stock Exchange sa nakaraang dalawang linggo ay nagpapakita na ang mga banyagang may-ari ng kumpanya ay nagbebenta ng kanilang mga shares upang ayusin ang ilang bagay.
Sinabi ni Salceda na siya ay may karanasan sa mga financial markets sa loob ng pitong taon kaya't tiyak siya na may malinaw na pagtatangka upang gawing legal ang isang bagay.
“This will probably fall under our anti-dummy law,” wika nito.
Inakusahan din ni Salceda ang NGCP ng paglabag sa Saligang Batas dahil sa pagtalaga ng isang Chinese national bilang board chairman.
Ipinagbabawal ng Saligang Batas ang pagtatalaga ng mga dayuhan sa executive and management position sa mga kumpanyang kabilang sa mga industriya na mahalaga pambansang interes.
Batay sa presentasyon ni Salceda sa kanyang komite, may apat na Chinese sa board of director ng NGCP, kabilang ang chairman nitong si Zhu Guangchao, at anim na Pilipino.
Ang tatlo pang Chinese directors ay sina Shan Show, Liu Ming, at Liu Xinhua.
Habang ang mga Pilipinong miyembro ng board ay sina Henry Sy Jr. at Robert Coyiuto Jr., na kapwa vice-chairmen, at si Anthony Almeda, ang presidente ng kumpanya, kasama rin sina Jose Pardo, Francis Chua, at Paul Sagayo Jr.
Pinuna rin ng mambabatas ang online statement ng Chinese firm na SGCP sila ay nakakuha ng malawak na impluwensya sa electricity transmission network sa Pilipinas.
Iminungkahi niya na ang NGCP ay isailalim sa isang national security threat assessment ng mga nararapat na ahensya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Cong. Suarez nanawagan para sa mas murang presyo ng kuryente, mga paglabag ng NGCP sa prangkisa pinuna
Nanindigan si Quezon 2nd District Representative at Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez na dapat bumaba ang presyo ng kuryente kasabay ng pagpuna nito sa umano’y mga paglabag ng National Grid Corporation of the Philippines’ (NGCP) sa prangkisang ibinigay dito ng Kongreso.
Upang maitaguyod ang accountability at transparency, una na ring iminungkahi ni Deputy Speaker Suarez ang pagsasagawa ng motu propio inquiry noong December 23, 2024 upang suriin ang mga hakbang ng ginagawa ng NGCP at ang pagsunod nito sa mga obligasyon sa kanilang prangkisa.
Binanggit ni Suarez na ang patuloy na pagtaas ng presyo sa kuryente at ang mga brownout sa ilang mga isla sa Visayas ay hindi malulutas kung hindi tutugunan ang mga kakulangan at posibleng paglabag ng mga malalaking kumpanya sa energy sector.
“The National Grid Corporation holds a critical responsibility in ensuring a reliable and cost-efficient transmission of electricity. Any violation of its franchise is a direct affront to the welfare of the Filipino people,” ayon kay Deputy Speaker Suarez.
Layunin ng imbestigasyon na suriin kung natupad ng NGCP ang kanilang mga obligasyon, kabilang ang mga infrastructure investment, grid reliability, at equitable pricing. Ang mga diumano'y paglabag ay nangyayari sa panahon kung kailan ang mga mamamayan ay nahaharap sa malalaking gastusin, kaya’t prayoridad ni Suarez at ilan pang mga mambabatas na makamit ng abot-kayang presyo ng kuryente.
“As public servants, it is our duty to investigate and rectify these lapses that burden millions of households,” ayon kay Suarez.
Kinakailangan ayon kay Suarez ang agarang pagtugon sa mga isyung ito, at pagkaantala sa pag-unlad ng energy infrastructure at mga kakulangan sa transmission system ay nakadadagdag sa pagtaas ng presyo at kakulangan sa suplay ng kuryente.
“Our energy sector must serve the people—not profit-driven interests. This inquiry is only the beginning of a broader effort to ensure that every Filipino household can enjoy affordable, reliable electricity,” dagdag pa ni Suarez.
Kasama sa adbokasiya ni Suarez ang maibaba ang presyo ng kuryente, itaguyod ang paglago ng ekonomiya at iangat ang buhay ng mga karaniwang Pilipino, tulad din ng hinahangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa pananagutan ng NGCP at pagsasagawa ng mga reporma sa sektor ng enerhiya, kumpiyansa si Suarez na mas magiging sustainable at makatarungan ang sistema ng enerhiya para sa Pilipinas na makakatulong upang maabot ni Pangulong Marcos ang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya at matiyak ang abot-kayang enerhiya para sa lahat. (END)
@@@@@@@@@@@
Chairman Barbers suportado DILG probe, bigong Duterte drug war nagdulot ng katiwalian sa pulisya
Ang bigong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagdulot umano ng katiwalian sa hanay ng Philippine National Police (PNP) at nagpalaganap ng impunity, at nagresulta sa malawakang pag-abuso sa karapatang pantao.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang lead chairman ng House Quad Comittee, na isang pagsang-ayon sa pahayag ni Interior Sec. Jonvic Remulla na tinawag ito bilang “malawakang sabwatan” sa loob ng hanay ng kapulisan upang pagtakpan ang mga ilegal na gawain, na panahon na umano para panagutin.
“While I supported the anti-drug campaign of the previous administration as a necessary response to a growing crisis, it is now undeniable that it became a catastrophic failure,” ayon kay Barbers.
“Instead of upholding justice, it opened the floodgates to corruption in the PNP, fostered a culture of impunity that left thousands of innocent lives destroyed, and even allowed recycled drugs to poison our streets again,” dagdag pa ng kongresista.
Ayon pa kay Barbers, na siyang chair ng House Committee on Dangerous Drugs, ang 30 opisyal ng pulis na kinasuhan, kabilang na ang dalawang heneral, kaugnay sa gawa-gawang “drug haul” noong 2022 ay isang malinaw na katibayan ng umano’y sistematikong pang-aabuso na idinulot ng mga polisiya ni Duterte.
“This only confirms what we in the Quad Comm have uncovered—the Duterte administration’s reward system turned law enforcement into a criminal enterprise. It prioritized kill statistics and inflated accomplishments over genuine reform and public safety,” punto pa ni Barbers..
Una ng sinabi ni Remulla na ang pekeng drug haul, na pinalabas na isang malaking tagumpay laban sa droga, ay bahagi ng mas malawak na sabwatan upang itago ang mga ilegal na gawain ng PNP.
Sinabi rin ni Remulla na magsasagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng imbestigasyon ukol sa drug-related operation mula 2016 hanggang 2022, na magbibigay-tuon sa reward sytem na nabunyag sa mga pagdinig ng Quad Committee.
Ang mga testimonya mula sa mga saksi, kabilang si retiradong police colonel at dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma, ay nagbunyag na nagbibigay ang administrasyon ni Duterte ng mga cash reward para sa mga suspek na napatay, mga nahuling indibidwal, at mga nakumpiskang droga.
Sinegundahan ni Barbers ang pahayag ni Remulla na ang reward system ang nagpalaganap ng katiwalian sa loob ng PNP.
“This reward system didn’t just encourage shortcuts—it bred criminal enterprises within the very institution tasked with upholding the law,” saad pa ni Barbers.
“Officers fabricated evidence, inflated statistics, and exploited the system for personal profit, while those who should have been held accountable were shielded,” giit pa nito.
Binigyang diin ni Barbers na ang mga pabigla-biglang polisiya ni Barbers ay lumikha ng perpektong pagkakataon para sa korupsyon.
According to Barbers, the Duterte administration’s “reckless policies created the perfect storm for corruption.”
“By prioritizing kill statistics over accountability, he turned the PNP into a rogue organization that thrived on shortcuts and blood money,” giit pa ng kongresista.
Dagdag pa niya: “This fabricated drug haul is not an isolated case—it’s a damning indictment of Duterte’s entire approach to governance.”
Kaya’t dapat lamang ayon kay Barbers na managot ang lahat ng mga responsable sa pinsalang dulot ng polisiyang ipinatupad ng administrasyon ni Duterte.
Nanawagan din ang beteranong mambabatas ng komprehensibong reporma upang masugpo ang tinukoy niyang “culture of impunity” sa loob ng PNP.
Ipinunto rin ng mambabatas ang kahalagahan ng independiyenteng pagsusuri sa mga reward system, mas mahigpit na mga patakaran ng transparency sa mga police operation, at mas mabigat na parusa para sa mga extrajudicial killings.
“These reforms are not negotiable. We need to hold people accountable and prevent these atrocities from happening again. The days of unchecked abuse and corruption must end,” saad pa ni Barbers.
Ayon kay Barbers, ang pagsasampa ng kaso laban sa 30 opisyal na nasangkot sa pekeng drug haul ay dapat magsimula ng isang mas malawak na hakbang upang papanagutin ang mga nagkasala.
Pinuri rin niya ang kanilang determinasyon na masusing imbestigahan ang kabuuang saklaw ng reward system at ang papel nito sa drug war ni Duterte.
“This investigation is a critical moment for the country. It’s a chance to show that no one—not even the most powerful—is above the law. We must act decisively to deliver justice and restore public confidence,” ayon pa kay Barbers. (END)
@@@@&@&@@@@@
Resolusyon ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating Deputy Speaker Savellano pinagtibay ng Kamara
Pinagtibay ng Kamara de Representantes noong Lunes ang House Resolution 2165 na naghahayag ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng namayapang si Agriculture Undersecretary at dating Deputy Speaker Deogracias Victor Barbers Savellano.
Ang resolusyon ay iniakda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, Minority Leader Marcelino Libanan, at Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Pumanaw si Savellano, na kilala bilang ‘DV’ ng kaniyang mga kapamilya , katrabaho at kaibigan, noong Enero 7 sa edad na 65.
Dati siyang nagsilbi bilang kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur at dati na ring naging gobernador at bise gobernador ng probinsya.
Naulila sa kanyang pagpanaw ang asawang si Geraldyn Schaer Bonnevie-Savellano; mga anak na sina Josephine Elizabeth Marie Savellano-Padua, Patricia Angelique Marie Savellano-Singson, Deogracias Jose Victorino Savellano, Virginia Nicole Savellano, at Rita Marie Savellano-Ocampo; at step children na sina Danica Sotto-Pingris at Vittorio Mari Sotto.
Sa pinagtibay na resolusyon, kinilala ni Speaker Romualdez at kaniyang mga kasamahan ang taospusong pagkilala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa namayapang kongresista.
Inilarawan ng Pangulo si Savellano bilang “someone whose heart always belonged to the people he served,” at ipinaabot ang kaniyang mensahe ng pamamaalam ‘Agyaman kami kadagiti amin a naipaay a tulong ken serbisyom, apo DV (We are thankful for all the help and service you have given, Sir DV).’”
“Honorable Savellano’s unfaltering advocacy for the promotion of agricultural development, the upliftment of the lives of farmers, and commitment in the preservation of local culture epitomize the real essence of an excellent public servant,” saad nila.
Tinukoy ng mga mambabatas na nagsimula ang karera sa politika at serbisyo publiko ni Savellano nang mahalan siya bilang bise-alkalde ng Cabugao Ilocos Sur mula 1981 hanggang 1986.
Kalaunan ay nagsilbi siyang senior board member noong 1988; vice governor mula 1988 hanggang 2001, 2004 hanggang 2007 at 2010 hanggang 2016; mula 2001 hanggang 2004, at 2007 hanggang 2010; at bilang kinatawan ng unang distrito noong 17 Congress mula 2016 hanggang 2019 at 18th Congress mula 2019 hanggang 2022.
Noong 2023, itinalaga siya bilang undersecretary ng Department of Agriculture (DA) for livestock, oversight official ng National Tobacco Administration, at kinatawan ng DA sa Philippine Bamboo Industry Development Council.
Sa Kamara, nagsilbi si Savellano bilang tagapangulo ng In Committee on North Luzon Growth Quadrangle at vice chairperson ng Committee on Agrarian Reform. Aktibo siyang nakikipag ugnayan sa mga stakeholders at administrator ng National Tobacco Administration ang nagbigay ng mahahalagang pananaw tungkol sa pagbuo ng Sustainable Tobacco Enhancement Program noong 2020 para mapabutio ang kabuahyan ng mga magsasaka ng tabako.
Iniakda rin niya ang ilang panukala para isilong ang cultural heritage, kalakalan, turismo, at kalusugan kabilang na ang Republic Act (RA) No. 11915, o “National Music Competitions for Young Artists Act”; RA 11904, o “Philippine Creative Industries Development Act”; RA 11900, o “An Act Regulating the Importation, Manufacture, Sale, Packaging, Distribution, Use, and Communication of Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, and Novel Tobacco Products”;
RA 11865, o “An Act Increasing the Bed Capacity of Ilocos Sur District Hospital-Magsingal in the Municipality of Magsingal, Province of Ilocos Sur from Twenty-Five (25) Beds to One Hundred (100) Beds, and Appropriating Funds Therefor”; RA 11760, o “An Act Creating an Extension Office of the Maritime Industry Authority in Vigan, Ilocos Sur, and Appropriating Funds Therefor”;
RA 11645, o “An Act Establishing a Heritage Zone Within the Municipality of San Vicente, Province of Ilocos Sur”; RA 11463, o “Malasakit Centers Act”; RA 11392, o “National Performing Arts Companies Act”; RA 11333, o “National Museum of the Philippines Act”; RA 11310, o “An Act Institutionalizing the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)”; at RA 11291, o “Magna Carta of the Poor.”
Bilang gobernador ng lalawigan, inilunsad ni Savellano ang Kabsat Caravan, isang prosperity program na namamahagi ng libreng makinarya at iba pang input sa mga magsasaka ng Ilocos Sur.
Nagtapos siya ng primary at secondary education sa Claret School sa Quezon City, at tinapos ang Bachelor of Arts in Economics sa University of the Philippines, natapos din niya ang kaniyang Master’s degree para sa International Business Administration mula sa Monterey Institute of International Studies sa California, United States of America.
Ipinanganak siya noong He November 25, 1959 sa Cabugao, Ilocos Sur, kaniyang mga magulang sina Victorino Ancheta Savellano at Virginia Vister Barbers-Savellano. (END)
@@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez mas mataas ang trust, performance rating kay VP Sara sa OCTA Research survey
Nanatili si Speaker Ferdinand Martin Romualdez bilang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan at may pinaka magandang performance sa mga matataas na opisyal ng gobyerno samantalang bumulusok naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte, batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research.
Batay sa TNM survey na isinagawa noong Nobyembre 10 hanggang 16, 2024, nakakuha si Speaker Romualdez ng 58% trust rating at 59% performance satisfaction rating na kapwa bumaba ng tatlong porsyento.
Nakuha ni Speaker Romualdez ang pinakamataas na trust rating nito sa Mindanao na naitala sa 66% na sinundan ng Balanse ng Luzon (61%). Sa Class ABC at D naman ay naitala ang 62% at sa Class E ay 54%.
Sa Mindanao din nakapagtala ng pinakamataas na performance rating si Speaker Romualdez sa Mindanao (69%). Sa Class ABC naman ay nakakuha ang lider ng Kamara ng 64% samantalang sa Class E ay 52%.
Samantala, bumaba naman ang trust at performance ratings ni Vice President Duterte.
Mula sa 59% sa survey noong ikatlong quarter ng 2024, nakapagtala si Duterte ng 49% trust rating sa last quarter survey ng OCTA noong nakaraang taon. Ito ang unang pagkakataon na bumaba sa mayorya ang rating ng Ikalawang Pangulo.
Bumaba ng 17% ang trust rating ni Duterte sa Metro Manila na naitala sa 30%.
Ang performance rating naman ni Duterte ay bumaba sa 48% mula sa 52%, indikasyon na maraming dismayado sa kanyang performance. Bumaba naman ng 12% ang performance satisfaction ni Duterte sa Metro Manila at naitala sa 26%.
Sa Mindanao na kilalang balwarte ng mga Duterte, bumaba ng 5% ang trust rating ng Bise Presidente samantalang si Romualdez ay nakapagtala ng 66%.
Ang pagbaba ng rating ni Duterte ay iniuugnay sa nabulgar na kuwestyunable nitong paggamit sa confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na dati nitong pinamumunuan.
Kinuha sa TNM survey ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong ±3% margin of error. (END)
@@@@@@@@@@@
Resulta ng SWS survey na pumapabor sa impeach VP Sara kumpirmasyon na gusto ng publiko na magkaroon ng pananagutan mga opisyal ng gobyerno— House leaders
Dalawang mataas na lider ng Kamara de Representantes ang naniniwala na ang survey ng Social Weather Station (SWS) kamakailan ay nagpapakita na mas maraming Pilipino ang pabor sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay nagpapatingkad sa panawagan para sa pananagutan at transparency sa pamamahala.
Sinabi nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales at Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na ang resulta ng survey ay pagpapahayag din ng publiko na dapat ipaliwanag ni Duterte kung paano nito ginastos ang milyon-milyong confidential funds.
“Ipinapakita ng survey na ang karamihan sa ating mga kababayan ay naghahangad ng pananagutan mula sa ating mga lider. Dapat nang ipaliwanag at linawin ni VP Duterte kung saan napunta at paano ginamit ang daang milyong confidential funds ng kanyang tanggapan,” sabi ni Gonzales.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024, at mayroong 2,160 respondents. Batay sa resulta nito, 41% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa impeachment laban sa Bise Presidente, 35% ang tutol at 19% ang wala pang desisyon.
Binigyan-diin ni Suarez ang pagkadismaya ng publiko sa maling pamamahala.
“Dapat nang ipaliwanag ni VP Sara ang kontrobersyal na isyu tungkol kay Mary Grace Piattos at ang kahina-hinalang paggastos ng P612 milyon sa confidential funds. Hindi na maaaring balewalain ang mga ito,” sabi ni Suarez.
Ipinakikita rin umano ng survey ang pagnanais ng publiko na magkaroon ng wastong pamamahala sa bansa.
“This sends a clear message: Filipinos demand leaders who are accountable and transparent in their actions.”
Binigyan-diin naman ni Gonzalez na ipinakikita rin ng survey ang kahalagahan ng malakas na demokratikong institusyon.
“The survey results confirm that our democratic institutions must remain responsive to the people’s will. This is not just about numbers anymore; it is about restoring faith in governance,” ani Gonzales.
“It clearly shows that Filipinos are against a leadership that does not explain controversies and are seeking leaders who adhere to ethical standards in governance,” saad pa nito/
Kinukuwestyon ang ginawang paggastos ni Duterte sa kabuuang P612 milyong confidential fund nito matapos lumabas sa imbestigasyon na napunta ito sa mga gawa-gawang pangalan gaya ni “Mary Grace Piattos.”
Lumabas ang survey sa gitna ng pagbaba ng trust rating ni Duterte na lalo umanong nagpapatingkad sa pagkadismaya ng publiko sa kanyang pamamahala.
Ayon kay Suarez ang inihaing impeachment complaint laban kay Duterte ay repleksyon ng pagnanais ng publiko na magkaroon ng pananagutan ang mga opisyal ng gobyerno.
“Dapat natin igalang ang damdamin ng publiko na nais na ituloy ang mga reklamong impeachment laban sa Pangalawang Pangulo,” sabi ni Suarez.
Iginiit rin ni Suarez ang pangangailangan ng pagkakaroon ng patas at masusing deliberasyon.
“This is an opportunity for the House of Representatives to show that no one is above the law. The people are watching, and they expect us to act with integrity,” sabi pa ng kongresista.
Ipinunto ng dalawang mambabatas ang kahalagahan na mapagtuunan ng pansin ang mga alegasyon laban kay Duterte upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa goyerno.
“The people deserve answers. Let us not allow controversies like these to undermine our democracy,” wika pa ni Suarez. (END)
@@@@@@@@@&@&
Kamara tuloy sa pagiimbestiga para mapababa presyo ng pagkain, kuryente; mapanagot mga opisyal ng gobyerno
Ipagpapatuloy ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang matugunan ang mataas na presyo ng pagkain at kuryente at mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na mali ang gagwing paggamit sa pondo ng taumbayan, ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
“Patuloy nating palalakasin ang kapangyarihan ng oversight ng Kamara para tugisin ang mga iregularidad na gawain na nagpapahirap sa ating mga kababayan. Hindi natin hahayaang magpatuloy ang mga maling practice na nagdudulot ng mataas na presyo ng pagkain at kuryente,” ani Gonzales.
Sa Lunes, Enero 13, ay muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso matapos ang Christmas break.
Iniimbestigahan ng Quinta Comm, na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee, ang mga isyu ng agricultural smuggling, hoarding, at price manipulation, na natukoy na nagpapataas sa food inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng pagkain.
“We are uncovering the mechanisms that allow cartels to thrive, and this House is determined to dismantle these networks of greed,” sabi ni Gonzales.
Iniimbestigahan naman ng House Committees on Ways and Means at Legislative Franchises ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang matiyak na nagagampanan nito ang kanilang obligasyon, nagbabayad ng tamang buwis, at tama ang sinisingil sa mga konsumer.
Itutuloy din ng Quad Comm ang imbestigasyon sa mga isyu ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at ang kaugnayan nito sa money laundering, at extrajudicial killings (EJKs) noong administrasyong Duterte.
“This probe is not just about accountability: It is about upholding human rights and protecting our national interests,” saad pa ni Gonzales.
Ang House Blue Ribbon Committee naman ang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na kuwestyunable ang ginawang paggastos nit Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Gonzales na sisilipin din ng Kamara ang pagdami ng mga vlogger at internet troll na nagpapakalat ng maling impormasyon.
“Hindi dapat gamitin ang social media para sa paninira at disinformation laban sa mga nagsusulong ng katotohanan at accountability,” saad pa ng solon.
Pinuri rin ni Gonzales ang Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez sa pagpasa ng mga mamahalagang panukalang batas.
“With 166 laws enacted, including 27 out of 28 LEDAC priority measures and 61 out of 64 priority measures under the CLA for the 19th Congress, the House has proven its ability to deliver results that directly benefit Filipinos,” sabi ni Gonzales.
Sinabi ng kongresista na tatalakayin ng Kamara ang mga nalalabing panukala na naglalayong palakasin ang ekonomiya at para sa kapakanan ng publiko, gaya ng House Bill 9729 na naglalayong pamaramihin ang produksyon ng mga MSMW sa pamamagitan ng pagpapahirap ng mga kagamitan sa kanila.
“Ang mga maliliit na negosyo ang backbone ng ating ekonomiya. Kailangan nila ng suporta upang maging globally competitive,” wika pa nito.
Mayroon din umanong panukala na magbibigay ng insentibo sa mga barangay micro-business para magparehistro upang maging mapadali ang pagbibigay ng tulong sa kanila ng gobyerno, ani Gonzales.
Sinabi ni Gonzales na gagawa rin ang Kamara ng amyenda sa Universal Health Care Act upang madagdagan ang benefit package at manawasan ang premium contribution ng mga miyembro.
Ipagpapatuloy din umano ang pagtalakay sa National Flood Control Plan para matulungan ang mga lugar na madalas bahain. “We need a comprehensive approach to mitigate flooding and help communities recover more quickly.”
Nananatili rin umanong prayoridad ang edukasyon at ipapasa ang mga panukala gaya ng paglikha ng Private Basic Education Voucher Program, Bureau of Private Education, at libreng assessment fees sa mga Senior High School students sa technical-vocational tracks.
Sa pagbubukas ng huling yugto ng 19th Congress, muling iginiit ni Gonzales ang pangako ng Kamara na paglilingkuran ang taumbayan.
“Oversight and legislation are two sides of the same coin. Both are essential in ensuring that our people live better lives,” sabi nito.
“Under Speaker Romualdez’s leadership, the House will continue to uphold accountability, pass impactful laws and deliver results for the nation,” dagdag pa ni Gonzales. (END)
@@@@&@&@@@@@@@&
‘Mulat na ang taumbayan’: Young Guns ng Kamara ikinatuwa suporta ng publiko sa Quad Comm
“Mulat na ang taumbayan sa katiwalian at pang-aabuso.”
Ito ang nagkakaisang pahayag ng “Young Guns” bloc ng Kamara de Representantes kasabay ng kanilang ng kanilang malugod na pagtanggap sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia survey na nagpapakita ng malaking suporta ng nakararaming Pilipino sa imbestigasyon ng Quad Committee sa ilegal na droga, extrajudicial killings (EJKs), at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
“Ang resulta ng survey ay malinaw na nagpapakita na hindi na bulag ang taumbayan sa mga katiwalian. Hinihingi nila ang katotohanan at hustisya, at kami sa Kongreso ay hindi titigil hanggang makamit ito,” ayon sa pinagsamang pahayag ng Young Guns.
Ayon kina Reps. Rodge Gutierrez (1-Rider Party-list), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Pammy Zamora (Taguig), Jay Khonghun (Zambales), Paolo Ortega V (La Union), Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list), at Lordan Suan (Cagayan de Oro City), ang resulta ng survey ay isang malinaw na pagsuporta sa mga hakbang ng Kamara na panatilihin ang transparency at magkaroon ng pananagutan sa gobyerno.
Batay sa survey na isinagawa mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa imbestigasyon ng mega-panel na binubuo ng mga Komite sa Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
Ang Young Guns, grupo ng mga masisigasig na kabataang mambabatas, ang nanguna sa 13 pampublikong pagdinig ng Quad Comm na naglantad ng nakakaalarmang kaugnayan ng EJKs, mga sindikato ng droga, at ilegal na operasyon ng POGO, pati na rin ang mga alegasyon ng money laundering, pag-iwas sa buwis, at human trafficking.
Inihayag ng Quad Comm na ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagsilbi umanong pantakip sa isang “grand criminal enterprise,” na kinasasangkutan ng mga mataas na opisyal ng gobyerno na kumikita mula sa kalakalan ng droga.
Sinabi ng Young Guns na ang napakalaking suporta ng publiko ay nagpapalakas sa kanilang determinasyon na tuklasin ang katotohanan at panagutin ang mga sangkot.
“Ang laban na ito ay laban para sa bayan. Hindi kami titigil hanggang mailantad ang buong katotohanan at mapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian, iligal na droga, at mga pag-abusong ito. Ang suporta ng taumbayan ang aming inspirasyon sa bawat hakbang na aming ginagawa,” ayon pa sa grupo.
Tiniyak ng mga mambabatas sa publiko na ang Kamara, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ay mananatiling matatag sa kanilang pangako na tuklasin ang katotohanan, panagutin ang mga sangkot, at magpatupad ng mga reporma upang maiwasan ang ganitong uri ng pang-aabuso sa hinaharap.
“Tinitiyak namin sa publiko na ang Kongreso, sa pangunguna ng aming lider na si Speaker Romualdez, ay buo ang loob at determinasyon na tapusin ang laban na ito,” giit pa ng Young Guns.
Dagdag pa ng mga kongresista: “Higit pa sa mga numero sa survey, ang nakikita natin dito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa hangaring makamit ang isang malinis, maayos, at makatarungang lipunan. Ito ang mandato na aming pinanghahawakan.” (END)