Friday, December 20, 2024

Radio Peeps

Isa Umali / Nagrally ang iba’t ibang militanteng grupo sa labas ng Batasan Pambansa, sa Quezon City ngayong Martes.

Ito ay para kondenahin ang umano’y “bloated pork barrel budget” o pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon sa grupong BAYAN, ang inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at kinalauna’y niratipikahan ng dalawang Kapulungan na 2025 National Budget na mataba sa pork barrel, ay posible umanong gamitin sa Eleksyon 2025.

Dismayado rin ang grupo dahil lumobo ang pondo ng ilang ahensya, gayung ang subsidya naman para sa Philhealth ay “zero” at malaki rin ang kinaltas sa alokasyon para sa edukasyon partikular sa Department of Education o Deped.

Giit nila, tanggalin ang anumang uri ng pork barrel sa pambansang pondo, maski ang confidential at intelligence funds o CIF; habang ibalik ang laan para sa edukasyon.

Kasabay nito, pina-aaksyunan ng mga militanteng grupo sa Kamara ang impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Sa ngayon, dalawang reklamong impeachment ang kinakaharap ng bise presidente.

Tuesday, December 17, 2024

ITATAAS SA 50% HOSPITAL COVERAGE NG PHILHELTH MEMBERS AT KONTROBUSYON, IBABABA NA

Nangako ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro ng Kamara de Representantes, kahit na hindi bibigyan ng ito subsidiya ng gobyerno, na ibababa nito ang premium contribution rate mula 5% patungong 3.25% at itataas sa 50% ang hospitalization coverage.

Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangako sa briefing na isinagawa ng House Blue Ribbon Committee bilang tugon sa nais ng mga mambabatas na magamit ang malaking pondo nito para sa benepisyo ng mga miyembro.

Humingi ng kasiguruhan si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon sa PhilHealth na babawasan nito ang kontribusyon na ikinakaltas sa suweldo ng mga miyembro dahil marami naman itong pondo.

Ngunit sinabi ni Bongalon na isa sa mga mandato ng PhilHealth ang pagbaba ng kontribusyon ng mga miyembro nito kapag naabot na ang kinakailangan nitong reserve funds.

Bilang tugon, sinabi ni Ledesma na mayroong intensyon ang PhilHealth na irekomenda na ibaba ang contribution rate sa 3.25% gaya ng panukala sa Senado.

MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

(“Can we ask the commitment of the President of PhilHealth? Kasi sinasabi nyo po ngayon, which we appreciate, kasi by next month tataas ng 50% (ang coverage). But you failed to fulfill the second mandate,” ani Bongalon.)

“Yun hong mandato ninyo eh. So can we commit, can you commit na hindi lang kayo nakatuon or naka-focus doon sa benefit expansion. But can you commit also na i-decrease nyo yung premium contribution?” dagdag pa ni Bongalon.

“I actually made a commitment to sit down with my team in PhilHealth to recommend for a decrease in the premium contributions,” ani Ledesma. 

“We are fully supporting that reduction. And that is a very huge reduction po,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Ledesma na ang premium rates ay itinakda ng batas at ang PhilHealth ay walang kapangyarihan na mag-isa itong itaas.

“Lahat yan nakaset po. And then just for the information of this honorable body, it’s currently at 5% this year. Yan po yung huling increase,” paliwanag ni Ledesma.

Kinuwestyon din ni Bongalon ang tila paglalagay umano ng PhilHealth ng subsidiya na ibinibigay ng ibinibigay ng gobyerno sa investment.

“Same with the 2024 GAA. Ang budget ng PhilHealth ay P60 billion, P40 billion doon ay para sa indirect contributors. So hindi ho natin maintindihan kung bakit napupunta lahat sa investments,” saad pa ni Bongalon.

Ang pangako ng PhilHealth na ibaba ang premium rates ay dagdag sa pangako nito sa pagtatanong ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng komite na itaas ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro.

“With this PhilHealth, lalong dadagdag po sana ‘yung tulong,” sabi ni Chua kasabay ng paggiit ng pangangailangan ng mabawasan ang bayarin ng mga miyembrong nagpapa-ospital.

Iginiit naman ni Chua na ang kalusugan ang isa sa mg prayoridad ng mga mambabatas para sa kanilang nasasakupan.

“Kasi, for example, ma-confine ka sa Heart Center, ang bill mo isang milyon. Saan naman kukuha ng isang milyon mga constituents namin?” tanong ni Chua.

“Kaya sana, ito pong PhilHealth, mag-focus tayo sa … healthcare benefits instead sa investments … kasi dito ang investment natin dito ay buhay ng tao,” saad pa nito.

Sagot naman ni Ledesma, “Ang commitment namin is to increase the program benefits, which hopefully mag-take effect by next month.”

Ang sobrang pondo ng PhilHealth ay nasa P150 bilyon bukod pa sa reserve fund nitong P200 bilyon.

Iginiit ng mga mambabatas ang pangangailangan na balansehin ang financial sustainability sa benepisyong nakukuha ng mga miyembro. (END)

Sunday, December 15, 2024

Tagalog Ni Ryan

1) Speaker Romualdez pinasaya Pasko ng mga sugatang sundalo sa AFP Medical Center

Pinasaya ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Pasko ng 29 na sundalo na naka-confine sa Armed Forces of the Philippines Medical Center (V. Luna Medical Center) noong Martes ng bigyan niya ang mga ito ng tulong pinansyal upang matustusan ang kanilang mga gastusing medikal at mapagaan ang mga hamong kinahaharap ng kanilang mga pamilya.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang tulong pinansyal ay ibinigay sa mga sugatang sundalo ay bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa bayan.

“These brave men and women have given so much for our country, and it is only fitting that we extend our gratitude and assistance to help them during this season of giving,” ayon kay Speaker Romualdez. 

Limang sundalo na nagkaroon ng malubhang pinsala habang nagsasagawa ng kanilang tungkulin ay tumanggap ng tig-P100,000 na tulong pinansyal.

Kabilang na sina SSG. Rodel Buenavista (Phil. Marines), at SGT. Clint John Cuizon, CPL. Ronbel Esporma, CPL. Argie Son-oc, at SSG Benjie Idmilao, na pawang mula sa Philippine Army (PA).

Habang ang 24 pang mga sundalo na nagpapagaling mula sa iba't ibang mga sugat ay nakatanggap ng tig-P10,000 na financial support.

Kasabay ng inagurasyon ng phase 1 ng Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center at the V. Luna Medical Center, binisita ng pinuno ng Kamara ang mga sugatang sundalo sa nasabing pagamutan.

“This modest support is our way of showing appreciation for their heroism and to let them know that they are not alone in their recovery,” saad pa nito. 

Binigyang pagkilala ni Speaker Romualdez ang pagpapahalaga sa mga sakripisyong ginawa ng mga kasapi ng Armed Forces, lalo na ang mga sugatan habang tintutupad ang kanilang tungkulin."

Tiniyak niya sa mga sundalo, na ang kanilang kapakanan ay nananatiling priyoridad at patuloy silang susuportahan ng gobyerno pati na rin ang kanilang mga pamilya.

Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kanyang mga pagbati para sa mabilis na paggaling ng mga sundalo at pinaalalahanan sila na ang kanilang tapang at mga sakripisyo ay hindi kailanman malilimutan. (END)

@&&&&&&&&@@@&

2) PhilHealth ibababa kontribusyon ng mga miyembro, itataas sa 50% hospital coverage

Kahit na hindi bibigyan ng subsidiya ng gobyerno, nangako ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro ng Kamara de Representantes na ibababa nito ang premium contribution rate mula 5% patungong 3.25% at itataas sa 50% ang hospitalization coverage.

Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangako sa briefing na isinagawa ng House Blue Ribbon Committee bilang tugon sa nais ng mga mambabatas na magamit ang malaking pondo nito para sa benepisyo ng mga miyembro.

Humingi ng kasiguruhan si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon sa PhilHealth na babawasan nito ang kontribusyon na ikinakaltas sa suweldo ng mga miyembro dahil marami naman itong pondo.

“Can we ask the commitment of the President of PhilHealth? Kasi sinasabi nyo po ngayon, which we appreciate, kasi by next month tataas ng 50% (ang coverage). But you failed to fulfill the second mandate,” ani Bongalon.

Ipinunto ng mambabatas na isa sa mga mandato ng PhilHealth ang pagbaba ng kontribusyon ng mga miyembro nito kapag naabot na ang kinakailangan nitong reserve funds.

“Yun hong mandato ninyo eh. So can we commit, can you commit na hindi lang kayo nakatuon or naka-focus doon sa benefit expansion. But can you commit also na i-decrease nyo yung premium contribution?” dagdag pa ni Bongalon.

Bilang tugon, sinabi ni Ledesma na mayroong intensyon ang PhilHealth na irekomenda na ibaba ang contribution rate sa 3.25% gaya ng panukala sa Senado.

“I actually made a commitment to sit down with my team in PhilHealth to recommend for a decrease in the premium contributions,” ani Ledesma. 

“We are fully supporting that reduction. And that is a very huge reduction po,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Ledesma na ang premium rates ay itinakda ng batas at ang PhilHealth ay walang kapangyarihan na mag-isa itong itaas.

“Lahat yan nakaset po. And then just for the information of this honorable body, it’s currently at 5% this year. Yan po yung huling increase,” paliwanag ni Ledesma.

Kinuwestyon din ni Bongalon ang tila paglalagay umano ng PhilHealth ng subsidiya na ibinibigay ng ibinibigay ng gobyerno sa investment.

“Same with the 2024 GAA. Ang budget ng PhilHealth ay P60 billion, P40 billion doon ay para sa indirect contributors. So hindi ho natin maintindihan kung bakit napupunta lahat sa investments,” saad pa ni Bongalon.

Ang pangako ng PhilHealth na ibaba ang premium rates ay dagdag sa pangako nito sa pagtatanong ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng komite na itaas ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro.

“With this PhilHealth, lalong dadagdag po sana ‘yung tulong,” sabi ni Chua kasabay ng paggiit ng pangangailangan ng mabawasan ang bayarin ng mga miyembrong nagpapa-ospital.

Iginiit naman ni Chua na ang kalusugan ang isa sa mg prayoridad ng mga mambabatas para sa kanilang nasasakupan.

“Kasi, for example, ma-confine ka sa Heart Center, ang bill mo isang milyon. Saan naman kukuha ng isang milyon mga constituents namin?” tanong ni Chua.

“Kaya sana, ito pong PhilHealth, mag-focus tayo sa … healthcare benefits instead sa investments … kasi dito ang investment natin dito ay buhay ng tao,” saad pa nito.

Sagot naman ni Ledesma, “Ang commitment namin is to increase the program benefits, which hopefully mag-take effect by next month.”

Ang sobrang pondo ng PhilHealth ay nasa P150 bilyon bukod pa sa reserve fund nitong P200 bilyon.

Iginiit ng mga mambabatas ang pangangailangan na balansehin ang financial sustainability sa benepisyong nakukuha ng mga miyembro. (END)

&@&@&@&&@&&@@&&

X) PhilHealth ibababa kontribusyon ng mga miyembro, itataas sa 50% hospital coverage

@@@&@&@&@&@&@&

3) Speaker Romualdez pinangunahan inagurasyon ng Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Martes ng hapon ang inagurasyon ng Bagong Bayaning Mandirigma (BBM) Casualty and Cancer Care Center sa V. Luna Medical Center, na isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga sundalo at kanilang mga pamilya.

Kasabay ng pagpapasinaya, inanunsyo rin ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati, na bilang bahagi ng diwa ng Kapaskuhan, ang lahat ng paying-patient na naka-admit sa V. Luna Medical Center noong Martes ay makikinabang sa zero-billing program.

“We have allotted P20 million to cover all of the patients’ bills today,” ayon kay Speaker Romualdez.

Binigyan diin pa ni Speaker Romualdez, na ang center ay hindi lamang isang ospital, kundi magsisilbing tahanan ng Pagasa--isang isang simbolo ng walang patid na suporta ng gobyerno para sa mga makabagong bayani ng bansa na handang magbuwis ng buhay para ipagtanggol ang bayan."

“The BBM Center represents the nation’s deep appreciation for the sacrifices of our soldiers—our bayaning mandirigma—who risk their lives every day to protect our people and sovereignty,” saad pa nito.

Ang BBM Casualty and Cancer Care Center ay maghahatid ng makabagong serbisyong medikal, partikular para sa mga pasyenteng may kanser at sa mga nangangailangan ng specialized casualty care.

Pinuri din niya ang Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI) at ang MVP Group of Companies para sa kanilang pagtutulungan na nagbigay-daan upang maisakatuparan ang proyekto ng BBM Casualty and Cancer Care Center.

Kabilang din sa nagpasinaya sa event si CSFI President, former Rep. Rosemarie Arenas, at Chairperson, Tingog Partylist Rep. Yedda Marie K. Romualdez, at MVP Group of Companies Chairman Manuel V. Pangilinan. 

“I assure you, you are not just in good hands but in the best of hands. You will be getting the best, hindi lang first-class pero world-class medical facilities and attention here at V. Luna,” pahayag pa ni Speaker Romualdez sa mga sundalo at pasyenteng dumalo sa paglulunsad ng proyekto.

“Ang Cancer Care at Casualty Support na hatid ng pasilidad na ito ay simbolo nang pagkalinga sa inyong lahat. Kayo, na araw-araw ay itinataya ang buhay para sa sambayanang Pilipino,” dagdag pa nito.

Bukod sa inagurasyon ng center, tiniyak din ni Speaker Romualdez ang patuloy na pagsusumikap ng Kongreso na itaguyod ang kapakanan ng mga sundalo, kung saan binanggit nito ang kamakailang pag-apruba ng ₱350 na arawang allowance sa pagkain o ₱10,500 na buwanang allowance para sa mga sundalo sa ilalim ng 2025 National Budget."

“Maliit man ito kumpara sa inyong sakripisyo, ito ay unang hakbang pa lamang sa pagkilala namin sa inyong kabayanihan. Asahan ninyo na gagawin namin ang lahat upang palawakin pa ang inyong mga benepisyo,” pagtiyak nito sa mga sundalo. 

“Hindi kayo nag-iisa sa laban na ito. Kasama ninyo ang gobyerno, kasama ninyo ang sambayanang Pilipino. You fight for us every day, and it is our duty to stand by you and your families in return.”

Ayon sa lider ng Kamara, ang BBM Casualty and Cancer Care Center ay isang patunay ng dedikasyon ng gobyerno, na titiyak na walang sundalo ang maiiwan—-hindi lamang sa larangan ng digmaan kundi pati na rin sa kanilang laban para sa kalusugan at paggaling.(END)

@&&&&@&@@@&&&&@@@

4) Acidre muling idinepensa PhilHealth-DBP-TINGOG MOA para makapagtayo ng mga rural hospital

Sa isang privilege speech noong Lunes, idinepensa ni Tingog Partylist Representative Jude Acidre ang Memorandum of Agreement on the Rural Hospital Financing Program na naglalayong makapagtayo ng mga rural hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“This initiative that I am referring to is the PhilHealth-DBP-TINGOG Memorandum of Agreement on the Rural Hospital Financing Program—envisioned to be a lifeline for LGU-owned hospitals in rural areas, where healthcare is often a distant hope than a present reality,” ani Acidre.

Iginiit ni Acidre ang kahalagahan na mapunan ang kawalan ng mga pagamutan sa mga malalayong lugar at ang kakulangan sa mga kasalukuyang ospital upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon.

“Let me repeat it: at present, we only have one hospital bed for every population of close to 230,000 Filipinos,” saad ni Acidre na ipinunto rin ang layo ng Pilipinas sa recommended ratio ng World Health Organization (WHO).

Ipinaliwanag ni Acidre na sa pamamagitan ng MOA ay tutulungan ng Tingog Partylist ang mga lokal na pamahalaan na maka-utang sa Development Bank of the Philippines at tiyakin na kikilalanin ang PhilHealth sa mga itatayong ospital.

“TINGOG’s role in this program is simple and clear: advocacy and assistance. We don’t touch the funds. We don’t choose which LGUs participate. All we’re doing is lending a hand to LGUs—especially in rural areas—that don’t have the technical capacity to navigate these processes on their own,” sabi ni Acidre.

“The funds are managed by the Development Bank of the Philippines (DBP) and PhilHealth—both government institutions with strict guidelines,” saad pa nito.

Ang mga lokal na pamahalaang lalahok sa programa, ayon kay Acidre, ay dapat ding sumunod sa Government Procurement Reform Act at panuntunan ng Commission on Audit (COA).

Sa halip na punahin, sinabi ni Acidre na dapat tumulong ang mga kritiko na pinupulitika ang programa na makakapagpaganda sa serbisyong pangkalusugan ng bansa.

“When we visit rural communities, we don’t see party affiliations. We see mothers traveling kilometers to reach the nearest hospital. We see children being treated in overcrowded wards. We see the struggle of doctors and nurses trying their best to save lives despite limited resources,” dagdag pa ng solon.

Ipinunto pa ni Acidre na ang MOA ay makatutulong upang matupad ang layunin ng Universal Health Care Act (UHC).

“Universal healthcare sounds great on paper, but it can’t succeed without the infrastructure to back it up. How can PhilHealth reimburse hospitals if there are no hospitals to begin with? How can we achieve universal healthcare when rural hospitals are severely underfunded, outdated, and unable to serve their communities?” saad pa nito.

Nanawagan din si Acidre sa Kongreso na suportahan ang mga reporma upang mas maging maganda ang serbisyong ibinibigay ng PhilHealth,

“To those who are quick to accuse: What have you done to address these inequalities? What solutions have you offered? If the answer is nothing, then I invite you to join us and be part of the solution. Let’s work together to bridge the gap and ensure that all Filipinos—especially those in the countryside—can access the healthcare they need and deserve.”

“This isn’t about TINGOG. This isn’t about politics. This is about doing what’s right for the people we serve. Sa anumang hamon na ating haharapin, asahan po ninyo na mananatiling tapat ang Tingog Partylist sa aming panata na patuloy na maglingkod—na sa tanang oras at pagkakataon kami ay nakikinig at nagsisilbi!” giit pa ng kinatawan ng Tingog Partylist. (END)

@@@@@@&&&@@@@@&&@

4) Mga pekeng eksperto na pinupulitika public health care binatikos ni Rep Garin

Binuweltahan ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang mga “fake expert” na kumukwestyon sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Tingog Party-list, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Development Bank of the Philippines (DBP) na naglalayong pondohan ang pagpapatayo ng mga ospital at medical facilities na patatakbuhin ng mga lokal na pamahalaan.

Sa kanyang privileged speech noong Lunes, binigyang-diin ni Garin na layunin ng MOA na palawakin ang imprastraktura ng mga ospital sa bansa, at pinabulaanan ang mga alegasyon ni Dr. Tony Leachon na ang kasunduan ay ginamit sa pulitika at may mga legal na isyu.

"We should stop politicizing public health...While doctors are busy working in their clinics, those in the academe are busy mentoring their students, and scientists who are busy in the field and their laboratories. There are just some who love chaos and cannot live if they don't create chaos pretending to be experts in every aspect of the medical field, where in reality, they just want to grab airtime," ayon sa mambabatas na dati ring nagsilbing kalihim ng DoH.

Binigyan-diin ng mambabatas mula sa Iloilo, may karapatan ding makilahok ang mga mambabatas sa mga usaping pangkalusugan dahil sila ay hindi lamang tagapagsalita ng mamamayan kundi tumutulong din sa pagtukoy ng mga kakulangan na kailangang agarang pagtugon.

Hamon din ng lady solon sa mga bumabatikos sa MOA na tumulong sa sektor ng kalusugan at "patunayan ang kanilang sinasabi sa pamamagitan ng gawa."

"Hindi naman sinasabi na bawal tumulong ang iba. 'Yung mga maiingay dyan at nagpapanggap na eksperto, I dare them to come out in the open and do the tasks and address the gaps we face at the present," ayon kay Garin.

Giit pa ni Garin, binanggit sa MOA ang tungkulin ng Tingog sa pagtulong sa mga local government unit (LGU) upang ma-access nila ang mga financial mechanism ng DBP sa pamamagitan ng fiscal training, capacity-building, at iba pang mga inisyatibo. 

Paglilinaw pa ng mambabatas, na walang pondong ililipat sa Tingog, at ang mga kasunduan sa pananalapi ay tanging sa pagitan lamang ng DBP at mga LGU, na sumusunod sa mga mekanismo ng DBP para sa pagkuha ng pautang. (END)

@@@@@@@@@@@

5) PhilHealth sobra-sobra ang pondo— Rep. Adiong

Kahit na hindi bigyan ng subsidy ng gobyerno, marami umanong pondong magagamit ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para maipagpatuloy ang benepisyong ibinibigay nito sa  mga miyembro taliwas sa ipinakakalat sa social media.

"Fake news po ang kumakalat na 'bawal daw magkasakit next year' dahil walang pondo ang PhilHealth, matapos itong hindi bigyan ng premium subsidy sa 2025 budget," ani House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep.  Zia Alonto Adiong.

Ayon kay Adiong nasa P504 bilyon ang investible funds ng PhilHealth.

Bukod pa rito, sinabi ni Adiong na iniulat ng PhilHealth na mayroon itong P183 bilyong sobrang reserve funds bukod pa sa P42 bilyon na hindi nagamit sa dalawang inilabas na Special Allotment Release Orders (SARO).

"Thus, it’s clear that the State health insurer has more than enough to cover the health needs of Filipinos even for the next two years,” giit ni Adiong.

Ayon kay Adiong nasa P140 bilyon lamang kada taon ang kailangan ng PhilHealth para sa benepisyo ng mga miyembro.

"Note, too, that even with zero premium subsidies from government, annual premium collections from direct members are sufficient to cover average benefit spending of P140-billion," Adiong said. “Ultimately, the question is: why does PhilHealth have over P500-billion in investments, when its primary mandate is to spend to save the lives and pockets of our kababayans, not to earn interest?” tanong ni Adiong.

Dahil sa dami ng pondo, hindi naglaan ng subsidiya ang Kongreso sa PhilHealth para sa mga indirect contributor sa 2025.

Nanawagan si Adiong sa publiko na huwag magpaloko sa mga walang basehang alegasyon.

“Wag po tayong magpabudol. PhilHealth's substantial reserves and ongoing benefit enhancements ensure that Filipinos will continue to receive the healthcare support they need in the coming years,” giit pa ng solon. (END)

@@@@@@@@&&@&@@

6) Makabagong Makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers 

Kinondena ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy at Tsinoy at kanilang mga bayarang troll ay vlogger na nagsisilbing “parrot” ng China.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairperson ng House Quad Committee, at House Committee on Dangerous Drugs ang mga “Makabaging Makapili” ang dumedepensa at nagkakalat ng maling impormasyon kaugnay ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Barbers na nakakalungkot ang ginagawa ng mga ito dahil ang dapat nilang sinusuportahan ay ang Pilipinas at hindi ang China.

“Sila ang nagpapalaganap ng mga maling impormasyon laban sa sarili nating bayan. Mariin nilang sinasabi na tama ang Tsina sa pag-angkin ng mga teritoryo natin at dapat daw makipag-dayalog tayo upang malutas ng mahinahon ang sigalot na ito,” sabi ng mambabatas.

“Hindi ba nila nakita o nalaman ang ilang beses na pakikipag-usap natin sa mga lider ng Tsina? Ano na ang kanilang naging tugon? Iisa lamang – amin ang buong karagatan (sa WPS), pati ang buong Pilipinas, amin,” dagdag pa nito.

Sa isang privilege speech, kinondena ni Barbers ang China sa sinabi nito na makikipagnegosasyon lamang sa Pilipinas kung ibabasura ng bansa ang naging desisyon ng United Nations Conventions on the Law of Sea (UNCLOS) at ruling ng Hague-based International Arbitral Tribunal na ang WPS ay sa Pilipinas.

“Sinabi pa nga nila kaya South China Sea ang tawag duon ay patunay na pag-aari nila yun. Nakakatawa sapagkat mga Portuguese ang nagtawag dito na South China Sea, na nuo’y tinatawag na Champa Sea, named after the Austronesian Kingdom of Central Vietnam,” sabi nito.

“This, despite the “clear as the morning sun” ruling of UNCLOS and IAT that China’s claim of historic rights to resources in areas falling within its invisible demarcation line (in the West Philippine Sea) ‘had no basis in law and is without legal effect’,” dagdag pa nito.

“At kung historical rights ang basehan ng China sa WPS, dapat pag-aari ng Mongolia ang buong Tsina sapagkat nasakop nila yan noong Yuan Dynsasty sa pamumuno ni Mongolian Emperor Kublai Khan. Gayun din ang Pilipinas na aangkinin ng Spain o Espana sapagkat mahigit 300 years nila tayong sinakop,” paliwanag nito.

Sinabi ni Barbers na ang gusto ng China ay kilalanon ang kanilang “no legal basis territorial lines” kahit na malinaw ang desisyon na ang WPS ay nasa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Nanawagan si Barbers sa mga Pilipino na magkaisa sa pagkondena sa ginawa ng China sa WPS. (END)

@&&&&&&@@@@@@@

Education budget mas malaki kumpara sa DPWH budget— Rep Khonghun

Nananatili umano na ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking badyet sa ilalim ng niratipikang 2025 national budget taliwas sa pahayag na naungusan na ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na patuloy na ang education sector ang may pinakamalaking pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill at mas mataas ito ng P22 bilyon sa DPWH.

“Base sa ating datos at figures sa 2025 national budget, malinaw na ang edukasyon pa rin ang may pinakamataas na pondo kumpara sa DPWH. Hindi totoo ang sinasabing mas malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon,” ani Khonghun.

“Fake news po ang kumakalat na paninira sa Kongreso. Hindi totoo na mas malaki ang budget ng DPWH kaysa sa edukasyon sa ating national budget,” dagdag pa nito.

Ayon sa opisyal na datos, sinabi ni Khonghun na ang kabuuang budget ng education sector ay P1.055 trilyon samantalang ang budget ng DPWH ay P1.033 trilyon.

Ang pondo para sa sektor ng edukasyon ay nakalagay sa sumusunod:

- Department of Education (DepEd): P782.17 bilyon

- Commission on Higher Education (CHED): P34.88 bilyon

- State Universities and Colleges (SUCs): P127.23 bilyon

- Technical Education and Skills Development Authority (TESDA): P20.97 bilyon

- Local Government Academy (LGA): P529.24 milyon

- Philippine National Police Academy (PNPA): P1.37 bilyon

- Philippine Public Safety College (PPSC): P994.3 milyon

- National Defense College of the Philippines (NDCP): P334.64 milyon

- Philippine Military Academy (PMA): P1.76 bilyon

- Philippine Science High School (PSHS) System: P2.80 bilyon

- Science Education Institute (SEI): P7.49 bilyon.

Mayroon din umanong pondo para sa imprastraktura sa edukasyon na nagkakahalaga ng P14.76  bilyon at salary differential alinsunod sa Executive Order No. 64 na nagkakahalaga ng P60.59 bilyon kaya ang kabuuang education budget ay P1.055 trilyon.

Sa orihinal na budget ng DPWH na P1.114 trilyon ay P82 bilyon ang convergence projects. Kapag isama umano ang P1.2 bilyon para sa salary differential alinsunod sa E.O. No. 64, ang kabuuang badyet ng DPWH ay P1.033 trilyon.

“Malinaw po na hindi pinapabayaan ng administrasyon ang edukasyon. Pinakamalaki pa rin ang alokasyon para sa edukasyon dahil ito ang pundasyon ng ating kinabukasan,” paliwanag ni Khonghun. 

“Ang budget na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante, guro at imprastruktura para sa kalidad na edukasyon,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Khonghun na nananatiling prayoridad ang edukasyon alinsunod sa Konstitusyon.

“The education sector’s funding will address critical gaps in classrooms, learning materials and teacher support, habang patuloy nating pinapaganda ang kalidad ng edukasyon sa bansa,” wika pa ni Khonghun.

“Hindi po natin binabalewala ang pangangailangan sa imprastruktura. Ngunit sa ilalim ng 2025 budget, malinaw na edukasyon pa rin ang may pangunahing pondo,” giit pa nito.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Khonghun sa kakayanan ni Education Secretary Sonny Angara na magastos ng tama ang pondo ng ahensya.

“Alam namin na sa pamumuno ni Secretary Angara, matutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga guro at estudyante,” dagdag pa nito. (END)

@@@@@@@@@@@@@&&

@@@@@&@@@@@@

@&&&&&&&&&&&@@@@@

Mga lider ng Kamara kay VP Sara: Tigilan na ng pag-iwas

Pinuna ng mga lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa pahayag na sasagutin nito sa impeachment proceedings ang mga alegasyon laban sa kanya.

Kung wala umanong kasalanan si Duterte hindi ito dapat na mamili ng venue para sagutin ang mga alegasyon sa kanya kasama na ang iregularidad umano sa paggamit nito ng confidential funds.

Ipinunto nina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun (Zambales, 1st District) at Jude Acidre (Tingog Party-list) na dapat ding humarap si Duterte sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Again, it’s another lip service ng ating Bise Presidente dahil nakikita naman natin na napakadaming pagkakataon na kailangan niyang magpaliwanag, hindi naman siya nagpapaliwanag,” sabi ni Khonghun.

“Ngayon ang sinasabi niya through impeachment ay makakapagpaliwanag siya. Pero nakikita naman natin, in-snub niya ang hearing sa Kongreso, in-snub niya ang hearing sa NBI, hindi siya nagpupunta, hindi nagpapakita,” dagdag pa nito. “So mahirap talaga magpaliwanag kung hindi mo alam kung paano mo ipapaliwanag ang iyong mga ginagawa. Sana malinawan ang kanyang pag-iisip.”

Sinabi ni Acidre na ipino-potray ni Duterte na siya ay untouchable at nakatataas sa mekanismo ng pananagutan.

“It seems like the Vice President has always made it a point that she is above the law. It seems like the law should apply to everyone except to herself,” sabi ni Acidre.

“Kung sinabi man ‘yan ng Pangalawang Pangulo, we welcome it in the spirit of Christmas, we look forward to it. Kung gugustuhin lang po ni VP Sara na sumagot sa impeachment, tungkulin po niya na sumagot. Sabi nga natin, public office is a public trust,” sabi pa nito.

“Hindi po depende sa amin kung kailangan naming sagutin ang mga katanungan ng bayan. Tungkulin po namin na sagutin ang aming mga pananagutan sa taong bayan,” dagdag pa ng chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Kinuwestyon naman ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Francisco Paolo Ortega V ang sinseridad ni Duterte sa sinabi nito na haharap sa impeachment.

“Tama po siya. Pero ang problema paano kung walang impeachment? Saan na naman po siya sasagot? Baka wala na naman. Siguro mas maganda po na gawa na lang, hindi po salita,” sabi ni Ortega.

Kinuwetsyon ng mga kongresista ang paggamit ng confidential fund ni Duterte gaya ng sobrang mahal na binayaran sa mga safe house at tumanggap ng confidential funds na walang rekord sa  Philippine Statistics Authority (PSA).

Kasama ito sa mga reklamo na laman ng dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Duterte sa Kamara de Representantes.

Nagkakahalaga ng P612.5 milyon ang confidential fund na ginastos ni Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education mula Disyembre 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023. (END)

@@@@@@@@@@@@

Pagpapakalat ng pekeng impormasyon kaugnay ng pagtanggal ng PhilHealth subsidy ihinto

Nanawagan ang mga lider ng Kamara de Representantes na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng nagong desisyon ng Senado at Kamara de Representantes na alisin ang subsidy ng gobyerno sa PhilHealth para sa 2025.

“Sasabihin ko lang po sa mga nagpapakalat ng maling kwento. Maaawa naman kayo sa taong bayan. Pamasko niyo na lang sa amin. Tigilan niyo na ang pagsisinungaling,” ani Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre said.

Ayon kay Acidre hindi totoo na walang magagamit na pondo ang PhilHealth sa susunod na taon upang maipagpatuloy ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro.

Sinabi ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na baka ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi man lang miyembro ng PhilHealth.

“Itong mga nagpapakalat ng fake news, baka di pa sila member ng PhilHealth kaya bitter sila. Kaya itigil n’yo na yang mga kalokohan na pinagagagawa niyo,” sabi ni Ortega.

Iginiit ng dalawang lider ng Kamara na mayroong sapat na pondo ang PhilHealth para matulungan sa pagpapagamot ang mga miyembro nito.

“Sa mga kababayan po natin, klaro ho yung mga numero, hindi po matitigil sa isang taon (ang subsidy). May sapat pong reserbang pondo ang Philhealth para matugunan hindi lang para sa isang taon, dalawang taon pa po,” ani Acidre. 

“At hopefully, by then we've already corrected (the deficiencies) so we could put in more, probably funds to Philheath once the corrections are made, the adjustments are made,” wika pa nito.

Sinabi pa nito na madaragdagan ang mga benepisyong ibinibigay ng PhilHealth sa susunod na taon.

“Madadagdagan pa by next year ang mga case rates natin. So siguro naman kailangan lang nito magtulungan. Magtulungan tayong lahat,” dagdag pa nito.

Iginiit naman ni Ortega na maraming pondo ang PhilHealth para maipagpatuloy ang mga programa nito.

“Masakit po talaga ang mabitin, kaya sinisigurado po natin sa taong bayan po na Philhealth has more than enough funds to cover its members for the entire year. Klarong-klaro po yan,” wika pa nito.

Ayon kay Ortega bukod sa PhilHealth ay maaari ring humingi ng tulong ang mga mahihirap na pasyente sa Department of Health (DOH).

“Karaniwan naman po yung mga pasyente natin…bulk naman po ng pinagkukuhanan ng tulong ay ‘yung medical assistance program natin na under the DOH. Actually mas malaki pa po ‘yung nakukuha nila na assistance kumpara po duon sa naibabawas duon sa Philhealth,” saad pa nito.

“So siguro misinformation is causing a little stress to the public, but then again, we have more than enough and we also have the medical assistance program po from the DOH to help our mas nangangailangan pa na ating mga kababayan,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Acidre na naiintindihan ang pangamba ng mga miyembro ng PhilHealth na inaakala na wala na silang nakukuhang benepisyo dahil sa maling impormasyong ipinapakalat sa social media.

“I understand where the frustration of the people is coming from. Kasi 2014 hanggang this year 2024, 10 years halos, hindi nagbago ang case rate. Siguro kasama sa dapat imbestigahan bakit nangyari yun? Bakit hindi po natin in-update ang case rate? Ano ba ang proseso kung ia-update?” tanong nito.

Ayon kay Acidre dapat ding silipin ng Kamara kung saan inilalagay ng PhilHealth ang reserve funds nito na nsa P607 bilyon ang halaga.

“Isa po din ‘yan sa pinapa-explain na hindi pa rin ma-explain ng maayos. We're looking forward to an opportunity siguro next year to also review saan ba ang investible funds ng PhilHealth napupunta,” wika pa nito. (END)

@@@@@&&&&&

Inalis na subsidy ng PhilHealth ibinigay sa pagpapatayo ng ospital, pondo na pantulong sa mga pasyente

Ang subsidy ng gobyerno na hindi ibinigay sa Philhealth ay inilipat umano sa pagpapatayo ng mga ospital ng gobyerno, specialty center, at mga programa para matulungan ang mga mahihirapna pasyente.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre kaugnay ng naging desisyon ng Senado at Kamara de Representantes na alisin ang P74 bilyong subsidy ng gobyerno para sa PhilHealth sa 2025.

“Ganito lang ho yun, kung nakikita mo ang binigay mo dati ay hindi pa nagagamit, bakit mo dadagdagan para lang i-exacerbate yung efficiency na mayroon ang isang agency?” paliwanag ni Acidre.

“Napunta po ito una sa pagtatapos ng Philippine Cancer Center, mapupunta po ito sa patuloy na pagkompleto ng improvements at expansion natin ng National Kidney and Lung Center of the Philippines, mapupunta po ito sa pagpapalakas ng ating specialty centers, ating regional hospitals,” wika pa ng kongresista.

Ayon kay Acidre makakatulong ang mga ito sa pagpapaganda ng serbisyong medikal sa bansa at pakikinabangan din ng mga miyembro ng PhilHealth.

Sinabi naman ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na nananatili pa rin ang problema ng mga ospital sa paniningil sa PhilHealth.

“May problema po talaga sa fiscal management … halos every 3 months, every 2 months kinakailangan namin mag-supplemental kasi nahihirapan ang district hospitals namin dahil anong karaniwan sinasabi ng administrator ng hospital, hirap na hirap sila maningil sa PhilHealth,” sabi ni Ortega.

“Biro mo ang liliit na hospital, umaabot sa million dahil nag-pile up na po sa dami ng kailangang singilin. So again, the House of Representatives is very much willing to help and be a partner to this agency,” dagdag pa nito.

Iginiit ng solon ang kahalagahan na mabayaran sa oras ng PhilHealth ang mga dapat nitong bayaran sa mga ospital na nakapagbigay na serbisyo sa mga miyembro nito.

Sinabi naman ni Zambales Rep. Jefferson “Jay” Khonghun na dapat resolbahin ng Philhealth ang mga pagkukulang nito bago ito muling bigyan ng pondo.

“Another P20 billion unutilized SARO din. So ibig sabihin, may pondo ang PhilHealth na hindi nagagamit. So sa kaso ng PhilHealth, hindi solusyon ang pagdagdag ng pondo para masagot ang problema nila sa kanilang mga programa,” ani Khonghun.

Hinamon ni Khonghun ang liderato ng Philhealth na pagandahin ang ibinibigay nitong serbisyo.

“Ako personally nananawagan ako sa ating pamunuan ng PhilHealth na ayusin yung kanilang utilization at ibalik yung serbisyo sa ating mamamayan. Dahil kung hindi, baka mapilitan tayo na manawagan sa PhilHealth sa mga opisyales ng PhilHealth, kung hindi nila kayang gawin ang trabaho nila, umalis sila diyan at hayaan ang ating pamahalaan, ang ating administration, na maghanap ng mga tao na kayang bigyan ng solusyon ang problema ng PhilHealth,” wika pa ng solon.

Sinabi ni Ortega na kailangang nagkaroon ng mga reporma sa Philhealth.

“Malaking bagay na tayo sa Kongreso ay maging partner nila, pero kailangan nilang umayos. Ang mahalaga dito ay maibalik sa tao ang serbisyo na nararapat sa kanila,” wika pa nito.

Ayon kay Khonghun ipinapakita ng paglipat ng pondo ng PhilHealth ang strategic approach ng mga mambabatas upang matugunan ang problema sa sektor ng edukasyon.

“Hindi solusyon ang dagdag pondo kung hindi nagagamit nang maayos. Kailangan ayusin muna ng PhilHealth ang kanilang serbisyo para sa tao,” giit ni Khonghun. (END)

@@@@@@@@@

Speaker Romualdez idineklara all-out war laban sa ganid na negosyante

Nagdeklara si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng all-out war laban sa mga profiteer, smuggler, at hoarder ng pagkain na nagpapahirap umano sa mga ordinaryong pamilyang Pilipino.

Kasabay nito, sinabi ni Speaker Romualdez na gagawa ng mga agresibong hakbang ang Kongreso upang mapababa ang presyo ng pagkain.

Sa isang tanghalian kasama ang House media, sinabi ni Speaker Romualdez na nananatiling prayoridad ng Kamara de Representantes ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Pilipino.

“The government is doing everything. Alam mo naman kaka-cut lang natin ng taripa para sa mga imported rice, from 35 to 15 percent. Ang dami-daming supply na naiimbak dyan pero bakit mataas pa rin ‘yung presyo?” punto ni Speaker Romualdez.

“That is what we are trying to ferret out. Bakit nga ba hanggang ngayon hindi pa bumababa ang presyo ng bigas?” dagdag pa nito.

Nagbabala rin si Speaker Romualdez na gagawa ang Kamara ng matinding hakbang upang labanan ang mga mapagsamantala.

“Sa mga profiteers dyan, ‘yung mga unscrupulous traders and wholesalers, we are going after you. The House will go after you. We will not allow this abuse to happen, lalo na itong panahon ng Pasko,” deklara nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na isa sa mga hakbang ng Kamara ang pagbuo ng House Quinta Comm na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee na nag-iimbestiga kung bakit nanatiling mataas ang presyo ng bigas kahit na mayroong sapat na suplay at ibinaba na ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.

Ang super committee ay binubuo ng House Committees on Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services, and Special Committee on Food Security.

“Our aim is to bring food prices to reasonable levels. This is about ensuring affordable rice and quality food for every Filipino,” wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Ayon kay Speaker Romualdez ang Quinta Comm ay nakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at Department of Agriculture (DA) para sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse na pinahihinalaang umiipit sa suplay ng bigas.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang Quad Comm, na nagsisilbing“truth commission” na ang trabaho ay malantad ang korupsyon at sistematikong iregularidad.

“Parang nagiging truth commission na ngayon ‘yung Quad eh. Nagiging truth commission na ngayon ‘yung mga efforts natin dito sa Congress. Because this is the place, itong venue natin, ‘yung forum where we can come out and ferret out the truth,” sabi pa nito.

Ang Quad Comm— na binubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts—ay nagiimbestiga sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at ang kaugnayan nito sa kalakalan ng iligal na droga, pangangamkam ng lupa ng mga dayuhan gamit ang mga pekeng dokumento, at extrajudicial killings sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Iginiit rin ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng imbestigasyong isinasagawa ng Committee on Good Government and Public Accountability sa iregularidad sa paggamit umano ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.

Bukod sa pagkain, sinabi ni Speaker Romualdez na tututukan din ng Kamara ang isyu ng mahal na kuryente at ang suplay ng tubig.

“We will not stop there. Mind you, once we solve that, or at least we get the process going in bringing down the price of basic food commodities, we will even look at other basic needs of the people like power or energy cost. We will look at water. We will look at the very basic needs of the people because we are the House of the People,” ani Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang misyon ng Kamara ay nakalinya sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.

“Basta sama-sama tayo, babangon tayo muli,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa House media sa kanilang kritikal na papel upang maipakalat ang mga tamang impormasyon sa publiko.

Kinilala rin nito ang “Young Guns,” ang grupo ng mga batang mambabas na kinabibilangan nina Representatives Zia Alonto Adiong, Rodge Gutierrez, Mika Suansing, at Jude Acidre, sa kanilang aktibong pakikisalamuha sa media.

“Sila ang pambato natin talaga para magbibigay sila ng mga mensahe, mga initiatives, at mga pahayag to our media. Sila ang parang talking heads natin. We have so many of them, so active, so motivated, brilliant,” saad ng Speaker.

“Magaling sila, very articulate at masipag talaga kasi kahit kailan, maski walang session, talaga nandun para sa ating mga media and for all the information and all the news gathering,” saad pa nito.

Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga lingkod bayan na pagnilayan ang kanilang misyon ngayong kapaskuhan at hinimok ang mga ito na ipagpatuloy ang pagseserbisyo sa publiko.

“During this time of Christmas, let us use some of our time to take stock. Mag-reflect tayo kung anong nangyari nitong taon and how can we be more effective public servants,” sabi ni Speaker.

“For those who are not living properly, not comfortable or secure lives, the Congress is here for you and with you, we will fight for you,” dagdag pa nito. (END)

@@&&&&&&’jjkkkl

P700B reserve fund ng PhilHealth silipin— Rep Bongalon

Hiniling ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon ng Ako Bicol Party-list na silipin ang P700 bilyong reserve fund at P500 bilyong investible fund ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Bongalon mukhang nabigo ang PhilHealth na palawakin ang benepisyo o ibaba ang binabayarang premium ng mga miyembro nito sa kabila ng napakalaking pondong hawak nito.

“Halimbawa nalang -- sa 4% annual interest, dapat may P20 bilyong kita ang P500 bilyon. Saan napupunta ang perang ito?” tanong ng mambabatas. 

Hinala ng mambabatas maaaring may mga opisyal ng PhilHealth na nakikinabang mula sa mga investment na ito.

Ang planong imbestigasyon ay kasunod ng desisyon ng Kongreso na alisin ang P74 bilyong premium subsidies ng PhilHealth para sa 2025. Giit ni Bongalon, kaya ng PhilHealth na pondohan ang benepisyo gamit ang natitirang pondo nito.

Aniya, mas gusto rin ng kanyang mga nasasakuoan ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program ng DOH dahil mas malawak ang sakop nito kaysa PhilHealth.

Sinabi ni Bongalon na marami ring ospital at doktor ang nagrereklamo dahil hindi sila kaagad nababayaran ng PhilHealth.

“Karapatan ng Pilipinong malaman kung paano ginagamit ang pondo ng PhilHealth,” ani Bongalon.

Nanawagan siya ng transparency at pananagutan mula sa ahensya. (END)

@@@@@@@@@@

Iba pang ‘Mary Grace Piattos’ nadiskubre: 1,322 indibidwal na tumanggap ng confidential fund ni VP Sara walang birth records

Mayorya ng bilang ng mga indibidwal na nakalista at tumanggap ng P500 milyong pondo mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang walang rekord ng kapanganakan sa data base ng Philippine Statistics Authority (PSA), kaya lalong tumindi ang duda na gawa-gawa lamang ang mga ito tulad ni “Mary Grace Piattos.”

Alinsunod sa atas ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinilip ng PSA ang civil registry record ng 1,992 indibidwal na tumanggap ng confidential funds batay sa isinumiteng dokumento ng Office of the Vice President sa Commission on Audit.

Sa 1,992 pangalan, sinaib ng PSA na 1,322 ang walang rekord ng kapanganakan sa kanilang database.

Ayon sa PSA, mayroon namang malapit na katugma ang 670 pangalan sa data base nito.

Natuklasan din ng PSA na sa 1,992 pangalang isinumite sa beripikasyon, 1,456 ang walang rekord ng kasal, at 536 naman ang posibleng may kaparehong record. 

Wala namang death record ang 1,593 habang 399 naman ang may kaukulang tala.

Ang resulta, na may petsang Disyembre 11 ay ipinadala ni National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, ang pinuno ng komite, na kilala rin bilang House Blue Ribbon Committee.

Ang bagong listahan ng mga pangalan ay nakalista sa mga acknowledgment receipt (AR) na isinumite ng OVP sa CoA bilang patunay ng paggastos ng confidential funds mula Disyembre 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.

Sinabi ni Chua na ang mga bagong natuklasan ng PSA ay nagbibigay ng matibay na ebidensya na ang mga acknowledgment receipt (AR) na isinumite upang ipaliwanag ang P500 milyong confidential funds ay malamang peke.

“This certification from the PSA leaves little doubt—if these names cannot be found in the civil registry, it strongly suggests they do not exist. The ARs may have been manufactured to justify the disbursement of confidential funds,” saad pa niya. 

Dagdag pa nito, “These findings raise a critical question: if the recipients don’t exist, where did the money go? This is not just a clerical error; this points to a deliberate effort to misuse public funds.”

Ang beripikasyon ay kasunod ng mga naunang natuklasan ng PSA na nagpakita ng mga pagkakaiba-iba sa mga rekord na may kinalaman sa hiwalay na P112.5 milyong confidential fund na ipinamahagi ng Department of Education (DepEd) sa panahon ng pangangasiwa ni Duterte bilang kalihim ng DepED noong 2023.

Sa 677 pangalang iniimbestigahan sa kasong iyon, 405 ang walang rekord ng kapanganakan, 445 ang walang marriage certificates, at 508 ang walang death certificates.

Ang pangalang “Mary Grace Piattos” sa mga resibo ng DepEd ay naging simbolo ng pagdududa ng publiko nang tiyakin ng PSA na walang ganitong tao sa kanilang civil registry database.

Ang pangalang ito, na itinuturing ng marami bilang pinaghalong pangalan ng isang sikat na restawran at brand ng meryenda, ay naging simbolo ng mga alegasyong iregularidad sa paggamit ng confidential fund.

Ang pangalang “Kokoy Villamin” ay lumabas sa parehong mga resibo ng OVP at DepEd, ngunit may mga hindi tugmang pirma.

Katulad ni Piattos, kinumpirma ng PSA na wala ring rekord si Villamin sa civil registry, na nagpatibay ng hinala ng mga gawa-gawang benepisyaryo. (END)