Liderato ng Kamara nangakong tututukan paglutas, pagbibigay ng katarungan sa Pampanga killings
Nangako ang mga pinuno ng Kamara de Representantes na tututukan ang mga kaso ng pagpatay ng mga opisyal ng gobyerno sa Pampanga upang makamit ng mga biktima at kanilang pamilya ang inaasam na katarungan.
Ipinahayag nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Rep. Dan Fernandez ng Santa Rosa City, Laguna ang kanilang pangako noong Martes ng hapon sa pagsisimula ng imbestigasyon ukol sa pagpatay sa hindi bababa sa anim na lokal na opisyal sa ikatlong distrito ng Pampanga, na kinakatawan ni Gonzales.
Ang Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Fernandez na nagsasagawa ng imbestigasyon na bunga ng privilege speech ni Gonzales, na siya ring naghain ng Resolution No. 2086 na humihiling ng imbestigasyon sa insidente.
Sa loob ng dalawang taon at pitong buwan, hindi pa rin nareresolba ng regional, provincial at lokalna pulisya ang pagpaslang, at nanatiling malaya ang suspek sa pagpatay.
Sa pagsisimula ng imbestigasyon, sinabi ni Gonzales sa kanyang mga kasamahan at mga nasasakupan ang panawagan sa law enforcement agencies at tumulong sa mga pamilya ng mga biktima na makamit ang hustisya.
“Gayundin, ito ay para matulungan ang pamilya ng mga biktima, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap ng hustisya,” saad nito.
“Katulad po ng sinabi ko sa aking privilege speech, gagawin ko po ang lahat, sa abot ng aking makakaya, na makuha ang katarungan sa pagpaslang sa inyong mga mahal sa buhay. Hindi po tayo titigil hanggat hindi napapanagot sa batas ang mga may sala,” dagdag pa ng mambabatas.
Kinondena ni Fernandez ang mga pagpatay at sinabi sa mga pamilya ng mga biktima na kaisa niya sila sa paghahangad ng katarungan.
“Tayo po ay nakikiisa sa paghahangad nila ng hustisya. This serious matter not only calls for the resolution of these cases and the swift delivery of justice for the victims and their bereaved families,” ayon pa sa mambabatas.
“More importantly, this calls for legal reforms and institutional strengthening, and even a shift in our cultural mindset as filipinos. Whether these killings are election related or not, political violence is a threat to our democracy and we all have the duty to seek lasting solutions. It is the least we can do for our fallen public servants,” saad pa ni Fernandez.
Tulad ng kanyang mga kasamahan, nagpahayag din si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ng Committee on Human Rights, ng pakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima sa kanilang paghahangad na makamit ang hustisya.
Kinastigo rin ng mambabatas ang local na pulisya sa kabiguang resolbahin ang mga pagpatay sa nakalipas na mahigit dalawang taon.
Sinabi ni Gonzales na ang unang insidente sa serye ng mga pagpatay ay naganap noong Abril 30, 2022, habang ang pinakahuli ay noong Nobyembre 12 lamang.
Ayon kay Gonzales, kabilang sa mga biktima sina Barangay Chairman Alvin Mendoza ng Alasas, Jesus Liang ng Sto. Rosario, at Matt Ryan dela Cruz ng Del Pilar Cutud kasama ang kanyang driver na si Henry Aquino, mula sa San Fernando City; pati na rin sina Barangay Captain Norberto Lumbao ng Laguios, Arayat, at Councilor ng Arayat na si Federico Hipolito.
Pinuna rin ni Abante ang lokal na pulisya na sinabing, “Just imagine from April 2022 to November 2024, anim ang napatay. I would like to find out from the police, kayo ang accountable dito.”
Tanong pa nito, “What have you done? You did an investigation, you know the suspects at bakit at large pa ngayon ang mga ito?”
Sa pahayag naman ni Police Brig. Gen. Redrico Maranan, ang bagong talagang Regional Director ng Central Luzon, “We are still in the process of hunting down the suspects, sir, and we are doing our best to give justice (to the victims and their families). (END)
qqqqqqqqqqqqqqqqqqqq
PBBM, Speaker Romualdez tuloy ang trabaho sa kabila ng panggugulo— House leaders
Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na nagpapahayag ng suporta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagpapatuloy umano sa pagtatrabaho sa kabila ng panggugulo.
Sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang tumayong sponsor ng House Resolution (HR) No. 2092 na may titulong “Expressing the unwavering and unqualified support and solidarity of the House of Representatives to the leadership of His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., and the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the face of serious and dangerous remarks and defiant acts that threaten the very foundation of democratic governance, rule of law, and public trust and integrity of government institutions.”
Ang iba pang may-akda ng panukala ay sina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, at Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Sumuporta naman sa resolusyon ang mga kongresista mula sa iba’t ibang partido politikal kasama sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon na mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Rep. Albert S. Garcia (2nd District, Bataan) ng National Unity Party (NUP); Rep. Mark Enverga (1st District, Quezon) ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte) mula sa Nacionalista Party (NP); Rep. Rosanna Ria Vergara (3rd District, Nueva Ecija) mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP); Rep. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Party-list mula sa Party-List Coalition Foundation (PCFI); Deputy Majority Leader Rep. Jam Baronda (Lone District, Iloilo City) ng Lakas-CMD; Rep. Toby Tiangco (Lone District, Navotas City) ng Partido NavoteƱo; at Rep. Gabriel Bordado (3rd District, Camarines Sur) mula sa Liberal Party (LP).
“The importance of this resolution cannot be overstated. As members of this honorable and highly esteemed institution, it is our responsibility to uphold the dignity, honor and integrity of the House of Representatives,” sabi ni Gonzales.
“In doing so, we must also express our collective solidarity with out leaders who stand at the forefront of defending our democratic institutions and the rule of law,” dagdag pa nito.
Nagbigay ng hiwalay na sponsorship speech si Dalipe kung saan tinuligsa nito ang pagbabanta kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Romualdez.
Sinabi ni Gonzales na nagpapatuloy ang pamumuno ni Pangulong Marcos upang madala ang bansa patungo sa pag-unlad at katatagan.
“His vision for a strong and united Philippines is evident in his administration’s achievements. It is our duty as legislators to rally behind our President in defending the interests of the Filipino people and safeguarding the future of our democratic institutions,” sabi nito.
Sinabi ni Gonzales na ang pagbabanta ay hindi lamang laban sa Kamara kundi banat sa seguridad ng bansa at tiwala ng publiko sa gobyerno.
“These include actions that defy protocols, undermine accountability, and most alarmingly, threats to the very lives of our leaders - His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., the First Lady, Mrs. Liza Araneta Marcos, and our beloved Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez,” ani Gonzales ng hindi pinapangalanan si Vice President Sara Duterte na siyang nagpahayag ng banta.
Sinabi ng solon na nagpakita si Speaker Romualdez ng natatanging pamumuno at ipinagtanggol ang institusyon sa sinumang nagpapahina rito.
“His swift and decisive response to these serious threats is a testament to his commitment to upholding the principles of democratic governance and the rule of law,” sabi nito.
Sa ilalim umano ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagkaisa ang mga miyembro ng Kamara at epektibong nagampanan ang tungkulin nito.
“We have passed crucial legislations that support the priorities of the administration and address the needs of our constituents. These successes show that, with a stalwart like Speaker Romualdez, this institution can withstand any obstacle and remain a pillar of democracy,” wika pa ni Gonzales.
Para naman kay Dalipe, ang Kamara ay nananatiling cornerstone ng demokrasya ng bansa.
“As we carry out our mandate and stand to uphold the Constitution of the Republic of the Philippines, we operate on established rules and procedures to ensure transparency, accountability, and order within our walls - and beyond,” sabi ni Dalipe.
“I take this opportunity to reiterate that this august chamber must be accorded the honor and dignity befitting its status as the House of the People. To disrespect this chamber is to disrespect the people that we represent. No public official, regardless of rank or position, should consider itself above and beyond the 100-million strong Filipino people by obstructing the lawful proceedings and orders of the House,” dagdag pa nito.
Ayon kay Dalipe, ang hindi pagsunod sa protocol, ang mga masasamang salitang binitiwan, at ang pagbabanta sa mga lider ng bansa ay isang pambabastos sa batas at sa demokratikong institusyon.
“I believe that we can do better. We must remember that our actions set the tone of public governance in the country. I applaud President Marcos and Speaker Romualdez for their patience, restraint, and ability to rise above the fray by blocking out the external noise and focusing on the work that needs to be done. I urge all of us to follow their example,” sabi ni Dalipe.
Hinimok ni Dalipe ang kanyang mga kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng mga kinakaharap na hamon at magsama-sama upang maabot ang kanilang mga layunin. (END)
qqqqqqqqqqqqqqqqqqq
AKAP para sa 4M benepisyaryo ipaglalaban ng Kamara
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta ng Kamara de Representantes upang pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2025 na badyet, na pakinabangan ng mahigit 4 milyong “near poor” na mga Pilipino sa buong bansa.
“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty,” ani Speaker Romualdez. “This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks.”
Ang programa, na pinasimulan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, ay naging mahalaga sa pagtulong sa mga pamilyang kulang ang kinikita.
Ito ay nagbibigay ng one-time cash assistance na mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ang kita ay mababa sa poverty threshold at walang ibang ayudang tinatanggap mula sa gobyerno.
Binanggit ni Speaker Romualdez na malinaw ang epekto sa malawak na naabot ng AKAP, kung saan ₱20.7 bilyon mula sa ₱26.7 bilyon na alokasyon ang nagamit na, at napakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR). Gayundin sa mga rehiyon tulad ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas ay nakapagtala rin ng mataas utilization rates ng pondo na higit sa 70 porsyento.
“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Speaker Romualdez.
Hinimok si Speaker Romualdez ang Senado na pag-isipang muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP, na siya ring apela ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na protektahan ang programa sa 2025 na badyet.
“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” giit pa ni Speaker Romualdez.
Binanggit din ng Speaker ang mas malawak na benepisyo ng programa sa ekonomiya, na sinabing ang pagtulong sa mga pamilyang nagtatrabaho ay nakakatulong upang mapanatili ang consumer spending at economic growth.
“The AKAP initiative reflects our collective vision of a more inclusive and compassionate governance model. It is the kind of program that builds trust in government by directly addressing the needs of ordinary Filipinos,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Pinagtibay din ng liderato ng Kamara ang pagbibigay-prioridad sa mga programa tulad ng AKAP na nag-aangat sa buhay ng mga maralitang Pilipino habang tumutulong sa pambansang pag-unlad.
Habang nagpapatuloy ang mga deliberasyon sa badyet, tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na hindi titigil ang Kamara upang masiguro na maipagpapatuloy ang programa.
“We will fight for AKAP because it fights for the Filipino people. This program is a testament to what good governance can achieve, and we will not allow its gains to be rolled back,” ani Romualdez. (END)
—————————
House Quad Comm naghain ng panukala para agarang makansela pekeng birth certificate na gamit ng mga dayuhan
Naghain ang mga lider at miyembro ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ng panukalang batas upang magkaroon ng administratibong proseso para mabilis na makansela ang mga pekeng birth certificate na nakuha ng mga dayuhan, kabilang ang mga sangkot sa ilegal na droga at iba pang kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang House Bill (HB) 11117, na kilala rin bilang panukalang “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” ay ang ikatlong panukalang batas na bunga ng imbestigasyon ng Quad Committee kaugnay ng mga umano’y kriminal na aktibidad ng mga dayuhan, partikular ang paggamit ng mga huwad na dokumento.
Inihain ang panukalang batas nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr.; Deputy Speaker David “Jay-Jay” C. Suarez; mga chairman ng Quad Committee na sina Robert Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Dan Fernandez, at Joseph Stephen “Caraps” Paduano; at vice chairman ng Quad Committee na si Romeo Acop.
Kabilang din sa mga umakda sa panukala sina Reps. Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jay Khonghun, Jonathan Keith Flores, Jil Bongalon, Margarita “Atty. Migs” Nograles, Ernesto Dionisio Jr., Joel Chua, Zia Alonto Adiong, Lordan Suan, at Cheeno Miguel Almario.
“A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must have. It is a document that provides the imprimatur of the State that an individual is a Filipino and opens to the individual vast opportunities unavailable to foreigners, such as practicing a profession, pursuit of certain businesses, or even to run for public office,” bahagi ng explanatory note ng mga may akda.
Ang hakbang na ito ay ipinatupad matapos mabunyag na libu-libong dayuhan ang nakakuha ng mga birth certificate sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.
Sa Davao del Sur lamang, mahigit 1,200 fake birth certificate ang inilabas ng local civil registrar hanggang Hulyo 2024.
Naniniwala ang mga mambabatas na maaring may sabwatan ang mga ito sa opisyal ng gobyerno.
“These foreigners must have gotten aid from public officers from local civil registry offices to secure such falsified birth certificates for consideration,” ayon pa sa panukala.
Kahit na may sapat na ebidensya ng pandaraya, binanggit ng mga mambabatas na ang kasalukuyang pamamaraan ay nangangailangan ng kautusan mula sa korte upang mapawalang-bisa ang birth certificate, isang proseso na maaaring magtagal ng ilang taon.
Sa kasalukuyan, sinabi nila na ang mga huwad na dokumento ay nagagamit ng mga dayuhan upang makagawa ng mga iligal na aktibidad tulad ng ilegal na droga, money laundering, at human trafficking.
“This sad state of affairs cannot be allowed to continue,” ayon pa sa rito.
Sa ilalim ng panukalang batas, itatatag ang isang Special Committee on Cancellation of Fraudulent Birth Certificates na pamumunuan ng Registrar General ng Philippine Statistics Authority (PSA), at kasaping miyembro mula sa Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, at Office of the Solicitor General (OSG).
Kabilang sa mandato ng komite na magsagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo, maglabas ng subpoena para sa mga ebidensya, at magbigay ng desisyon ukol sa mga fake birth certificate sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng mga ebidensya.
Ang reklamo ay maaring isampa ng sinumang legal-age citizen o ng law enforcement agency at kailangang magbigay ng detalyadong impormasyon at ebidensya tulad ng pangalan ng dayuhan, detalye ng pekeng birth certificate, at kung paano ito nakuha.
Bibigyan ng 15 araw ang foreign national upang sagutin ang reklamo, pagkatapos nito ay magsasagawa ng pagdinig ang komite at magbibigay ng desisyon batay sa ebidensya.
Ang mga desisyon ay agad na ipatutupad, bagama’t maaaring i-apela sa Office of the President, at resolbahin ang apela sa loob ng 30 araw.
Layunin din ng panukalang batas na magpataw ng parusa sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal na nagsabwatan para makakuha ng pekeng dokumento.
“It is time to put an end to these unlawful activities,” the authors declared. “Being a Filipino citizen should not be so easily acquired or given away by unscrupulous and selfish individuals who only wish to attain Filipino citizenship to fuel their self-interests. Being a Filipino is something that we should always honor and zealously protect.”
Ang hakbang ay kasunod na rin ng dalawa pang ibang panukalang batas na may kaugnayan sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee.
Una ng naghain ang mga lider ng Quad Committee ng HB 11043, o ang panukalang "Civil Forfeiture Act," na naglalayong pahintulutan ang gobyerno na bawiin ang mga ari-arian na ilegal na nakuha ng mga foreign national, lalo na yaong may kaugnayan sa POGO.
Naghain din sila noong Oktubre ng HB 10987, o ang "Anti-Offshore Gaming Operations Act," na naglalayong gawing institusyonal ang pagbabawal sa POGO sa buong bansa, at palakasin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad mula sa mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa POGOs.
Ang panukalang batas ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng offshore gaming sa bansa at magpataw ng mga parusa para sa mga paglabag.
Noong nakaraang buwan, nagsumite rin ang Quad Committee ng mga dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa mga posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese nationals na inaakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship upang makakuha ng lupa at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Hinimok ng mega-panel, na binubuo ng mga komite sa Kamara ang Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ang OSG na pabilisin ang pagrepaso at maglunsad ng mga legal na hakbang, kabilang ang mga proseso ng civil forfeiture, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan. (END)
——————————
Speaker Romualdez kinilala si Pangulong Marcos sa pagpapa-uwi kay Mary Jane Veloso
Pinuri at pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang na ginawa nito upang maka-uwi sa bansa si Mary Jane Veloso, na 14 na taon ng nasa death row ng Indonesia.
Inanunsyo ni Pangulong Marcos na uuwi na sa bansa si Veloso na nagdala ng kasiyahan, partikular sa pamilya ng nakakulong na OFW na nasa Nueva Ecija.
“I commend President Ferdinand R. Marcos Jr. for his resolute leadership and compassionate heart in bringing Mary Jane home. This achievement highlights the President’s firm commitment to protecting and upholding the rights of our overseas Filipino workers, even in the most difficult of circumstances,” ani Speaker Romualdez.
“His determination to engage in meaningful diplomacy reflects the government’s priority to put our people’s welfare above all else,” dagdag pa nito.
Kinilala rin ng lider ng Kamara ang pamilya Veloso at iba pang tumulong sa kanila upang mailigtas ang buhay ng nakakulong na OFW.
Naaresto si Veloso noong 2010 matapos na magdala ng maleta na mayroong nakatagong iligal na droga. Naki-usap ang Pilipinas na huwag ipatupad ang parusang kamatayan sa kanya.
“The return of Mary Jane Veloso to the Philippines is a triumph of hope, diplomacy, and justice. Her case symbolizes the enduring struggle of many Filipinos abroad who are driven by the desire to uplift their families, only to face extraordinary challenges,” ani Speaker Romualdez.
Sa ika-42 ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia noong Mayo 2023, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na inaapela ng gobyerno ng Pilipinas ang desisyon kay Veloso at hiniling na patawarin ito.
Nagpasalamat din ni Speaker Romualdez sa gobyerno ng Indonesia sa mabuting kalooban nito.
“I also express my gratitude to the Indonesian government, particularly President Prabowo Subianto, for their goodwill and understanding,” sabi ng lider ng Kamara.
“This act of compassion strengthens the bonds of friendship between our two nations, built on mutual respect and shared values of justice and humanity,” saad pa nito.
Iginiit naman ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na maproteksyunan ang mga OFW laban sa pagsasamantala ng mga illegal recruiter at kriminal na sindikato.
“As Speaker of the House of Representatives, I vow to continue working closely with our government agencies to advance policies that protect OFWs and their families, ensuring that no Filipino feels abandoned or unheard, no matter where they are,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara ang sinapit ni Veloso ay isang paalala sa mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.
“To Mary Jane, welcome home. Your resilience and courage inspire us all, and we stand ready to support you as you begin anew,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
qqqqqqqqqqqqqqqqqqqq
ISA / NAGLULUKSA NGAYON ANG MGA KONGRESISTANG MUSLIM DAHIL SA PAGPANAW NI DATING SENADOR SANTANINA TILLAH RASUL, SA EDAD NA SIYAMNAPU’T APAT.
SI RASUL AY GUMAWA NG KASAYSAYAN DAHIL SIYA ANG KAUNA-UNAHANG BABAENG MUSLIM NA NAGING SENADOR NG PILIPINAS.
AYON KAY HOUSE ASSISTANT MAJORITY LEADER AT LANAO DEL SUR REP. ZIA ALONTO ADIONG, HINDI KAILANMAN MALILIMUTAN NG MUSLIM COMMUNITY ANG MALAKING AMBAG NI RASUL SA EDUKASYON, KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN, AT MARGINALIZED COMMUNITIES.
SINABI NI BASILAN REP. MUJIV HATAMAN, SI RASUL AY NAGING TAPAT NA LINGKOD-BAYAN, NA NAGSULONG NG MGA BATAS PARA SA KARAPATAN NG MGA MUSLIM AT MGA KABABAIHAN NA NAGBIGAY-DAAN SA KANILANG MAS AKTIBONG PARTISIPASYON SA LIPUNAN.
NAGSILBING SENADOR SI RASUL MULA NOONG 1987 HANGGANG 1995.
KABILANG SA KANYANG MGA INI-AKDANG BATAS AY ANG REPUBLIC ACT 6949 O ANG BATAS NA NAGDIDEKLARA NG MARCH 8 NG BAWAT TAON BILANG NATIONAL WOMEN’S DAY SA PILIPINAS; AT REPUBLIC ACT 7192 NA NAG-AALIS NG “GENDER DISCRIMINATION” AT NAGBUKAS NG PINTUAN NG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY PARA SA MGA KABABAIHAN.
@@@@@@@@@@
JohnCon / STATEMENT ON THE PASSING OF SEN. SANTANINA RASUL
Lubos nating ikinalulungkot ang pagpanaw ni dating Sen. Santanina Tillah Rasul, ang kauna-unahang babaeng Muslim na naging senador ng Pilipinas.
Si Sen. Rasul ay naging isang tapat na lingkod-bayan. Isinulong niya ang mga batas na nagtaguyod sa karapatan ng mga Muslim at mga kababaihan na nagbigay-daan sa kanilang mas aktibong partisipasyon sa iba’t ibang larangan.
Kabilang sa mga mahahalagang batas na kanyang isinulong ang Republic Act No. 7192 o ang “Women in Development and Nation-Building Act,” na nagbukas ng pinto ng Philippine Military Academy para sa mga kababaihan at nag-atas na bahagi ng pondo ng gobyerno ay ilaan sa mga programang makikinabang ang kababaihan.
Siya rin ang isa sa mga pangunahing may-akda ng Republic Act No. 6949 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day sa Pilipinas.
Bilang senador, naging tagapangulo siya ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization at ng Committee on Women and Family Relations kung saan ipinamalas ni Sen. Rasul ang kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng mga reporma para sa ikabubuti ng sambayanan.
Ang kanyang mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon, karapatan ng kababaihan at kapayapaan ay nagsilbing inspirasyon sa marami, kasama na ang representasyong ito.
Lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang paglilingkod at mga naiambag sa ating bansa. Ang kanyang legacy ay mananatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino. Nakikiramay kami sa kanyang mga kaanak at kaibigan sa kanyang pagpanaw. ###
For inquiries:
John Concepcion
@@@@&@@@@@
Isa Umali / Itinalaga na ng Kamara ang “House contingent” para sa Bicameral Conference Committee na nakatoka sa panukalang 2025 National Budget.
Sa sesyon ngayong Miyerkules, kabilang sa mga kasama sa House contingent ay sina:
- Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations
- Rep. Stella Quimbo, vice chairman ng House Committee on Appropriations
- House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.
- House Deputy Speaker David Suarez
- House Majority Leader Mannix Dalipe
- Rep. Jude Acidre
- Rep. Neptali Gonzales II
- Rep. Jose Aquino II
- Rep. Jill Bongalon
- Rep. Eleandro Jesus Madrona
- Rep. Michael John Duavit
- At House Minority Leader Marcelino Libanan
Bukas (Nov. 28), sisimulan na ng Bicam ang pulong para pagtugmain ang magkakaibang bersyon ng dalawang Kapulungan ng 2025 General Appropriations Bill.
@@@@@@@@@@@
Hajji / Nanawagan si House Deputy Majority Leader Jude Acidre sa mga kapwa kongresista na simulan na ang pagtalakay sa panukalang batas na layong i-modernize at gawing mas makatao ang batas ng Pilipinas sa pagpapawalang-bisa ng kasal at legal separation.
Batay sa House Bill 10970 o ang Declarations of Nullity of Marriage Reform Act na iniakda nina Acidre, Representative Yedda Romualdez at Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, palalawakin ang grounds para sa pagpapawalang-bisa at legal separation, sisimplehan ang court procedures at kikilalanin ang church declarations of nullity na may civil effects.
Ipinaliwanag ng mga may-akda na ang kasal ay hindi lamang isang kontrata kundi isang "profound institution" na kinikilala ng batas at ng ating lipunan bilang pundasyon ng pamilya.
Giit ni Acidre, ang realidad ay hindi lahat ng kasal ay nagtatagal dahil sa mga bagay na hindi na kayang kontrolin samantalang ang iba ay napilitan lang dahil sa takot at dulot ng immaturity.
Sa ilalim ng panukala, magpapatupad ng reporma upang tugunan ang mga puwang sa Family Code of the Philippines partikular ang limitadong grounds kung saan idadagdag na ang psychological incapacity, lack of due discretion of judgment at simulation of consent.
Saklaw din nito ang mga kasal na para lang sa immigration benefits, pagkubra ng mana o pagtakpan ang hindi napagplanuhang pagdadalantao.
Isa sa mga pinakamahalagang probisyon ng panukala ang pagkilala sa church declarations of nullity dahil aalisin na ang redundant at magastos na civil proceedings na mag-uugnay sa canonical at civil law.
Bukod dito, sisimplehan ang legal process sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga kaso sa Rules on Summary Procedure kung saan ang mga may malinaw na ebidensya gaya ng panlilinlang at gawa-gawang consent ay pabibilisin ang resolusyon.
Para naman maiwasan ang pag-abuso sa batas, naglagay ng safeguards sa mga probisyon tulad ng pag-obliga sa mga korte na kumpirmahin na ang manifested grounds ay suportado ng substantial evidence.
@@@@@@@@@@@
Pam / Dismayado ang House Quadruple Committee sa kawalan ng urgency o agarang pagkilos ng AMLC sa pag-issue ng freeze order sa mga ari-arian ng Empire 999 na pag-aari ng Chinese nationals na sina Willie Ong at Aedy T. Yang.
Partikular na hinanap o kinuwestyon ni Congresswoman Gerville Luistro ang freeze order sa assets nito sa Mexico, Pampanga kung saan nadiskubre ang 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 3 point 6 billion pesos.
Paliwanag naman ni Attorney FraƱo Dumale ng AMLC na wala pa silang nailalabas na FO ngunit siniguro ang komite na patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Giit naman ni Luistro na noong nakaraang taon pa nila inumpisahan ang pag-iimbestiga sa naturang warehouse.
Nang tanungin din aniya kung ano ang nagiging sanhi ng delay ay tugon ng AMLC na hinihintay pa anila ang ‘unlawful activity’.
Binigyang-diin naman ni Luistro na maliban sa ilegal na drogang nakuha sa warehouse ay nakuha rin aniya ang mga naturang lupain sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.
Mahalaga aniya na ma-preserve ang naturang assets upang maiwasang maipasa ang pag-aari sa ibang tao kung patatagalin pa ang pag-issue ng freeze order.
@@@@@@@@@@@@
Mar / Mga kasapi ng House Quad Comm hindi parin matitinag sa paninirang puri ng mga trolls -Barbers
BINIGYANG DIIN ng Lead Chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace Barbers na sa kabila ng patuloy na panggigiba at paninirang puri na ginagawa ng mga trolls na kinakasangkapan ng mga malalaki at kilalang personalidad ay hindi parin magpapatinag ang mga miyembro ng Komite kaugnay sa isinasagawa nitong imbestigasyon.
Ito ang nilalaman ng opening statement ni Barbers sa pagpapatuloy ng ika-labing-dalawang pagdinig ng House Quad Committee na kung inaakala ng mga taong tinatamaan ng kanilang imbestigahan ay ihihinto na nila ang kanilang pagsisiyasat. Sila aniya ay nagkakamali.
Pagdidiin pa ni Barbers na ang mga taong nasasangkot sa mga isyung iniimbestigahan nila ay gumagamit ng mga trolls na pinopondohan ng mga ito. Kung saan, ang perang ibinabayad nila sa mga trolls ay mula sa illegal drug trade o drug money at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na pawang mga Chinese nationals ang nasa likod at nagpapatakbo ng mga nasabing illegal operations.
"Subalit nais namin kayong garantiyahan na habang kami ay pinipilit na siraan. Lalo kaming hindi titigil sa pag-ungkat ng mga bagay upang makita at maisiwalat ang buong katotohanan," wika nito.
Hinihikayat din ng kongresista ang mga taong naging biktima ng illegal na droga na dumalo sa imbestigasyon ng Quad Committee upang makapagbigay din sila ng impormasyon at maisiwalat ang katotohanan kung sino-sino ang mga taong nasa likod para lumaganap ang illegal na droga sa bansa.
"Hinihikayat pa namin ang mga tao na nagdusa sa kalakaran ng illegal na droga na pumarito sila sa Quad Comm at isiwalat ang katotohanan kung sino-sino pa ang mga may kagagawan ng pagpapakalat ng illegal na droga sa ating bayan," sabi pa ni Barbers.
Sabi pa ng Mindanao solon na upang malinawan ang mga isyu na sinisiyasat ng Komite kaugnay sa Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-against-drugs campaign at illegal POGO operation ay makabubuting magbigay ng pahayag ang sinomang mamamayan sa pamamagitan ng kanilang testimonya sa kabila ng magiging banta sa kanilang buhay.
"Ang mga ibang kusang pumarito ay hindi boluntaryong nagbigay ng pahayag sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay at seguridad. Sa pamamagitan ng kanilang mga testimonya ay nabigyan ng liwanag ng House Quad Comm ang maraming bagay. Kabilang dito ang pagpaslang kay General Wesley Barayuga. Ang paghinto ng mga sindikato sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagbibigay ng pekeng birth certificates sa mga dayuhan," ayon kay Barbers.
@@@@@@@@@@@@
hajji / Binigyang-diin ni Albay Representative Joey Salceda ang kahalagahan ng pananagutan hinggil sa mga kapalpakan na nagresulta sa paglipana ng mga cartel na nakaapekto sa suplay ng pagkain sa bansa.
Sa pagsisimula ng Quinta Committee sa Kamara, sinabi ni Salceda na ang pinakamalaking kaso ng manipulasyon sa presyo ng produktong pang-agrikultura na naranasan umano sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.
Tinukoy nito ang umano'y anomalya sa pag-aangkat ng bigas na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.
Partikular na inihayag ni Salceda ang pagkontrol ng pribadong sektor sa rice imports at manipulasyon ng import permits mula 2016 hanggang 2018.
Dito aniya naitala ang lubhang pagtaas ng presyo ng bigas na hanggang walong piso kada kilo ang naidagdag.
Sa pagtaya ng kongresista, aabot sa 88.6 billion pesos ang nawala sa ekonomiya at humupa lamang ang isyu nang buwagin ng Rice Tariffication Law noong 2019 ang permit system na pinangangasiwaan ng National Food Authority.
Paliwanag pa ng overall chairman ng Quinta Comm, nananatiling palaisipan kung sinu-sino sa pribadong sektor ang nakinabang sa rice importation permits na ipinagkaloob ng NFA sa loob ng dalawang taon.
Kabilang pa sa inungkat ang umano'y dalawang bilyong pisong isyu ng bribery sangkot ang NFA officials noong 2018 kung saan walang nakulong.
Ipinunto ng ekonomista na sinamantala ng mga cartel ang pag-divert ng procurement funds ng NFA para sa palay na sa halip na ipangsuporta sa mga magsasaka ay inilaan sa pagbabayad ng loans.
@@@@@@@@@@@@
Mar / Perang ibinabayad sa mga trolls galing sa drug money at POGO -Barbers
ISINIWALAT ng Lead Chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers na ang perang ibinabayad sa mga "trolls" upang magpakalat ng mga paninira, panlilibak at pagpapakalat ng mga fake news laban sa mga miyembro ng naturang Komite ay galing sa illegal drug trade (drug money) at illegal na operasyon ng Philippins Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang nilalaman ng opening statement ni Barbers, Chairman din ng House Committee on Dangerous Dugs sa ika-labing-dalawang pagdinig ng House Quad Comm kung saan sinabi nito na kaya nagpapatuloy ang walang pakundangang paninira ng mga trolls sa social media laban sa mga kasapi ng Komite ay dahil sila ay sustentado ng ilang matataas na personalidad sa pamamagitan ng drug money at pera naman mula sa POGO.
Sabi ni Barbers na halatang-halata aniya na inaalagaan ng mga matataas at kilalang personalidad ang mga trolls para magpakalat din ng mga paninira laban sa mga resource persons na humaharap sa pagdinig ng House Quad Comm para magbigay ng kanilang testimonya patungkol sa mga isyu na iniimbestigahan ng komite kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng POGO sa bansa.
Pagdidiin ni Barbers na ang pangunahing puntirya at objektiba ng mga trolls ay upang sirain ang kredebilidad ng mga testigo o resource persons upang magkaroon ng agam-agam at pagdududa ang publiko sa imbestigasyon ng Quad Comm at palitawin na ang isinasagawa nitong pagdinig ay "politically motivated" laban sa mga taong nasasangkot lalo na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Agon sa kongresista, hindi barya ang salaping ibinabayad umano sa mga trolls ng mga malalaki at kilalang personalidad sapagkat maaaring kinakabahan na ang mga ito dahil unti-unti nang nalalantad ang tunay na kaugnayan nila sa illegal drug trade at illegal POGO operation.
"Napakarami na pong nakita at nadiskubre ang Quad Comm. Kung kaya naman pilit itong binabatikos at minamaliit ng mga natatamaan. Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga taong tumetestigo rito. Kataka-taka na napakalaki ng puhunan na umiikot sa mga trolls na halatang inaalagaan ng mga nasasaktan sa mga bagay na nauungkat sa mga pagdinig natin dito. Kabilang na marahil ang mga malalaking pangalan sa illegal na droga at POGO," wika ni Barbers.
Kasabay nito, nilinaw din ng Mindanao solon na ang House Quad Comm ay binuo sa pamamagitan ng House Resolution na isinulong at inakda ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Cong. Aurelio "Dong" Gonzales na nauna ng nagpa-imbestiga sa 560 kilos ng shabu na ipinuslit sa Subic Port na dinala naman sa Distrito ni Gonzales sa Mexico, Pampanga.
Pagdidiin ni Barbers na sa isinagawang imbestigasyon ng kaniyang Komite kabilang na ang House Committee on Public Accounts, dito aniya nila natuklasan ang relasyon at pagkaka-ugnay ng illegal na droga sa mga dayuhang Intsik na illegal na bumibili ng lupain sa Pilipinas. Kung kaya'y minabuti na nilang pag-isahin ang mga pagdinig ng apat na Komite patungkol sa mga magkaka-ugnay sa issue.
Ang Quadcom ay binuo sa pamamagitan ng isang resolusyon na katha ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, na syang orihinal din na nagpa imbestiga sa 560 kilos na shabu na ipinuslit sa Subic port at dinala sa kanyang nasasakupang distrito sa Mexico, Pampanga. Sa una ay inimbistigahan ito ng dalawang komite, ang Dangerous Drugs Committee at ang Public Accounts. Dito nakita and relasyon at pagkaka ugnay ng mga droga sa mga dayuhan na iligal na bumibili ng mga lupain sa ating bayan. Kung kaya’t minabuti na pag-isahin ang mga pandinig ng apat na komite sa mga nadiskubreng mga kaugnayan," dagdag pa ni Barbers.
@@@@@@@@@@&
Isa / Ang pagtaas ng credit rating outlook ng Pilipinas ay patunay ng matatag na pamumuno ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng mga kasalukuyang ingay gaya sa politika.
Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kaugnay sa desisyon ng S&P Global Ratings na itaas ang credit rating ng Pilipinas sa “positive.”
Ayon sa lider ng Kamara, sa kabila ng mga hamon sa lipunan, nananatiling nakatuon ang administrasyong Marcos Jr. sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga Pilipino.
Ang pagkilala aniya ng S&P ay nagpapakita na nasa tamang landas ang Pilipinas, at mayroong matatag at maunlad na ekonomiya.
Dagdag niya, dahil dito ay mas marami ang mamumuhunan, at dadami ang trabaho para sa mga Pinoy.
Pagtitiyak ng House Speaker, aktibong makikipag-tulungan ang Kongreso sa Ehekutibo at magpapasa ng mga panukalang batas na layong palakasin pa ang ekonomiya, at makapagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.
@@@@@@@@@@
Isa / Pinatawan ng contempt ng House Quad Committee at pinakukulong sa Batasan Pambansa si dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang, dahil umano sa pagsisinungaling.
Sa pagdinig ng Quad Committee --- natanong muna ni Rep. Gerville Luistro si Tumang kung kilala ba niya ang Chinese nationals na sina Willie Ong at Aedy Yang, na incorporators ng Empire 999 Realty na isinasangkot sa ilegal na land ownership at ilegal na droga.
Aniya, hindi niya personal na kilala ang dalawa. Pero nagpunta ang mga ito sa munisipyo, at doon niya nakilala ang dalawa dahil bibili raw ng lupa.
Gayunman, napikon dito si Rep. Joseph Paduano, at nagbanta na maglalabas siya ng mga ebidensya o litrato, gaya ng naimbitahan sa China.
Nagmosyon si Paduano na i-contempt si Tumang. Ang style daw ng dating alkalde ay “bulok.”
Ngunit giit ni Tumang, hindi siya nagsisinungaling. Sumubok pa siyang magpaliwanag.
Kinalauna’y inaprubahan ng Quad Committee ang mosyon.
Si Tumang ay madedetine sa detention center ng Kamara hanggang sa matapos ang mga pagdinig ng Quad Comm.
Itinuloy naman ang pagtatanong kay Tumang, hanggang sa nagsabing hindi na niya masagot ang mga tanong dahil masama na umano ang kanyang pakiramdam.
@@@@@@@@@@@