VP Sara, ayaw pa ring maging accountable sa P612.5-million secret funds at sa DepEd budget - Young Guns
VICE President Sara Duterte continues to evade responsibility and accountability for the alleged misuse of P612.5-million in confidential funds given to her office and the budget of the Department of Education (DepEd) when she was its secretary.
Two leaders of the Young Guns bloc in the House of Representatives - Deputy Majority Leader Paolo Ortega of La Union and Assistant Majority Leader Jay Khonghun of Zambales - made the statement in reaction to the Vice President’s rejection of a new invitation extended to her by the House Committee on Good Government and Public Accountability.
The committee, chaired by Manila Rep. Joel Chua, has been looking into adverse audit findings on the use of the P612.5-million CIFs released to the Office of the Vice President in the last quarter of 2022 and the first three quarters of 2023, and billions in DepEd funds.
The Vice President personally received the new invitation last Wednesday, when she attended the Quad Comm hearing in which her father, former President Rodrigo Roa Duterte, testified on extrajudicial killings linked to his bloody war on drugs.
“Ayaw pa ring sumipot sa aming inquiry, kasi ayaw matanong, takot matanong. Ang kanyang pagtanggi ay bahagi ng kanyang strategy para iwasan ang responsibilidad at accountability para sa ‘di wastong paggamit ng pera ng taong bayan,” Ortega said.
Ortega said the Vice President refused to take the “oath to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth” given to resource persons in congressional inquiries the first time she appeared before Chua’s committee.
“Kapag ang isang tao ay ayaw tanggapin ang simpleng oath para sabihin ang katotohanan, ibig sabihin hindi siya preparado para magsabi ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Kaya di namin siya tinanong,” Ortega said.
“Buti pa ang tatay niya, tinanggap ‘yung oath to tell the truth nung Miyerkules,” Ortega added.
Khonghun said the Vice President continues to refuse to testify in House hearings because she could not explain and justify the hundreds of millions in alleged dubious confidential expenses by her office and similar questionable disbursements in DeEd during her time as its secretary.
“Kung ani-ano ang kanyang alibi at excuse. True to form, binubudol na naman ang publiko. Nililihis ang usapan. Di na lang sabihin na ‘di kayang ipaliwanang ang ginawang pang-aabuso sa pondo ng bayan,” Khonghun said.
Khonghun said the Vice President would have difficulty in explaining the audit finding that her office used up its P125-million confidential funds in just 11 days in December 2022.
“Inubos ‘yung P125 million sa loob ng 11 araw. Gumastos sila ng P11.4 million bawat araw. Anong surveillance or spying activities ang ginawa nila, kung meron? Sinü-sinong informant ang binigyan nila ng reward, kung meron? Bąka wala,” he added.
Ortega pointed out that part of the P125 million was spent for the procurement of medicines and supplies, which is not allowed under the rules on the use of confidential and intelligence funds.
As a result, the Commission on Audit (COA) disallowed P73 million of the P125-million disbursement and has asked Vice President Duterte and two other OVP officials to return to the government.
“Pinasasauli sa kanila yung P73 million dahil sa di wastong paggastos,” Ortega stressed.
In addition to the P125 million in December 2022, the OVP received a total of P375 million in confidential funds for the first three quarters of 2023, or P125 million per quarter.
Khonghun said of the first quarter's P125 million allocation, the COA has questioned P67 million, or more than half, P62 million for the second quarter and P35 million for the third quarter.
“Ibig sabihin, paulit-ulit ang ginawang pang-aabuso sa pondo. ‘Yung di pinayagan na expenses ng COA nung December 2022, gaya ng pagbili ng medicines and supplies, ay inulit nung 2023. Siguro para lang maubos ang P375 million sa loob ng siyam na buwan,” he said. (END)
—————————
Muling nag-init ang ulo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na ika-labing-isang Quad Committee hearing bago mag-hatinggabi.
Sa interpelasyon kasi ni Representative Raoul Manuel kay dating Senador Antonio Trillanes IV ay inungkat ang source ng mga pag-aaral nila sa bank documents ng pamilya Duterte mula 2011 hanggang 2015 at 2016.
Ayon kay Trillanes, ginawa nilang basehan ang ibinunyag ni Arturo Lascañas na nagtuturo kina Michael Yang, Charlie Tan at Sammy Uy sa 6.4 billion pesos na shabu shipment.
Si Uy ang sinasabing campaign contributor ni dating Pangulong Duterte na iniuugnay sa illegal drug trade.
Nasilip umano nina Trillanes ang bank accounts na napasukan ng manager's checks at na-encash ng buong pamilya Duterte.
Anim na buwan aniya ang pagitan ng tig-aapat na tseke na pumapasok at may dividendo na aabot ng 40 hanggang 50 million pesos.
Ipinaliwanag pa ni Trillanes na na-validate na ito ng Anti-Money Laundering Council sa pamamagitan ng Office of the Ombudsman kaya malinaw na tumatanggi na naman ang dating pangulo na pumirma ng bank waiver at pinoprotektahan ang mga nabanggit na indibidwal.
Pero bumuwelta si dating Pangulong Duterte na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapabukas ng bank account sa publiko at maaari siyang magsampa ng kaso.
Nang hindi na makontrol ng mga kongresista at napansing pagod na ang dating pangulo bunsod ng pagmumura at iba pang salita ay nagpasya na sila na suspendihin ang pagdinig at itatakda na muli sa November 21, araw ng Huwebes.
Iginiit pa ni Duterte na nais pa sana niyang manatili hanggang alas-dos ng madaling araw at magkasa ng marathon hearings sa loob ng ilang araw dahil hindi naman siya mayaman at wala siyang panggastos para dumalo sa pagdinig.
Pagtitiyak naman ni Antipolo City Representative Romeo Acop, walang dapat ipangamba ang dating pangulo dahil maaari naman siyang gastusan para makadalo sa imbestigasyon.
—————————
Dating Pangulong Duterte umamin kinukuwentong naglaglag ng kidnapper sa helicopter hindi totoo
Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi totoo ang ikinukuwento nito na mayroon siyang inilaglag na kidnapper mula sa isang lumilipad na helicopter.
Sa pagdinig ng House Quad Committee noong Miyerkoles, sinabi tinanong ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang dating Pangulo kaugnay ng sinabi nito noong 2016 na lumabas sa malalaking pahayagan gaya ng The Washington Post.
“You said publicly and I quote: ‘If you are corrupt, I will fetch you using a helicopter to Manila, and I will throw you out. I have done this before, why would I not do it again?’” sabi ni Abante.
Tinanong ni Abante si Duterte kung sa palagay ba nito ay justified ang aksyong ito sa mga korap.
Sagot ni Duterte, “Hindi sir, hyperbole lang ‘yan sir. Hindi papayag ang piloto n’yan sir.”
Humingi ng paglilinaw si Abante sa sinabi ni Duterte kung ito ay totoo o biro lamang.
“So if you feel justified in doing it, can you please name to us the victim, sino po ‘yong tinapon niyo sa helicopter?” tanong ni Abante.
“Sinabi niyo po eh, I have done this before, why would I not do it again? Sino po ‘yong tinapon niyo, can you please name the victim?” dagdag pa nito.
Sinabi ni Duterte na kuwento lamang niya ito.
“Well sir sabi ko, storya lang. Para sa kriminal. Pero paano ko itapon ‘yan, buksan mo pa ‘yong… hyperbole nga,” giit ni Duterte.
Ang pahayag ni Duterte kaugnay ng paglalaglag ng tao sa helicopter ay isa sa mga sumikat na sinabi nito noong 2016. (END)
————————
Reward system kinumpirma ni dating Pangulong Duterte
Kinumpirma ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng House Quad Committee na mayroon itong ibinigay na pabuya sa mga pulis.
Sa pagtatanong ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, hayagang sinabi ng dating pangulo na may insentibo sa law enforcement personnel nabahagi ng drug war mission.
“Reward? Correct. Very correct. Talagang totoo. At minsan bigyan ko pa dagdag,” sabi ni. Duterte
Una nang sinabi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, isang retiradong police colonel na malapit kay Duterte, na ibinase ang naturang reward system sa “Davao Model,” kung saan bahagi ang Davao Death Squad.
Isiniwalat niya na inatasan ni Duterte si dating National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo na ipatupad ang modelong ito sa buong bansa at bigyang pabuya ang mga pulis na tinatarget ang mga drug suspek.
Sabi ni Garma naglalaro sa P20,000 hanggang P1 milyon ang pabuya sa mga sankot sa iligal na droga na mapapatay.
Sinang-ayunan naman Leonardo ang pahayag ni Garma habang si Lt. Col. Jovie Espenido—na kilala bilang “poster boy” ng giyera kontra droga— una nang isiniwalat ang pagkakaroon ng reward system at tinukoy na nanggaling aniya sa jueteng, POGO, intelligence funds, small-town lottery. Ng PCSO.
Dumadaan ani Espenido ang pera sa matagal nang aide ni Duterte na ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go.
Paliwanag ni Duterte na nagbibigay siya ng pinansyal na suporta sa kapulisan na bahagi ng drug war dahil kailangan ito sa kanilang mga operasyon at kulang ang pondo.
“If there is an operation which is not funded by the police, you have to provide,” sabi ni Duterte kay Manuel.
“I sometimes gave extra as a reward,” aniya at sinabi na umaabot ito minsan ng hanggang P20,000.
Paguusig pa ni Manuel kay Duterte, kung ginamit rin pampondo sa pabuya. Ang confidential at intelligence fund ng Office of the President.
Tinanon din ni Manuel ang dating pangulo tungkol kay alias ‘Muking’ at kung bakit siya ang namamahagi umano ng pera sa naturang mga pulis.
Kinumpirma ni Duterte na si Muking ay dating nagta-trabaho sa Presidential Management Staff (PMS).
“Mr. Chair, bakit kinakailangan na isang [PMS] ang tagabigay ng pera? Saan po ba nagagaling ang pera na siyang ginagamit para sa reward system?" tanong ni Manuel
Si Muking na ang tunay na pangalan ay Irmina Espino at kinilala ni Garma bilang tauhan ni Sen. Go
Malaki ani. Garma ang papel ni Espino sa pinansyal na operasyon ng giyera kontra iligal na droga na humahawak sa transaksyon ng reward system bilang insentibo sa mga puli na papatay ng mga indibidwal na kasama sa. Drug list ni Duterte.
Nagtrabaho si Espino sa tanggapan ni Go sa Davao. City Hall noong alkalde pa lang si Duterte at kalaunan ay naging Assistant Secretary sa Malacañang nang maging Special Assistant to the President si Go.
Naging Undersecretary din siya hanggang sa matapos ang termino ni Duterte noong 2022.
Inusisa pa ni Manuel kung saan nanggaling ang pondo para sa kampaya kontra iligal na droga na posibleng hinugot sa intelligence funds ng OP
“The Peace and Order Fund, sa mga local government units natin, ‘yan po ay kinukuha mula sa confidential fund,” sabi ni Manuel
Ani Manuel, dahil sa pagiging confidential ng pondo ay hindi ito nasuri ng publiko at hindi nakahingi ng pananagutan.
Iniwasan ni Duterte ang tanong at ipinunto na ito ay confidential funds ay para protektahan ang interes ng seguridad ng estado.
“Kaya tinawag ‘yan, Sir, ng intelligence fund na confidential. Kaya huwag kang magtanong kung anong confidential ginawa ko,” tugon ni Duterte.
Pero hindi nito nasagot ang tanong ni Manuel tungkol sa pananagutan sa sinasabing panuya at posibleng paggamit ng pondo ng bayan.
Dahil sa pagkumpirma ni Duterte sa reward system ay lalong umigting ang pagkabahala sa pananagutuan sa drug war.
Kinuwestyon din ni Manuel ang pagiging bukas at ginawang pag-iingat sa pag-buo ng ginamit na listahan sa anti-drug operations.
“Lahat po ba ng mga high-value targets sa drug list na hindi na-vet, lahat po ba merong unlawful aggression na ginawa noong sila ay gustong tugisin ng pulis?” tanong ni Manuel kay Duterte para linawain kung ang mga indibidwal sa listahan ay dumaan sa tamang vettingo pagsusuri at sila ay ba ay tunay na banta.
Bilang tugon, sinabi ni Duterte na hindi niya personal na sinuri ang listahan at ibinigay ang responsibilidad sa mga pulis.
“The vetting responsibility was never mine,” sabi niya. “Do you expect me, as mayor or president, to personally verify each entry on the list?”
Ayon kay Manuel, ang pagiging confidential ng naturang pondo at reward system ay nagdulot ng kawalan ng transparency at nagbukas sa pang-aabuso.
“The fact na nakatago po ‘yan, ito po yung nangyari,” aniya sabay sabi na ang kawalan ng oversight o pagbabantay ay nauwi sa hindi makatwirang aksyon sa giyera kontra iligal na droga. (END)
————————-
‘Nang-iwan sa ere’: Pangako ni Duterte na tutulungan mga pulis na sasabit sa war drugs ampaw
Ampaw at wala umanong silbi ang mga ipinangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na tutulungan ang mga ito sakaling maharap sa kaso kaugnay ng pagpapatupad ng war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.
Ito ang sinabi ng mga lider ng Young Guns ng Kamara na sina Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur atPammy Zamora ng Taguig City matapos sabihin ni Philippine National Police chief Rommel Marbil na walang suportang nakuha ang mga pulis na naharap sa kaso dahil sa pagpapatupad ng Duterte drug war.
“General Marbil’s disclosure shows that Duterte’s commitment to support his officers was nothing but an empty promise. Many of these officers now face charges without any backing from the former president who had ordered them to ‘neutralize’ drug suspects. Nakakalungkot isipin na pinabayaan sila pagkatapos nilang sumunod sa kanyang kautusan,” ayon kay Adiong.
Una na ring nanawagan si Marbil ng suporta at tulong para sa mga pulis, na nagsabing hindi naisakatuparan ang ipinangakong tulong sa mga nagpatupad sa kampanya ni Duterte laban sa droga.
Ayon kay Marbil na ang mga pulis na sumunod sa mga utos ni Duterte na ngayon ay nahaharap sa iba't ibang kaso ay walang naasahang legal at financial support tulad ng unang ipinangako sa kanila.
Giit naman ni Zamora, na ang pangako ni Duterte ay hindi maikakailang walang silbi, lalo na sa mga pulis na itinaya ang kanilang kinabukasan at reputasyon.
“It’s disheartening to see that the former president abandoned the very officers who implemented his war on drugs. Ang nangyari ay napabayaan na sila matapos silang maglingkod sa ilalim ng kanyang administrasyon,” ayon kay Zamora.
Batay sa mga testimonya ng mga humarap sa House Quad Committee, mayroon umanong reward system ang war on drugs kung saan nakakatanggap ng P20,000 hanggang P1 milyon ang mga nakakapatay ng drug suspek.
“These officers were motivated by a system that encouraged results at any cost, and now they’re the ones paying the price. For the former president to make these public declarations of support, only to turn his back on them when they need it most,would seem to be a betrayal of these officers,” ayon kay Adiong.
Sinabi ni Zamora na ang hindi pagtupad sa mga pangakong suporta ay lalo pang nagpapakita ng mga pagkukulang sa kampanya ni Duterte.
“The President fell short on delivering his promise, much like the shortcomings of his anti-drug war. Ngayong unti-unti na nating napapagtagpi-tagpi ang kwento, tila kinukulang na sa suporta mula sa dating Pangulo ang mga kapulisang dati’y kanyang lubos na pinagkatiwalaan,” saad pa ni Zamora.
Ipinunto ni Zamora na ang kakulangan ng suporta para sa mga pulis na ito ay nagdulot ng pagkasira ng tiwala sa pamumuno.
“Duterte’s promises create a false sense of security, and as those words turned into weakened assurances, those who followed orders feel double-crossed. This causes damage far beyond the police force; even damaging public trust in our institutions,” paliwanag pa ng mambabatas.
“A true leader is one who values actions more than words, it is standing by your people when things get difficult,” dagdag pa ni Zamora.
Ipinahayag ni Adiong ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng mga pulis habang hinaharap nila ang mga legal na pananagutan sa pagsunod sa mga utos ni Duterte.
“These officers acted on orders and assurances. Now, they face the consequences alone, and this abandonment is a serious injustice. This is a lesson that leaders must be held accountable for the directives they give,” giit pa ng kongresita.
“As we seek to prevent future abuse, it’s crucial to provide adequate legal assistance and support to officers who may be unfairly targeted while following directives,” saad pa ni Adiong. (END)
————————-
P500M confidential fund kontrolando ng mga opisyal na malapit kay VP Sara
Ang mga malalapit na opisyal ni Vice President Sara Duterte ang nakaka-alam kung papaano ginastos ang P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President noong 2022 at 2023.
Sa ikalimang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Lunes, tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ang mga dumalong opisyal ng OVP na may kaugnayan sa liquidation at pangangasiwa ng P500 milyong confidential fund na inilabas ng tig-P125 milyon kada quarter mula sa last quarter ng 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.
Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang paggamit ng naturang pondo kasama ang P125 milyon na ginastos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Batay sa mga sagot ng mga resource person, sinabi ni Suarez na lumalabas na ang finance officer, budget officials, o chief accountant ng OVP ay walang direktang kinalaman sa paggastos ng confidential fund.
Ayon kina Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Chief Accountant Julieta Villadelrey, at Budget Division Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Teñido wala silang personal knowledge kung papaano ginamit ang confidential fund.
“So the finance officer, the accountant, and the budget planning team—none of you have personal knowledge or involvement with these confidential funds, correct?” tanong ni Suarez.
Kinumpirma ni Sanchez na bukod kay Duterte ang direktang may kinalaman sa pangangasiwa sa naturang pondo ay sina Gina Acosta, ang pecial Disbursement Officer (SDO) ng OVP at si Atty. Zuleika Lopez, ang Chief of Staff ng OVP.
“When it comes to the confidential fund, your honor, it should be the special disbursing officer,” sabi ni Sanchez.
Sinabi ni Sanchez na si Acosta ay nagre-report kay Lopez na siya namang nagrereport kay Duterte.
“So in the end, only the SDO, the chief of staff, and the vice president herself have any knowledge or oversight of these funds, correct?” tanong ni Suarez.
“That is correct, Your Honor,” sagot ni Sanchez.
Sina Acota at Lopez ay galing sa Davao City government bago kinuha ni Duterte sa OVP.
Kinukuwestyon ng mga kongresista kung papaano ginastos ang confidential fund sa ilalim ng tanggapan ni Duterte na kinuwesyon din ng Commission on Audit.
Bukod sa confidential fund ng OVP, iniimbestigahan din ang P112.5 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd) na ginastos noong pinamumunuan pa ito ni Duterte.
Sinabi ni dating DepEd Undersecretary, Chief of Staff, at Spokesperson Michael Poa na ang may direktang may kontrol ng confidential funds ay si Duterte at ang special disbursing officer na si Edward Fajarda.
“It would probably be the Secretary or the ones responsible for the confidential funds,” sagot ni Poa ng tanungin kung sino ang may kontrol ng confidential fund ng DepEd.
“The Secretary and the SDO are the only ones that are privy,” dagdag pa nito.
Matapos ito, sinabi ni Poa na hindi na siya konektado sa OVP. (END)
—————————
Bagong Corporate tax law magpapalakas sa tiwala ng mga mamumuhunan, lumikha ng mas maraming trabaho-Speaker Romualdez
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa paglagda nito sa isang batas na nag-aamyenda sa National Internal Revenue Code nitong Lunes.
Ang bagong batas ay nag-aamyenda sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na tatawagin ng CREATE MORE (Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) Law.
Ayon kay Speaker Romualdez, isa sa mga pangunahing may-akda ng bagong batas, ang CREATE MORE Act ay naglalayong ayusin ang mga kalituhan at hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga insentibo sa buwis na ibinigay ng CREATE law sa mga lokal at pambansang korporasyon mula nang ito ay maipasa noong Marso 2021.
Sinabi niya na ang pangunahing katangian ng orihinal na batas ay ang pagbaba ng corporate income tax mula 25 porsyento hanggang 20 porsyento, alinsunod sa global trends.
Subalit, bagamat tatlong taon pa lamang ang batas, may mga reklamo mula sa ilang mamumuhunan tungkol sa umano’y hindi malinaw na mga probisyon, lalo na ang mga insentibo sa value-added tax.
“To resolve these issues, and to encourage these investors to remain in the country and keep their workers employed, we found it necessary to already amend the law,” dagdag pa nito.
Iginiit pa ng pinuno ng Kamara na binubuo ng higit sa 300-mga kinatawan, na layunin ng mga pagbabagong ito ay naglalayong makaakit din ng mas maraming banyagang mamumuhunan.
“We acted fast to make adjustments in the law to preserve existing investments and to attract additional capital,” ayon kay Speaker Romualdez.
Binanggit niya na ang CREATE MORE Law ay nagsasama ng mga input na nakuha mula sa mga kamakailang investment missions ni Pangulong Marcos Jr. sa ibang bansa “sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga deductions sa kita sa buwis at pagpapadali ng mga proseso kaugnay ng VAT.”
Binigyang-diin niya na inaasahan na ang mga foreign trips ng Pangulo ay magbubunga ng higit sa P1 trilyong halaga ng mga pamumuhunan.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang mga pagbabago sa CREATE law ay hindi nagbabalik sa mga benepisyo mula sa pagbaba ng corporate income tax at ang pagbibigay ng iba pang mga insentibo sa buwis.
Ayon sa kanya, isa sa mga reklamo ng mga mamumuhunan ay may mga hindi pagkakaayon sa orihinal na batas at sa mga ipinapatupad na mga patakaran at regulasyon (IRRs).
Sinabi niya na ang mga insentibo sa VAT na inilaan para sa mga rehistradong negosyo, kabilang ang mga locators sa economic zone, mga exporter, at mga lokal na negosyo na itinuturing na "preferred industries," ay ibinigay lamang sa mga rehistradong export enterprises batay sa mga IRRs.
Dagdag pa niya, ang CREATE MORE Act ay naglilinaw sa kalituhan ukol sa probisyong ito at nag-aayos ng iba pang mga isyu sa pagpapatupad ng orihinal na batas.
“We hope the changes will satisfy our existing investors and entice more foreign capitalists to invest in the country. The enactment of the new law signals our unwavering commitment to keep and attract investments that will preserve jobs and create more opportunities for our people,” giit pa ni Speaker Romualdez. (END)
——————————
Puro daldal at drawing lang si Digong: Napako ang mga pangako sa PNP - House leaders
Hinamon ng dalawang pinuno ng Kamara de Representantes si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuparin ang ipinagmamalaking proteksyon at tulong sa mga pulis na nagpatupad ng madugong war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.
Ginawa nina Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Partylist at House Quad Comm co-chairman Rep. Dan Fernandez ng Laguna ang pahayag bilang tugon sa reklamo ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil, na hindi natupad ang mga pangako ni Duterte sa mga pulis na nagpatupad ng kanyang polisiya.
“Walk the talk. Puro daldal lang naman siya, palaging, ‘ako ang bahala sa inyo,’ pero yung pulis na nakabaril ng drug suspect pala ang kawawa,” ayon kay Acidre said.
Saad pa ng mambabatas na may ugali ang dating pangulo na paulit-ulit na magbigay ng mga pangako na hindi naman niya tinutupad.
Ayon kay Acidre, huling pagkakataon na nagbigay ng ganitong pahayag ang dating Pangulo noong Oktubre 28, nang siya ay humarap sa Senado, kung saan sinabi niyang siya lamang ang dapat managot sa legal at moral na aspeto ng kanyang marahas na anti-drug war.
“He should tell that to the ICC (International Criminal Court). Let us see what happens,” ayon kay Acidre.
Sinabi ni Fernandez na paulit-ulit na ipinangako ni Duterte na magbibigay ng mga abogado sa mga tauhan ng PNP na nagpapatupad ng kanyang kampanya laban sa droga na nagresulta sa mga extra-judicial killings (EJKs).
“Napako ang mga pangako. Puro drawing lang. Mahilig kasi sa budol-budol, pati yung mga pulis na naniwala sa kanyang pangako ay nabudol din,” saad nito.
“Buti pa ang Pangulong Marcos Jr., may pronouncement na bubuo ng legal team sa PNP na magbibigay assistance sa mga pulis na nahaharap sa kaso,” ayon pa kay Fernandez.
Hinimok nina Acidre at Fernandez si Marbil na gamitin ang PNP Legal Service upang tulungan ang mga pulis na nagpatupad ng kampanya laban sa droga nang may mabuting layunin at hindi dahil sa mga pabuyang pera pinansyal na iniaalok nito.
Base sa testimonya na nakatanggap ng Quad Committee, umaabot sa P1 milyon ang ibinabayad para sa bawat high-value drug suspect na napatay.
Ayon kay retired Col. Jovie Espenido, ang pondo ng mga pabuya ay nagmumula sa antas ni Sen. Bong Go (malapit na katiwala ni Duterte).
Ayon sa kanya, ang reward system ay pinondohan mula sa mga intelligence funds at mga kita mula sa iligal na sugal, POGOs (Philippine Offshore Gambling Operators), at mga small-town lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office, na karamihan ay pinamahalaan ng mga opisyal ng PNP na malapit kay Duterte.
Sa pahayag ni Marbil kamakailan, sinabi nitong na bagamat maraming pangako ng suporta si Duterte upang tulungan ang mga tauhan ng PNP na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng war on drugs, wala siyang nakitang pruweba na natupad ang mga pangako ng dating Pangulo.
Ayon sa hepe ng PNP, mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2022, sa ilalim ng termino ni Duterte, 1,286 na mga opisyal ang naapektuhan in line of duty – 312 ang napaslang at 974 ang nasugatan sa panahon ng anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Marbil, ang mga pulis na ito ay "nagsagawa ng kanilang mga tungkulin nang may buong dedikasyon at madalas na humarap sa malalaking panganib upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko."
“Many officers endured not only physical harm but also found themselves entangled in legal and administrative challenges,” ayon kay Fernandez. (END)
—————————
OVP chief lawyer gumaya kay VP Sara tumangging manumpa na magsasabi ng totoo
Tulad ng kanyang boss na si Vice President Sara Duterte, tumanggi rin na manumpa na magsasabi ng totoo ang chief lawyer ng Office of Vice President (OVP) sa dumalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Lunes.
Noong Setyembre 18, dumalo ang Bise Presidente sa pagdinig ng komite subalit tumanggi itong manumpa na magsasabi ng totoo sa pagdining kaugnay ng paggastos nito ng P625 milyong confidential funds noong 2022 at 2023 na inilaan sa OVP at Department of Education (DepEd), na dati nitong pinamumunuan.
Ang pagtanggi ni Emily Torrentira, chief ng Legal Affairs Department ng OVP, na manumpa sa pagsasabi ng katotohanan ay nag-udyok sa panel na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua na paalisin ito sa pagdinig.
Si Torrentira ay hindi kabilang sa mga opisyal ng OVP na inimbita ng komite upang magpaliwanag tungkol sa mga kaduda-dudang natuklasan sa audit kaugnay ng paggamit ng P625 milyong CIF ng OVP at DepEd.
Kinuwestyon ang Commission on Audit (CoA) ang paggastos sa mga confidential fund.
Bagama’t hindi siya imbitado, dumalo si Torrentira sa pagdinig ng Kamara subalit ayon sa committee secretariat na si Sheryl Cristine V. Lagrosas tumanggi itong manumpa na magsasabi ng totoo gaya ng ibang dumalong resource person.
Kaya’t tanong ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano: “May I ask the good attorney, what is your role in this, you were not invited but you are present in today’s hearing but you never take your oath? Why? What is your presence (here for)?
“Mr. Chair, your Honor, I am the chief of legal affairs of the Office of the Vice President. I am here to represent the institution,” tugon naman ng abogado.
“So, you are here to represent the institution. You should, before talking, you should take your oath. Because that is on record. You’re a lawyer, you know that, you cannot speak unless, until you take your oath. That’s the rule, internal rules of this House and of this committee,” saad ni Paduano kay Torrentira.
“You cannot speak unless you take your oath, or else I will move to excuse you from this room,” ayon pa sa mambabatas.
Ipinagtataka naman ni Laguna Rep. Dan Fernandez kung bakit tumanggi ang chief lawyer ng OVP na manumpa na magsasabi ng katotohanan.
“No your Honor, I am not refusing to take the oath. Prior to being asked to take the oath, I was trying to explain your Honor that I am not an invited resource person…that I’ve only been asked now to explain why there was no receipt of subpoena for the persons who are not present here. That is what I have been trying to say,” tugon ni Torrentira.
Ayon sa kanya, batay sa mga alituntunin ng komite at ng Rules of Court, "dapat gawin ang personal service sa mga resource person na binibigyan ng subpoena."
“They being not present in the office at that time, no person can receive on their behalf, and hence there will be no proper service,” saad pa nito.
“Has somebody told you not to accept all those invitations?” tanong ni Fernandez.
“No your Honor, it was a… it is in accordance with the rules,” sagot ni Torrentira.
Habang nagpapatuloy ang palitan ng mga tanong at sagot, pumagitna si Deputy Speaker David Suarez.
“Point of order, Mr. Chair, I take the position of Congressman Paduano. I really don’t know why she’s here. Has she forwarded any explanation, written, as to her attendance?” tanong pa nito.
“Before we can even proceed to asking her to take her oath, has she communicated officially to the committee that she is indeed representing the Office of the Vice President? Is there any letter that whereby Atty. Torrentina is given authority to represent the OVP?” giit pa ni Suarez.
Ipinagbigay-alam ni Lagrosas sa panel na walang isinumite si Torrentira authorization letter, dahilan upang imungkahi ni Paduano na paalisin na lamang ang abogado ng OVP.
“First and foremost, since the good lawyer has no written authority coming from the Vice President, second, she never took her oath, so Mr. Chairman first I move that we strike out from record all the statement being made by the good attorney…I move that we excuse the good lady, attorney, from this room, and request the OSAA (Office of Sergeant-at-Arms) to escort the good attorney outside of this room,” giit nito.
Ipinaliwanag ni Suarez ang desisyon ng komite: “Gusto ko lang po ilagay sa tamang perspective ‘yong dahilan kung bakit po pina-excuse po natin ‘yong isang indibidwal na dumalo sa ating hearing. Baka po kasi magkaroon ng misunderstanding why she was excused from our hearing.”
“Number one, she was not invited to attend today’s hearing. Number two, she did not take her oath, so we don’t even know the personalities and the circumstances to why she is here, and no communication was forwarded to the committee as to her attendance.For all we know, she could be somebody posing for somebody, and the committee cannot act on mere presentation without proper representation to the said committee,” dagdag pa ng kongresista mula sa Quezon. (END)
—————————
Sara Duterte kauna-unahang VP na mayroong P500M confidential fund— OVP chief accountant
Kinumpirma ng chief accountant ng Office of the Vice President (OVP) na si Vice President Sara Duterte ang kauna-unahang Bise Presidente na nagkaroon ng P500 milyong confidential fund.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, tinanong ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez si OVP Chief Accountant Julieta Villadelrey na nakapasok sa OVP noong 1990 kung kailan ang Bise Presidente ay si Salvador Laurel sa ilalim ng unang Aquino administration.
“Since Vice President Laurel’s time, this is the first instance that the OVP has been granted such a significant amount in confidential funds, correct?” tanong ni Suarez kay Villadelrey.
“As I recall, your honor, that is correct,” sagot ni Villadelrey, na isang pagkumpirma na ngayon lamang nabigyan ng malaking confidential fund ang OVP.
Ayon kay Villadelrey ang P500 milyong confidential fund ay ibinigay ng tig-P125 milyon mula sa huling quarter ng 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.
Ang pondo ay nakalagay umano sa Good Governance Program ng OVP.
Pero sinabi ni Villadelrey na wala itong alam kung papaano ginastos ang naturang pondo.
Sa pagtatanong naman ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro kay OVP Budget Office Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Teñido sinabi nito na walang confidential na inilaan sa OVP noong panahon ni VP Leni Robredo, ang pinalitan ni Duterte.
“There was no confidential fund during the time of Vice President Leni Robredo,” sabi ni Teñido na nakapasok sa OVP noong 2014, panahon ni VP Jejomar Binay.
Sinabi ni Teñido na mayroong hininging confidential fund si Binay pero ang alam niya ay pinabalik din ito.
Ayon kay Luistro mayroon itong impormasyon na isang beses lang humingi ng confidential fund si Binay.
Sa nakaraang pagdinig, iprenisinta ni Luistro ang paglalaan ng daang milyong confidential fund ng Davao City government sa ilalim ng pamumuno ni Duterte. Itinuloy umano ni Duterte ang pagkuha ng malaking confidential fund ng pamunuan nito ang OVP.
Noong 2016, ang confidential fund umano ni Duterte bilang alkalde ng Davao City ay P144 milyon, umakyat ito sa P294 milyon noong 2017, P420 milyon noong 2018, at P460 milyon mula 2019 hanggang 2022.
Sinabi ni Luistro na sina Zuleika Lopez at Gina Acosta ay mga tauhan ni Duterte sa Davao at kanyang isinama sa OVP at sila ang nangangasiwa sa confidential funds.
Hindi pa dumadalo sa pagdinig sina Lopez at Acosta sa kabila ng paulit-ulit na pagdinig ng komite.
Pinuna naman ni Suarez si Villadelrey na dumalo lamang matapos na maglabas ng subpoena ang komite.
“In the past hearings, we sent invitations. Why did you only attend now?” tanong ni Suarez.
Ipinaliwanag ni Villadelrey na sa unang ipinadalang imbitasyon ng komite siya ay naka-leave.
Nang bumalik sa trabaho, marami umano ito kailangang habuling trabaho kaya hindi nakadalo sa pagdinig.
Punto naman ni Suarez, “In your 34 years of service, it shouldn’t have taken a subpoena. A mere invitation should have sufficed.”
Itinutulak ng mga kongresista ang pagkakaroon ng transparency sa paggamit ng confidential funds. (END)
——————————-
Libanan hinamon OVP chief of staff nahuwag sayangin pagkakataon na maipagtanggol ang sarili
Hinimok ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Undersecretary Zuleika Lopez na samantalahin ang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili at dumalo sa pagdinig ng Kamara hinggil sa umano’y maling pamamahala ng pondo ng tanggapan sa ilalim ng pamamahala ni Vice President Sara Duterte.
“Normally, individuals who are blameless, when asked to explain, would seize the first available occasion to clear themselves of any wrongdoing,” ayon sa pahayag ni Libanan.
Noong Lunes, apat na opisyal ng OVP ang na-contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability on Monday dahil sa patuloy na hindi pagsipot sa pagdinig.
Hindi nakadalo si Lopez sa pagdinig noong Nobyembre 11, ngunit binigyan ng huling pagkakataon na dumalo sa susunod na pagdinig matapos siyang magpadala ng liham sa komite na nagpapaliwanag na siya ay nasa US upang alagaan ang kanyang may sakit na tiyahin.
Bukod sa contempt citation, ipinag-utos din ng komite ang pagdetine kina OVP Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, Gina Acosta, Sunshine Fajarda, at Edward Fajarda.
“Their continued nonappearance, without a credible explanation, is bound to reinforce the perception that they are trying to evade responsibility for potential irregularities,” babala ni Libanan.
Sinabi ni Libanan na kakaiba at hindi pangkaraniwan ang paulit-ulit na pagliban ni Lopez at ng apat pang opisyal ng OVP, sa kabila ng mga paulit-ulit na subpoena.
Umalis si Lopez ng bansa noong Nobyembre 4, isang araw bago ang nakaraang pagdinig noong Nobyembre 5.
“If they have nothing to hide, then they should show up at the hearings. They should answer and dispute the allegations of anomalies,” giit pa ni Libanan. (END)
—————————-
Dedma sa imbitasyon ng Kamara, 4 opisyal ni VP Sara pinatawan ng contempt, ipinapakulong
Pinatawan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ng contempt ang apat na opisyal ni Vice President Sara Duterte matapos na muling hindi dumalo sa pagdinig ngayong Lunes kaugnay ng kinukuwestyong paggamit ng confidential fund.
Ipinag-utos ng komite ang pagkulong kina Lemuel Ortonio, Assistant Chief of Staff at Chairman ng Bids and Awards Committee ng OVP; Gina Acosta, Special Disbursing Officer (SDO); at mga dating Assistant Secretary ng Department of Education (DepEd) na sina Sunshine Charry Fajarda at asawa nitong si SDO Edward Fajarda, na lumipat sa OVP matapos magbitiw si Duterte bilang kalihim ng DepEd noong Hulyo.
Sa ikalimang pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, pinatawan ng contempt ang mga opisyal kasunod ng mosyon ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, dahil sa kanilang hindi pagdalo sa pagdinig sa kabila ng mga summon.
Naglabas ang komite ng mga subpoena sa mga opisyal matapos nilang tumanggi sa mga paanyaya na dumalo sa mga pagdinig.
Kasunod ng paglabas ng contempt citation, inirekomenda ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, vice chair ng komite, na ikulong ang mga opisyal sa loob ng Kamara hanggang matapos ang imbestigasyon at maisumite ang ulat ng komite para sa plenary approval.
Samantala, apat naman sa opisyal ng OVP ang dumalo sa pagdinig noong Lunes, kabilang sina Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Chief Accountant Julieta Villadelrey, Budget Division Chief Edelyn Rabago, at Chief Administrative Officer Kelvin Gerome Teñido.
Hindi naman pinatawan ng contempt si OVP Undersecretary at Chief of Staff Zuleika Lopez at pinagbigyan ng isa pang pagkakataon para dumalo. Si Lopez ay umalis ng bansa patungo sa Amerika noong Nobyembre 4, isang araw bago ang kanyang nakaraang pagdinig ng komite.
Sa liham na isinumite ni Lopez, ipinaliwanag nitong nagtungo siya sa Estados Unidos upang samahan ang kanyang may sakit na tiyahin na nangangailangan ng intensive medical care, na bahagi ng kaniyang legal designation bilang caretaker.
Duda naman si Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa paliwanag ni Lopez, na aniya ay halatang pag-iwas sa pagdinig at hinimok ang komite na beripikahin ang kanyang pahayag.
“The testimony of Ms. Zuleika Lopez is crucial. If we allow her excuse, other resource persons might follow,” babala pa nito. “They can run, but they cannot hide anymore.”
Sa kabila nito, pinayagan ng komite ang mungkahi ni Acop na muling mag-isyu ng subpoena kay Lopez, bilang konsiderasyon na sinegundahan naman ni Suarez.
“We can accept Atty. Lopez’s letter, but only until our next hearing,” dagdag pa ni Suarez.
Tungkol naman sa apat na opisyal ng OVP na pinatawan ng contempt, sinabi ni Chua na ‘hindi katanggap-tanggap’ ang kanilang mga paliwanag.
Sa mga liham na ipinadala sa komite, ipinaliwanag nina Ortonio, Acosta, at ng mag-asawang Fajarda na hindi sila makadadalo dahil sa mga gawain ng OVP sa Caraga, Panay Island, at Negros Island na nangangailangan ng kanilang personal na presensya, ayon sa kanilang mga opisyal na travel order.
Ayon kay Suarez, sapat na ang pgbibigay ng komite sa mga opisyal ng OVP.
“Let’s not forget, Mr. Chair, that these are public officials. It is their duty to appear and explain how the funds in question were spent,” giit pa nito.
Nakatuon ang imbestigasyon ng komite ukol sa pamamahala ng P612.5 milyong pondong confidential funds na inilaan sa OVP at DepEd.
Kabilang sa mga alegasyon ang maling paggamit ng OVP ng P500 milyong confidential fund at karagdagang P125 milyon ng DepEd sa ilalim ng pamamahala ni Duterte bilang Kalihim ng tanggapan.
Una ng pinuna ng Commission on Audit (COA) ang halos kalahati ng kabuuang pondo, at dissallowrd funnd na nagkakahalaga ng P73 milyong na ginastos ng OVP sa loob ng 11 araw sa huling bahagi ng 2022.
Sa kabila ng nakaraang apat na pagdinig, walang opisyal ng OVP ang dumalo, na nagdulot ng higit pang pagdududa kung paano ginastos ang confidential funds.
Pinag-aralan ng komite ang mga dokumento mula sa COA, Department of Budget and Management, DepEd, at iba pang mga ahensya, habang ang mga resource person ay nagbigay ng kanilang mga pananaw ukol sa paggamit ng pondo.
Ayon kay Chua, nakakaalarma ang naging paggasta ng tanggapan lalo na sa paggamit ng OVP ng pondo para sa medical at food aid, dahil sa mga kaduda-dudang acknowledgment receipts.
Pinasinungalingan din ng mga miyembro ng Philippine Army ang pahayag ng DepEd na ang mga confidential fund ay ginamit para sa Youth Leadership Summits.
Pinaninindigan naman ng OVP na ang kanilang mga paliwanag ay nasa mga dokumentong isinumite sa COA.
Subalit, sinabi ni Chua na hindi sapat ang dokumentasyong ito, lalo na’t kwestyonable rin ang kredibilidad sa mismong dokumento na isinumite.
“There are questions that the documents themselves can’t answer. This is why we need the presence of these officers. Sila lang po ang makakasagot sa mga katanungan natin,” giit pa Chua. (END)
——————————
Babala sa mga opisyal ni VP Sara: Dumalo o aresto
Nagbigay na ng ultimatum ang House Committee on Good Government and Public Accountability, na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na inisyuhan ng subpoena na dumalo sa nakatakdang pagdinig ng komite sa Lunes, Nobyembre 11, at kung hindi sila ay ipapaaresto.
Ang komite, na tinagurian din bilang House Blue Ribbon Committee, ay nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng kabuuang P612.5 milyon halaga ng confidential funds ng OVP at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
“The committee has summoned these officials multiple times, yet they continue to disregard our lawful requests to appear,” giit ni Chua.
Dagdag pa nito: “These absences reflect a blatant disregard for the authority of Congress and are unacceptable. If they fail to appear again, we are prepared to issue orders for their arrest.”
Noong Nobyembre 4, sa bisperas ng pagdinig ng komite ay umalis sa bansa ang chief of staff ng OVP na si Undersecretary Zuleika Lopez.
Naglabas ang komite ng subpoena laban kay Lopez, at anim pang opisyal ng OVP na mayroong alam kung papaano ginastos ni VP Duterte ang confidential funds pero hindi dumadalo sa pagdinig ng Kamara.
Una na ring hiniling ng komite sa Department of Justice na ilagay si Lopez at ang iba pang opisyal ng OVP sa immigration lookout bulletin dahil sa posbileng pag-iwas nila na humarap sa imbestigasyon.
Bagama’t ang ‘look-out bulletin’ ay hindi makakapigil sa kanilang pag-alis ng bansa, nagpapakita ito ng pangamba ng komite sa kanilang posibleng pagbiyahe sa ibang bansa upang tuluyang matakasan ang mga katanungan ng mga kongresista.
Bukod kay Lopez, kabilang din sa inisyuhan ng subpoena ang mga opisyal ng OVP na sina Lemuel Ortonio, Assistant Chief of Staff at Chair of the Bids and Awards Committee; Rosalynne Sanchez, Administrative and Financial Services Director; Gina Acosta, Special Disbursing Officer; Julieta Villadelrey, Chief Accountant; at ang mag-asawang sina Sunshine Charry Fajarda at Edward Fajarda, kapwa dating kawani ng DepEd na lumipat na sa OVP matapos magbitiw si Duterte sa nasabing departamento.
Ayon kay Chua, sa ngayon, tanging sina Sanchez at Villadelrey pa lamang ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo sa pagdinig sa Nobyembre 11.
Kung magpapatuloy ang iba sa kanilang hindi pagsunod, ito ay magpapakita ng kanilang patuloy na pagliban sa kabila ng mga subpoena at paulit-ulit na paalala mula sa komite.
“The committee has been more than fair in giving these officials ample opportunities to cooperate,” giit ni Chua.
“If they fail to appear this time, they leave us no choice but to impose heavier penalties, including contempt and potential arrest and detention,” paalala pa nito.
Nais ng mga miyembro ng komite na maipaliwanag ng mga opisyal ng OVP ang kinukuwestyong paggamit ng P500 milyong confidential funds ng OVP at P125 milyong confidential fund ng DepEd, noong si VP Duterte pa ang namumuno rito.
Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang paggastos ng OVP sa P125 milyong confidential fund nito na ginastos sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Sinisilip din ng COA ang iba pang confidential fund ng OVP at DepEd na ginamit noong 2023. (END)
—————————-
Young Guns kay FPRRD: Magpakalalaki, tigilan walang saysay na pagbaba, dumalo sa EJK probe
Hinamon ng dalawang miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magpakalalaki, tigilan na walang saysay na pagbabanta, at dumalo sa pagdinig ng House quad committee kung seryoso na sisipain nito ang mga miyembro ng Kamara de Representantes.
“With all due respect Mr. FPRRD, don’t make any more excuses in not attending our hearings. Please make sure to be around on Wednesday, so that you can make true your threat to kick congressmen as you have repeatedly warned,” ani House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales.
“Be here at the Quad Comm hearing, and go ahead, kick us if that will make you happy. I’m very sure your supporters nationwide will also be watching on national TV or YouTube, ready to give you the loudest applause you want to hear,” dagdag pa ni Khonghun.
Nagtataka naman si House Assistant Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union kung papaanong masisipa ni Duterte ang mga kongresista kung ayaw nitong dumalo sa mga pagdinig na ilang ulit ng nag-imbita sa kanya at sa kabila ng sinabi ng kanyang abogado na dadalo matapos ang Undas.
“How can you kick us if you don’t physically attend the hearings? Be man enough to do it. I suppose you’re a man of your word,” saad nito.
“Don’t make empty threats. Please make no mistake: while we respect you, by no stretch of the imagination does this mean we’re afraid of you. Give us respect, too,” giit pa ni Ortega.
“Don’t be afraid to face us in Quad Comm. You don’t have to worry, we will give you all the reasonable amount of respect you deserve being the former president. I, for one, will make that pledge in front of you and the nation if I have to,” dagdag pa ng kongresista.
“But this respect should be reciprocal: We will not and we will never allow you to bully us in our own House – the House of the (114-million-strong Filipino) People whom we are all representing, from the northernmost district to the southernmost district across the country,” ayon pa sa mambabatas mula sa La Union.
“You are our guest so please act like one,” saad pa ng mambabatas.
Pinaalala rin niya sa dating Pangulo na kahit na higit sa 16 milyong botante ang naghalal sa kanya sa Malacañang noong 2016, nagtapos na ang kanyang mandato makaraan ang buong anim na taong termino hanggang noong Hunyo 2022.
“Mr. FPRRD, please be reminded that while you still enjoy having Presidential Security Group personnel, you are now – for all intents and purposes – a civilian who no longer carries that mandate. So, please act like a statesman if you want to be respected,” ayon naman kay Khonghun. (END)
————————-
Gastos ni Duterte para makadalo sa EJK probe handang sagutin ng House Quad Comm leaders
Payag ang mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na sagutin ang gastos sa pamasahe at akomodasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dumalo lamang ito sa pagdinig kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa kanyang war on drugs campaign.
Handa umanong magpatak-patak sina Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers, at mga co-chairman na sina Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen “Caraps” Paduano, vice chair Romeo Acop, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez para hindi maging hadlang ang gastos sa pagdalo ni Duterte sa pagdinig sa Nobyembre 7.
“If finances are truly an issue, we’re ready to cover his travel and accommodations ourselves. This is about the people’s right to know the truth about alleged abuses in his administration’s anti-drug operations,” sabi ni Barbers, na sya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.
Iniimbestigahan ang libu-libong pagpatay at iba pang paglabag sa karapatang-pantao sa ilalim ng war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Sa nakaraang panayam, sinabi ni Duterte na wala itong panggastos kaya hindi nakadalo sa pagdinig ng Quad Comm.
Ang hindi pagdalo ni Duterte ay ikinalungkot ng mga kongresista gaya nina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Paolo Ortega ng La Union, na nagsabi na maaaring natatakot si Duterte sa mga tanong kaya hindi ito dumalo.
Sa nakaraang pagdinig, sinabi ni Paduano, chair ng Committee on Public Accounts, na maaaring intensyonal ang hindi pagdalo ni Duterte.
“Naglolokohan tayo dito… natatakot siya na pumunta dito?” ani Paduano na ang pinatutungkulan ay ang unang sulat ng abugado ni Duterte na si Atty. Martin Delgra III na nagsabi na masama ang pakiramdam ni Duterte at maaari umano itong dumalo matapos ang Undas.
Pero sa sumunod na sulat ni Delgra sinabi nito na nagdesisyon ang dating Pangulo na huwag dumalo dahil hindi na umano ito kailangan matapos siyang humarap sa pagdinig ng Senado at gagamitin lamang umano ito ng Kamara upang siya ay makasuhan.
Sinabi ng mga lider ng Quad Comm na seryoso sila na nais matanong si Duterte upang malaman ang katototohanan.
“The committee is willing to help in any way possible. We’re all ready to contribute personally if that’s what it takes. This is about accountability, not excuses,” ani Fernandez, chair ng Committee on Public Order and Safety.
Dagdag naman ni Abante na chair ng Committee on Human Rights, “We’re offering to remove every obstacle. We’re even willing to ‘chip in’ if it means he can no longer avoid the inquiry. The victims’ families deserve the truth.”
Ayon kay Acop anv kahandaan ng mga lider ng komite na gumastos ay isang pagpapakita na nais ng mga ito na makapagsagawa ng malalim na imbestigasyon para malaman ang katotohanan.
Iginiit naman ni Gonzales ang kahalagahan ng pagkakaroon ng transparency. “We’re willing to support Duterte’s travel and accommodations for him and his entourage if that’s what it takes. It’s our duty to ensure those responsible are held accountable,” sabi nito.
Naniniwala naman si Suarez na mahalaga ang testimonya ni Duterte sa pagdinig.
“If covering his expenses will help him fulfill his responsibility to the people, then we’ll chip in without hesitation,” punto ni Suarez.
Sa kabila ng paulit-ulit na imbitasyon, hindi dumalo si Duterte sa pagdinig ng Quad Comm pero nakadalo ito sa pagdinig ng Senado sa unang imbitasyon pa lamang nito.
“This isn’t about politics, it’s about accountability. We’re willing to cover every expense if that’s what it takes to get answers for the people,” giit naman ni Barbers. (END)
—————————-
AKAP Funds mahalagang maisama sa 2025 badyet, malaking tulong sa mga kapos ang kita-- Kamara
Iginiit ng ilang miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang kahalagahan ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na malaki ang naitutulong sa pamilyang Pilipino na kulang ang kinikita para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ito ang pahayag nina House Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list, House Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur at Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list, at Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan, kasunod ng desisyon ng Senate Finance Committee na tanggalin ang pondo para sa AKAP sa ilalim ng panukalang pambansang badyet para sa 2025.
Hinimok ni Acidre ang Senado na suriin ang mga kongkretong resulta ng AKAP, na sa kabila ng kaunting halaga ng tulong ay malaking ginhawa na para sa mga pamilyang kapos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
“Kita ho natin na ‘yung kaunting halaga eh malaking ginhawa sa ating mga kababayan lalung-lalo na ‘yung mga nasa sakto lang ‘yung kinikita. Yun naman din on the macro, nakita natin the stronger purchasing power ng ating nasa laylayan eh nakatulong din sa pagpapasigla ng ating mga lokal na ekonomiya,” ayon kay Acidre
“Sana tingnan ng Senado ang programa sa sariling merits kasi sayang naman,” dagdag pa nito.
Iginiit naman ni Adiong na ang AKAP ay sumasalamin sa mga layunin ng “Bagong Pilipinas” na ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa taumbayan.
“Para sa akin, for the past several months na nagkaroon tayo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, nakita natin ‘yung magandang resulta at benefits na nabibigay nito. AKAP is one of the main services na dire-diretso po naibibigay sa ating mga indigent and qualified beneficiaries,” ayon kay Adiong.
Sa bahagi naman ni Bongalon, na kumakatawan sa rehiyong madalas tamaan ng mga kalamidad, binigyan-diin nito kung paano nakatutulong ang AKAP sa mga pamilyang above poverty line, na kadalasang hindi nakatatanggap ng sapat na tulong sa panahon ng krisis
“If we have a program for the poorest of the poor which is the 4Ps, we should also have programs for minimum wage earners. Sa amin sa Bicol Region, malaking bagay ‘yung financial assistance na natanggap nila bago ang Bagyong Kristine. Hindi sila basta-basta na lamang magdedepende sa mga relief operations,” pahayag ni Bongalon.
Sabi naman ni Suan, ang AKAP ay nakabatay sa datos at tumutulong sa mga mababang-kita na kabahagi ng malaking porsyento ng populasyon ng bansa.
“Iyong AKAP kasi hindi naman siya whimsical or arbitrary. Based on data siya, at ang mga binibigyan ay low-income earners,” paliwanag ng mambabatas.
Binanggit pa ni Adiong na sa mga rehiyon na may mataas na antas ng kahirapan, ang AKAP ay isang napakahalagang tulong at nagsisilbing bilang kanilang lifeline.
“Coming from one of the poorest regions, kailangan po nakakatulong po iyan sa aming mga constituents. Kami ni Cong. Lordan Suan from Mindanao ay may mga communities na may conflict-affected areas. AKAP does exactly that,” ayon kay Adiong.
Ipinunto ni Bongalon ang kahalagahan ng muling pagsusuri ng Senado sa tunay na epekto ng AKAP, partikular na sa mga rehiyon na madalas tamaan ng kalamidad gaya ng Bicol.
“Malaking tulong po ito sa ating mga kababayan,” giit pa nito.
Binigyang-diin ng mga mambabatas ang kahalagahan ng AKAP, kaya’t hinihikayat ang Senado na maingat na suriin ang mga benepisyo ng programa bago magpasya na tanggalin o bawasan ang pondo para dito.
“Sa tingin ko, hindi natin dapat alisin ang programang ito dahil napakahalaga sa mga kapos ang kita,” paliwanag ni Suan.
“Let’s give the Filipino people the support they need, lalo na sa mga nangangailangan,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, binanggit din ni Bongalon ang pangangailangan ng mas mahusay na paghahanda para sa mga kalamidad sa Bicol.
“Just recently, nandun po si Pangulong Bongbong Marcos sa Camarines Sur at Albay kung saan namahagi ng assistance sa mga nasalanta ng bagyo. Nabanggit ko rin sa privilege speech ko na kailangan natin ng permanenteng evacuation centers sa lahat ng syudad at munisipyo. Sa tulong ng ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez, suportado po ito,” ayon pa sa mambabatas.
Binanggit din ng kongresista na kinakailangang mapabuti ang sistema ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matiyak ang mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
“Ang panukalang batas na ayusin ang NDRRMC ay makakatulong para magamit agad ang quick response fund o QRF sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta,” paliwanag ni Bongalon.
Bukod pa rito, nagmungkahi si Bongalon ng isang panukalang batas na magtatag ng mga imbakan ng mga mahahalagang gamit sa bawat munisipalidad upang mas maging handa sa pagtugon sa mga emergency.
“Ang mga kailangan na food items at non-food items ay dapat nakalaan sa bawat munisipyo, probinsya at syudad. Naging problema ito sa Bicol, kung saan hindi nakatawid ang mga trucks na may dalang tulong dahil sa baha sa San Fernando at Milaor ng Camarines Sur,” giit pa ni Bongalon. (END)
——————————
Mambabatas kumbinsido na pagtatakpan ng ex-driver-bodyguard mga maling ginawa ni Duterte
Kumbinsido ang isang kongresista na pagtatakpan ng dating driver-bodyguard na si Sanson Buenaventura ang kanyang dating amo na si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang maprotektahan ito.
Para kay House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mikaela “Mika” Suansing kuwestyunable ang kredibilidad at ang pagiging tapat ni Buenaventura.
Humarap si Buenaventura sa pinakahuling pagdinig ng House Quad Committee kaugnay ng extrajudicial killing partikular ang Davao Death Squad, ang grupo na sinasabing nasa likod ng mga pagpatay sa mga suspek sa Davao City noong pinamumunuan pa ito ni Duterte.
Matapos ang ilang tanong, nakumbinsi si Suansing na kaduda-duda ang magiging testimonya ni Buenaventura dahil sa malapit ito kay Duterte.
“Mr. Chair, mas nakikita ko po na nagsisinungaling si Mr. Sonny Buenaventura,” sabi ni Suansing.
Sumentro ang pagtatanong ni Suansing kay Buenaventura sa mga salitang ginagamit ng DDS.
Tinanong ni Suasing kung ano ang ibig sabihin ng salitang “labyog” na patungkol sa pagtatapon o pagdispatsa ng bangkay.
Ayon kay Buenaventura ang labyog ay salita na ang ibig sabihin ay “tapon.”
Hindi naman nakontento si Suansing sa isinagot ni Buenaventura. ““Kasi po, ayon po sa aming sources, ang labyog po ay to kill or dump a dead body ng isang biktima,” sabi ng lady solon.
Nagtanong din ang mambabatas kay Buenaventura kaugnay ng Laud Quarry na sinasabing isa sa mga tapunan ng patay ng DDS.
Ayon kay Buenaventura ang lugar ay isang firing range at nakapunta na umano siya rito pero hindi umano niya alam ang quarry.
“Mr. Buenaventura, nakapunta na kayo sa Laud quarry… alam nyo ang itsura at laki ng Laud quarry na may laman na firing range sa loob. Okay na po?” sabi ni Suansing.
Sagot naman ni Buenaventura, “Yes, Your Honor.”
“For the record, Mr. Buenaventura has been to Laud quarry… alam nya ang itsura at laki ng Laud quarry na may laman na firing range sa loob,” sabi ni Suansing.
Nagtanong din si Suansing kaugnay ng pera ni Buenaventura sa bangko at hinimok ito na pumirma ng waiver para sa bank secrecy rights nito kung wala naman siyang itinatago.
“Kung wala po kayong tinatago, willing po ba kayong i-waive ang bank secrecy para po sa inyong mga bank accounts?” tanong ng mambabatas.
Tumanggi si Buenaventura at sinabi na “P4,000 plus lang ‘yun, Your Honor.” Ginagamit lamang umano niya ang kanyang bank account para sa kanyang pamilya.
Si Buenaventura ay sangkot umano sa operasyon ng DDS at inilarawan ng self-confessed DDS hitman na si Arturo Lascañas na mahalaga sa operasyon ng grupo.
Ipinunto ni Suansing ang sinabi ni Lascañas na si Buenaventura ang namamahala sa logistics ng DDS.
“Mr. Chair, it’s the word of Mr. Sonny Buenaventura against the affidavit of Mr. Lascañas,” ani Suansing.
Sinabi ni Suansing na mababanaag sa mga sagot ni Buenaventura na loyal ito kay Duterte at gagawa ito ng mga hakbang upang hindi mapahamak ang dating Pangulo.
Nang tanungin tungkol kina Sammy Uy at Michael Yang, sinabi ni Buenaventura na limitado lamang ang kanilang pagkikita.
Duda naman dito si Suansing dahil nasa 20 taon itong naging bodyguard-driver ni Duterte noong ito ang alkalde ng Davao City.
Inamin naman ni Buenaventura na “Superman” ang code ni Duterte sa kanilang radyo.
Ang codename na Superman ay nauna ng sinabi ni Lascañas na ginagamit ng mga miyembro ng DDS para kay Duterte.
Ipagpapatuloy ng komite ang pagdinig nito kaugnay ng DDS at extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ni Duterte sa susunod na linggo. (END)
———————————
Pisay Batch ’80 nagpasalamat sa House Quad Comm sa pagtutok sa kaso ni Gen Barayuga na pinatay EJK-style
Nagpasalamat ang Philippine Science High School (PSHS) Batch of 1980 sa Quad Committee ng Kamara de Representantes sa kanilang pag-iimbestiga sa kaso ni retired General Wesley Aguilar Barayuga na style extrajudicial killing (EJK) ng patayin.
Sa joint statement ng 88 miyembro ng PSHS Batch 80, iginiit ng mga ito ang kahalagahan na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Barayuga na pinaslang noong 2020.
"We, the members of the Philippine Science High School Batch of 1980, express our profound indignation over the tragic murder of lawyer and retired General Wesley Aguilar Barayuga,” sabi ng pahayag.
Si Barayuga ay Board Secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng paslangin noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City.
Kinilala rin ng PSHS alumni ang dedikasyon ni Barayuga sa serbisyo publiko at inilarawan ito na isang taong may dangal at pinakamamahal na asawa ni Sarah Magalona-Barayuga, at miyembro ng PSHS Batch ’80.
“Gen. Wesley Barayuga's life and career were characterized by a dedication to public service, courage, selflessness and a steadfast commitment to justice and fairness,” sabi pa ng pahayag.
Sa isinagawang pagdinig ng Quad Comm, itinuro si dating PCSO General Manager Royina Garma na nasa likod ng pagpatay kay Barayuga.
Ang Quad Comm, na binubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ay nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killings na iniuugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
“We stand together in this pursuit, united in our belief that Atty. Barayuga’s name must be cleared and that those responsible for this heinous crime must be held accountable,” sabi pa ng pahayag.
Ang sulat ay nilagdaan ni PSHS Batch ’80 President Caesar Zaldarriaga at para sa mga chairman ng mga komite na sina Reps. Robert Ace S. Barbers, Dan S. Fernandez, Bienvenido M. Abante Jr. at Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano.
Nagpasalamat ang alumni sa “invaluable efforts” ng komite sa isinasagawa nitong imbestigasyon.
“We hope that this would bring us all closer to the resolution that Atty. Barayuga’s legacy deserves,” sabi pa ng mga ito/
Nauna rito, nagpasalamat ang mga kaklase ni Barayuga sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1983 sa komite sa kanilang pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon kaya nabulgar ang mga detalye ng pagpatay.
Iginiit ng PMA Class of 1983 ang kahalagahan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Barayuga na isang respetado at decorated member ng kanilang klase.
Ayon pa sa PSHS Batch ‘80 si Barayuga ay isang mabuting ama at isang dedicated public servant na inilaan ang kanyang sarili para sa bansa.
“To his family, Gen. Wesley … was a loving and devoted father and husband. To his colleagues and fellow men in uniform, he embodied uprightness in his work and a commitment to discipline and professionalism,” sabi pa ng pahayag.
Mayroon umano itong paniniwalang Kristiyano at namumuhay ng simple at tahimik.
Nagpahayag uamno ng galit ang Batch 80 sa pagkamatay ni Barayuga na nagsilbi sa military at Philippine National Police (PNP).
“The years that have passed make the need for justice and accountability even more pressing,” sabi pa nila.
————————————-
OVP sumobra ipinasang liquidation report sa COA, resibong ginamit sa P23.8M gastos kinukuwestyon
Sa pagmamadali na matugunan ang pagkuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng P23.8 milyong halaga ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP), sumobra umano ang kuwestyunable at kahina-hinalang resibo na isinumite nito upang bigyang katwiran ang ginawang paggastos.
“So, what you’re saying is they (OVP) exceeded in their liquidation reports?” tanong ni Rep. Joel Chua, chairman ng House of Representatives’ Committee on Good Government and Public Accountability, kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa nadiskubre nitong 158 na kahina-hinalang resibo na isinumite ng OVP sa COA.
“Your guess is as good as ours. It could also be that these ARs (acknowledgment receipts) were belatedly prepared,” sabi ng kinatawan ng 1Rider party-list, isang abugado. Napansin ni Gutierrez na ang mga AR ay mayroong petsang Disyembre 2023 pero ginawa ang pagbabayad gamit ang confidential funds noong Disyembre 2022.
Isinumite ng OVP ang 158 AR upang bigyang katwiran ang paggastos ng confidential fund.
“For 158 people to make the same mistake, is that something that would be acceptable? Is that an acceptable margin of error for COA?” punto ni Gutierrez. “These are clear red flags in relation to the ARs submitted by the OVP, and this is something that we should consider (legislating).”
Inamin ng kinatawan ng COA sa pagdinig na si Gloria Camora na mayroong “inadvertence and typographical mistakes” na nagawa ang mga tauhan ng OVP batay sa mga isinumite nitong patunay ng paggastos.
“One of the findings under the COA notice of suspension is that some ARs were dated December 2023, and some were even undated. They (OVP) said they inadvertently contained clerical or typographical errors indicating 2023 instead of 2022,” ani Camora.
Hindi naman nakontento si Gutierrez sa nakuhang sagot at ipinunto ang “red flag” ng COA sa mga AR na sinabi nitong “spurious and bogus.”
“Didn’t you find it strange? Not really strange – it’s outright false for it to justify an expense for 2022 but the date is 2023,” sabi pa nito.
Tinukoy din ni Gutierrez ang isang AR na mayroong petsang Nobyembre 2022 gayong ang P125 milyong confidential fund ay lumabas noong Disyembre 2022. Ang naturang pondo ay ginastos sa loob ng 11 araw lamang noong Disyembre 2022.
Napuna rin ang pagkakapareho ng mga penmanship at kulay ng ballpen na ginamit na pansulat sa AR gayundin ang pagkakapareho ng ilan sa mga signatories gaya ng “AAS” at “JOV” na nakakuha ng kabuuang P280,000 at P920,000 bilang bayad sa biniling impormasyon ng OVP noong Disyembre 2022.
Si AAR ay nakatanggap ng P60,000 noong Disyembre 2022, P150,000 noong Pebrero 2023 at P70,000 sa ikatlong quarter ng kaparehong taon.
Si JOV naman ay nakatanggap ng P170,000 bilang “reward payment,” P250,000 para sa “supplies” at P500,000 para sa “medical and food aid.”
“More likely, this was the same mistake committed by perhaps a few persons. Which raises the question: Are these ARs spurious? Are they bogus? Are they false?” sabi ni Gutierrez. “We want to make sure that this doesn’t happen again. Accountability should be had on this.”
Sa 776 AR na isinumite, 302 ang hindi mabasa ang pangalan at lima ang naulit ang pangalang nagamit.
Tinanong din ni House Quad Comm senior Vice Chairman Romeo Acop ng ikalawang distrito ng Antipolo City si Camora, na siyang head ngintelligence and confidential funds audit office (ICFAO) ng COA, kung napansin nito ang pangalang Mary Grace Piattos sa isa sa AR.
Sinabi ni Acop na ang Mary Grace ay kapangalan ng isang restaurant at ang “Piattos” ay kapangalan naman ng isang brand ng potato chips. (END)
—————————
Pisay Batch ’80 nagpasalamat sa House Quad Comm sa pagtutok sa kaso ni Gen Barayuga na pinatay EJK-style
Nagpasalamat ang Philippine Science High School (PSHS) Batch of 1980 sa Quad Committee ng Kamara de Representantes sa kanilang pag-iimbestiga sa kaso ni retired General Wesley Aguilar Barayuga na style extrajudicial killing (EJK) ng patayin.
Sa joint statement ng 88 miyembro ng PSHS Batch 80, iginiit ng mga ito ang kahalagahan na mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Barayuga na pinaslang noong 2020.
"We, the members of the Philippine Science High School Batch of 1980, express our profound indignation over the tragic murder of lawyer and retired General Wesley Aguilar Barayuga,” sabi ng pahayag.
Si Barayuga ay Board Secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng paslangin noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City.
Kinilala rin ng PSHS alumni ang dedikasyon ni Barayuga sa serbisyo publiko at inilarawan ito na isang taong may dangal at pinakamamahal na asawa ni Sarah Magalona-Barayuga, at miyembro ng PSHS Batch ’80.
“Gen. Wesley Barayuga's life and career were characterized by a dedication to public service, courage, selflessness and a steadfast commitment to justice and fairness,” sabi pa ng pahayag.
Sa isinagawang pagdinig ng Quad Comm, itinuro si dating PCSO General Manager Royina Garma na nasa likod ng pagpatay kay Barayuga.
Ang Quad Comm, na binubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ay nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killings na iniuugnay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
“We stand together in this pursuit, united in our belief that Atty. Barayuga’s name must be cleared and that those responsible for this heinous crime must be held accountable,” sabi pa ng pahayag.
Ang sulat ay nilagdaan ni PSHS Batch ’80 President Caesar Zaldarriaga at para sa mga chairman ng mga komite na sina Reps. Robert Ace S. Barbers, Dan S. Fernandez, Bienvenido M. Abante Jr. at Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano.
Nagpasalamat ang alumni sa “invaluable efforts” ng komite sa isinasagawa nitong imbestigasyon.
“We hope that this would bring us all closer to the resolution that Atty. Barayuga’s legacy deserves,” sabi pa ng mga ito/
Nauna rito, nagpasalamat ang mga kaklase ni Barayuga sa Philippine Military Academy (PMA) Class of 1983 sa komite sa kanilang pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon kaya nabulgar ang mga detalye ng pagpatay.
Iginiit ng PMA Class of 1983 ang kahalagahan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Barayuga na isang respetado at decorated member ng kanilang klase.
Ayon pa sa PSHS Batch ‘80 si Barayuga ay isang mabuting ama at isang dedicated public servant na inilaan ang kanyang sarili para sa bansa.
“To his family, Gen. Wesley … was a loving and devoted father and husband. To his colleagues and fellow men in uniform, he embodied uprightness in his work and a commitment to discipline and professionalism,” sabi pa ng pahayag.
Mayroon umano itong paniniwalang Kristiyano at namumuhay ng simple at tahimik.
Nagpahayag uamno ng galit ang Batch 80 sa pagkamatay ni Barayuga na nagsilbi sa military at Philippine National Police (PNP).
“The years that have passed make the need for justice and accountability even more pressing,” sabi pa nila.
Hinimok ng PSHS Batch '80 ang mga mambabatas na ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan kaugnay ng pagpatay kay Barayuga at panagutin ang nasa likod nito. (END)
——————————
OVP sumobra ipinasang liquidation report sa COA, resibong ginamit sa P23.8M gastos kinukuwestyon
Sa pagmamadali na matugunan ang pagkuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng P23.8 milyong halaga ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP), sumobra umano ang kuwestyunable at kahina-hinalang resibo na isinumite nito upang bigyang katwiran ang ginawang paggastos.
“So, what you’re saying is they (OVP) exceeded in their liquidation reports?” tanong ni Rep. Joel Chua, chairman ng House of Representatives’ Committee on Good Government and Public Accountability, kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa nadiskubre nitong 158 na kahina-hinalang resibo na isinumite ng OVP sa COA.
“Your guess is as good as ours. It could also be that these ARs (acknowledgment receipts) were belatedly prepared,” sabi ng kinatawan ng 1Rider party-list, isang abugado. Napansin ni Gutierrez na ang mga AR ay mayroong petsang Disyembre 2023 pero ginawa ang pagbabayad gamit ang confidential funds noong Disyembre 2022.
Isinumite ng OVP ang 158 AR upang bigyang katwiran ang paggastos ng confidential fund.
“For 158 people to make the same mistake, is that something that would be acceptable? Is that an acceptable margin of error for COA?” punto ni Gutierrez. “These are clear red flags in relation to the ARs submitted by the OVP, and this is something that we should consider (legislating).”
Inamin ng kinatawan ng COA sa pagdinig na si Gloria Camora na mayroong “inadvertence and typographical mistakes” na nagawa ang mga tauhan ng OVP batay sa mga isinumite nitong patunay ng paggastos.
“One of the findings under the COA notice of suspension is that some ARs were dated December 2023, and some were even undated. They (OVP) said they inadvertently contained clerical or typographical errors indicating 2023 instead of 2022,” ani Camora.
Hindi naman nakontento si Gutierrez sa nakuhang sagot at ipinunto ang “red flag” ng COA sa mga AR na sinabi nitong “spurious and bogus.”
“Didn’t you find it strange? Not really strange – it’s outright false for it to justify an expense for 2022 but the date is 2023,” sabi pa nito.
Tinukoy din ni Gutierrez ang isang AR na mayroong petsang Nobyembre 2022 gayong ang P125 milyong confidential fund ay lumabas noong Disyembre 2022. Ang naturang pondo ay ginastos sa loob ng 11 araw lamang noong Disyembre 2022.
Napuna rin ang pagkakapareho ng mga penmanship at kulay ng ballpen na ginamit na pansulat sa AR gayundin ang pagkakapareho ng ilan sa mga signatories gaya ng “AAS” at “JOV” na nakakuha ng kabuuang P280,000 at P920,000 bilang bayad sa biniling impormasyon ng OVP noong Disyembre 2022.
Si AAR ay nakatanggap ng P60,000 noong Disyembre 2022, P150,000 noong Pebrero 2023 at P70,000 sa ikatlong quarter ng kaparehong taon.
Si JOV naman ay nakatanggap ng P170,000 bilang “reward payment,” P250,000 para sa “supplies” at P500,000 para sa “medical and food aid.”
“More likely, this was the same mistake committed by perhaps a few persons. Which raises the question: Are these ARs spurious? Are they bogus? Are they false?” sabi ni Gutierrez. “We want to make sure that this doesn’t happen again. Accountability should be had on this.”
Sa 776 AR na isinumite, 302 ang hindi mabasa ang pangalan at lima ang naulit ang pangalang nagamit.
Tinanong din ni House Quad Comm senior Vice Chairman Romeo Acop ng ikalawang distrito ng Antipolo City si Camora, na siyang head ngintelligence and confidential funds audit office (ICFAO) ng COA, kung napansin nito ang pangalang Mary Grace Piattos sa isa sa AR.
Sinabi ni Acop na ang Mary Grace ay kapangalan ng isang restaurant at ang “Piattos” ay kapangalan naman ng isang brand ng potato chips. (END)