Kamara lalo pang magsusumikap kasunod ng mataas na trust, performance ratings ni Speaker Romualdez
Matapos makakuha si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust at performance rating, nangako ang dalawang kongresista na lalo pang magpupursige ang Kamara de Representantes upang mapagbuti ang trabaho at pagseserbisyo nito sa publiko.
Kapwa nangako sina House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur First District at House Special Committee on Strategic Intelligence Chairperson Maria Carmen “Maricar” S. Zamora ng unang distrito ng Davao de Oro na ibibigay ang lahat sa nalalabing mga buwan ng 19th Congress.
“This (positive survey results) gives us the impetus to work even more. It gives us the motivation precisely because we see that people appreciate the efforts of the House leadership to uncover the real truth behind the lies on every issue that have been peddled to us before,” ani Adiong, na isa ring House Assistant Majority Leader, kasabay ng pagpapatuloy ng Kamara sa pagsisiyasat sa iregularidad ng nakaraang administrasyon, kasama na ang mga pagpatay, iligal na Philippine offshores and gaming operators (POGOs), iligal na droga at iba pa.
Naniniwala naman si Zamora na dapat papurihan si Speaker Romualdez sa kanyang walang kapagurang pagtatrabaho mula pa ng maupo bilang lider ng Kamara noong 2022 upang madala ang Kamara sa estado nito ngayon, isang institusyon na nilagpasan ang kanyang mandato at inuuna ang interes ng taumbayan.
“The Speaker’s high ratings incentivizes us even more. We are now on a high morale because these figures further boost our morale. At least we know that we’re reaping the fruits of everybody’s labor – from the quad committee to the committee on good government and so on,” ani Zamora
“Under the Speaker’s leadership, we have shown that congressmen are hardworking and are ready to take the challenge, like spending long hours in hearings if only to ferret out the truth. We strictly observe and apply Congress’ oversight functions,” ani Adiong, na isa rin sa mga lider ng Young Guns.
“Rest assured, this House will not rest with its laurels,” pangako ni Adiong. “We’ll do whatever it takes to produce meaningful legislation that will ease the heavy burden to a vast majority of our population, and make sure that all of these trickle down or are really felt by the masses.”
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research noong Setyembre, nakakuha si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsyento.
Nakakuha si Speaker Romualdez, na kumakatawan sa unang distrito ng Leyte ng 58 porsyentong trust rating sa National Capital Region, 68 porsyento sa balanse ng Luzon, 62 porsyento sa Visayas at 48 porsyento sa Mindanao.
Nakakuha naman ang lider ng Kamara ng trust rating na 64 porsyento mula sa class ABC, 61 porsyento sa class D at 59 porsyento sa class E.
Ang kabuuang performance rating naman ni Speaker Romualdez ay naitala sa 62 porsyento, kung saan 61 porsyento ang nakuha nito sa NCR, 68 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 66 porsyento sa Visayas at 45 porsyento sa Mindanao. (END)
———————-
House Quad Comm patuloy na isusulong hustisya para sa mga biktima ng Duterte drug war
Sa paggunita ng All Souls’ Day sa bansa, muling iginiit ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang pangangailangan na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“As we remember our departed loved ones on All Souls’ Day, we are reminded of the countless Filipino families who grieve the loss of loved ones taken too soon. Our commitment to justice is unwavering,” ani Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chair ng Quad Comm at chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
“Our task is to ensure that these stories are neither silenced nor forgotten,” giit ni Fernandez.
Bukod sa Committee Public Order and Safety, kasama sa Quad Comm ang Committees on Dangerous Drugs, Human Rights, at Public Accounts. Mandato nito na imbestigahan ang extrajudicial killings, kalakalan ng iligal na droga, operasyon ng iligal na Philippine offshore gaming operators (POGO) at paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng Duterte drug war.
Batay sa datos ng gobyerno mahigit 6,000 ang namatay sa operasyon ng mga pulis mula 2016 hanggang 2021 pero malayo ito sa mahigit 27,000 hanggang 30,000 na mga kaso ng EJK, ayon sa mga human rights advocates at organization.
Sa pagdinig ng Quad Comm, kinumpirma ni retired P/Col. Royina Garma na mayroong natatanggap na reward ang mga pulis sa mga napapatay nilang drug suspect na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P1 milyon. Kinumpirma rin nito ang Davao Death Squad, isang organisasyon na nasa likod umano ng mga pagpatay sa mga drug suspect na nag-operate noong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang alkalde ng lungsod.
Sa testimonya naman ni dating Sen. Leila de Lima ang reward system sa Davao City ay ipinatupad ni Duterte sa buong bansa noong ito ay maging Pangulo. Ito umano ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings.
“The findings so far illustrate a deeply troubling trend where violence was incentivized, and accountability was ignored,” sabi ni Fernandez. “The evidence underscores the urgent need for justice, not only for the victims but for the integrity of our legal and law enforcement systems.”
“The road to justice may be challenging, but the Quad Comm remains resolute in its duty. Our work is far from over, and we will not rest until we have brought the truth to light,” saad pa nito.
“This is about more than just accountability — it is about restoring faith in our institutions and ensuring that no Filipino, regardless of their social or economic status, is ever denied justice,” dagdag pa ni Fernandez. (END)
————————
Isinusulong na ‘Ligtas Pinoy Centers Act’ ni Speaker Romualdez, lalagdaan na ni PBBM
Inaasahan na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa lalong madaling panahon ang panukalang isinusulong ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa pagtatayo ng mga permanente at storm-resilient evacuation centers sa buong bansa.
Ang panukalang “Ligtas Pinoy Centers Act” ay naglalayon na makapagtayo ang gobyerno ng mga evacuation center na fully equipped at disaster-ready sa bawat lungsod at munisipalidad na magsisilbing kanlungan ng mga pamilyang masasalanta ng sakuna o kalamidad na pinalala ng pagbabago ng klima.
Habang bumabangon ang bansa mula sa epekto ng bagyong Kristine, sinabi ni Speaker Romualdez na ang panukalang batas ay magsisilbi bilang isang pananggalang na magliligtas ng buhay para sa mga pamilyang Pilipino laban sa matinding sama ng panahon.
“The devastation of recent storms shows us the urgent need to act,” ayon pa kay Speaker Romualdez, pinuno ng higit sa 300-kinatawan ng Kamara de Representantes.
“The Ligtas Pinoy Centers Act represents our commitment to safeguarding every Filipino in times of crisis, ensuring that each city and municipality will have a secure, fully equipped center to shelter and support evacuees,” dagdag pa nito.
Ang pinagsamang House Bill (HB) No. 7354 at Senate Bill (SB) No. 2451 ay kasalukuyang nasa huling yugto na ng proseso bago ipadala kay Pangulong Marcos para sa kanyang lagda.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat center na itatayo ay dapat hindi masira ng hangin ng bagyo na may lakas na 300 kilometro bawat oras at lindol na may pagyanig na hanggang 8.0 magnitude.
Pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatayo ng mga evacuation center katuwang ang mga lokal na pamahalaan, alinsunod sa mahigpit na panuntunan ng National Building Code.
Saklaw din ng panukalang batas, ang pagbibigay ng prayoridad sa mga lugar na mataas ang banta ng mga sakuna.
Inatasan naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang tukuyin kung saang lugar ang angkop na mapagtayuan ng mga center.
Bahagi ng pasilidad ang pagkakaroon ng mga tulugan, health care stations, shower at toilet facilities, at mga lugar para sa mga bata at kababaihan, gayundin para sa mga may kapansanan.
“Each center will be a stronghold where communities can find safety, comfort, and the essentials they need during an emergency,” ayon kay Speaker Romualdez.
“These centers are more than buildings; they are our nation’s promise to leave no Filipino unprotected,” giit pa nito.
Pinapayagan din ng panukalang batas ang mga lokal na pamahalaan na itakda ang mga kasalukuyang istraktura bilang mga evacuation center kung nakasunod ang mga ito sa itinakdang panuntunan ng batas.
Bahagi din ng bawat Ligtas Pinoy Center ang pagkakaroon ng mga pasilidad para sa sanitasyon, mga lugar para sa paghahanda ng pagkain, emergency power, at mga nakatalagang lugar para sa mga alagang hayop — kinikilala na maraming pamilyang Pilipino ang lumilikas kasama ang mga alagang hayop na mahalaga sa kanilang kabuhayan.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang batas na ito ay isang makabuluhang hakbang sa mas malawak na estratehiya ng gobyerno para sa kakayahang tumagal sa mga hamon ng klima.
Ang Pilipinas, isa sa mga bansa na pinaka-madalas tamaan ng mga sakuna sa buong mundo, ay nakakaranas ng mga bagyo, pagbaha, at lindol taun-taon, na nakakaapekto sa buhay ng libu-libong indibidwal.
Ang batas na ito ang tutugon sa patuloy na panawagan ng mga lokal na komunidad para sa pagkakaroon ng mas ligtas at matibay na imprastruktura na kayang harapin ang mga natural at man-made calamities.
“We are building a future where our communities can endure, where our families are safe, and where our nation stands ready to face the escalating impact of climate change,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
“The Ligtas Pinoy Centers Act is both a reflection of our resolve and a beacon of hope for a safer, more prepared Philippines,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Magmumula ang inisyal na pondo para sa pagpapatupad nito sa kasalukuyang alokasyon ng mga ahensya at isasama na sa taunang badyet ng gobyerno.
Sa oras na pagtibayin bilang batas, inaasahan na masisimulan na itong ipatupad sa mga susunod na taon.
“This Act sends a clear message to every Filipino: in times of crisis, your safety and dignity are our priority,” giit pa ni Speaker Romualdez. “With the Ligtas Pinoy Centers, help is near, and refuge is certain.” (END)
————————
Kamara prayoridad 2025 badyet sa pagbubukas ng sesyon
Sa muling pagbubukas ng sesyon simula sa Lunes, pangunahing prayoridad ng Kamara de Representantes ang ratipikasyon ng panukalang P6.352 trilyong badyet para sa 2025 bago matapos ang taon.
Ayon kay Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe inaasahan ng Kamara na matatapos ng Senado ang bersyon nito ng panukalang badyet upang matalakay na ito sa bicameral conference committee at mabuo na ng bersyon na raratipikahin ng dalawang kapulungan.
“We hope to ratify the bicam report before our Dec. 20 Christmas break. There is enough time to approve the final version of the budget,” ani Dalipe.
Tiniyak ni Dalipe sa bansa na maihahanda ang panukalang badyet para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago matapos ang 2024.
“As in the past, the spending program for the coming year will be in place before the current fiscal year is over to ensure continuity of spending and seamless implementation of activities and programs,” sabi ni Dalipe.
Ayon kay Dalipe ang panukalang badyet ang isa sa pinaka-importanteng panukala na ipinapasa ng Kongreso taun-taon.
Bukod sa panukalang badyet, sinabi ni Dalipe na patuloy na gagampanan ng Kamara ang oversight function nito sa pamamagitan ng mga pagdinig ng iba’t ibang komite gaya ng Quad Comm, Good Government and Public Accountability, at Quinta Comm na binuo noong Setyembre.
“We remain steadfast in protecting our people from abuses and in exposing acts of wrongdoing in government,” dagdag pa ni Dalipe.
Ayon kay Dalipe magsasagawa ang Quad Comm ng mga pagdinig kaugnay ng madugong war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagresulta sa maraming kaso ng extrajudicial killings, sa kalakalan ng iligal na droga at operasyon ng iligal na Philippine offshore and gambling operators (POGO).
Ang Quad Comm ay magsasagawa ng ika-10 pagdinig nito sa Nobyembre 7 at inaasahan na tutuparin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinaabot na mensahe sa abugado nito na siya ay dadalo.
Sinabi ni Dalipe na magpapatuloy din ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa kinukuwestyong paggamit ng daan-daang milyong confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Ang Quinta Comm naman ay magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng smuggling at price manipulation sa mga pangunahing bilihin upang maprotektahan ang publiko laban sa hindi makatwirang pagtataas, ani Dalipe.
Bukod sa panukalang 2025 badyet ng gobyerno, sinabi ni Dalipe na magtatrabaho rin ang Kamara upang maipasa ang mga nalalabing LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council) priority bills gaya ng Budget Modernization Bill, National Defense Bill, amyenda sa Agrarian Reform Law, at amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease.
Ayon kay Dalipe natapos na ng Kamara ang 26 sa 28 panukala na prayoridad na maisabatas ng LEDAC bago matapos ang 19th Congress sa Hunyo 30, 2025. Ang nalalabi na lamang ay ang amyenda sa Agrarian Reform Law at amyenda sa Foreign Investors Long-Term Lease.
Sa 24 na natapos na ng Kamara, anim ang nilagdaan na ni Pangulong Marcos: ang amyenda sa Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 12009), Anti-Financial Accounts Scamming Act (RA 12010), amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act (RA 12022), VAT on Digital Transactions (RA 12023), Self-Reliant Defense Posture Act (RA 12024) , at Academic Recovery and Accessible Learning Program (RA 12028).
Apat naman ang naipadala na sa Pangulo para sa kayang lagda: ang CREATE MORE Bill, Philippine Maritime Zones Act, Archipelagic Sea Lanes Bill, at Enterprise-Based Education and Training Program Bill.
Sa loob ng 166 session days mula ng magsimula ang 19th Congress noong 2022, sinabi ni Dalipe na naiproseso ng Kamara ang 4,504 panukala o average na 27 kada araw. Sa mga panukalang ito, 103 na ang naisabatas. (END)
———————-
Pagbulusok ng trust, performance rating ni VP Duterte, hindi nakapagtataka
Inihayag ng mga lider ng Kamara de Representantes na hindi na nakagugulat ang pagbaba ng trust at performance ratings ni Vice Presidente Sara Duterte, na nahaharap sa iba’t ibang isyu gaya ng kinukuwestyong paggamit ng confidential funds.
Sinabi nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City na ang patuloy na pagbagsak ng ratings ni VP Duterte, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research, ay nagpapakita ng patuloy na kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa umano’y kakulangan ng transparency at pananagutan ng Bise Presidente.
“It is expected. Pera ng taumbayan ang ginastos niya na hanggang ngayon ay hindi niya ipinapaliwanag at balot na balot sa kontrobersiyaq,” ayon kay Gonzales.
“Simple lang ang mga tanong: pakipaliwanag ang paggamit ng confidential funds noong DepEd Secretary pa siya at ‘yung mga safehouses na binayaran ng P16 million para lamang sa 11 araw. Para sa mga kababayan nating nagbabayad ng buwis, dapat ay sinasagot niya ito,” dagdag pa nito.
Ipinunto ni Gonzales ang mga isyu kaugnay ng umano’y P15 milyong inilaan para sa Youth Leadership Summit pero sinabi ng mga opisyal ng militar na mayroon silang natanggap na pondo, at ang P16 milyong ibinayad sa 11-araw na renta ng mga safehouse noong 2022 ay nakaapekto sa tiwala ng publiko kay VP Duterte.
“Ang ating mga kababayan ay naghihintay ng paliwanag. We are a democracy that values transparency, especially in public spending. Hindi dapat balewalain ang mga tanong ng publiko,” giit pa ng mambabatas, na naniniwala na ang pagtanggi ng Bise Presidente ay lalo lamang nagpalaki sa duda na mali ang ginawang paggastos sa pondo.
Sinang-ayunan ni Dalipe ang mga pahayag ni Gonzales, at binigyang-diin ang epekto ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito sa kanyang kakayanan na mamuno.
“Mahirap magpanatili ng pagtitiwala ng bayan kapag maraming tanong ang hindi sinasagot. Her role as a top leader in the government requires accountability. Kung hindi niya kayang ipaliwanag ang mga ito, it’s only natural for the people to lose trust,” ayon kay Dalipe.
Ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research survey, bumaba ng anim na puntos ang trust rating ni Duterte sa 59% at walong puntos naman ang ibinaba ng performance rating nito na naitala sa 52%.
“From 87% trust rating noong Marso 2023 to 59% ngayon, that’s a significant fall,” punto pa ni Dalipe. “That means something is wrong with how the public perceives her leadership.”
Ipinunto ni Dalipe na ang pagbagsak ng ratings ni Duterte sa mga pangunahing rehiyon tulad ng National Capital Region at Balance Luzon, kung saan bumaba ang kanyang trust rating ng 13 at 9 na puntos, ay nagpapakita ng pagliit ng kanyang suporta sa labas ng Mindanao.
“Kung hindi siya kikilos para linawin ang mga isyu, she will continue to lose ground, especially in areas where she enjoyed broader support before,” babala pa ng kongresista.(END)
————————-
DOJ hinimok maglabas ng lookout bulletin laban sa 7 opisyal ni VP Sara na sabit sa confidential fund issue
Hinimok ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) kaugnay ng imbestigasyon sa maling paggamit ng confidential funds noong 2022 at 2023.
Ginawa ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang mungkahi kasunod ng inilabas na subpoena upang pilitin ang mga opisyal na humarap at magbigay ng testimonya matapos na hindi sumipot sa mga naunang pagdinig.
Kabilang sa mga opisyal na tinukoy ay sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff at Chair ng Bids and Awards Committee na si Lemuel Ortonio; Direktor ng Administrative at Financial Services na si Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) na si Gina Acosta; at Chief Accountant na si Juleita Villadelrey.
Kabilang din sa mga ipinatatawag ng komite sina dating Assistant Secretary ng Department of Education (DepEd) na si Sunshine Charry Fajarda at SDO Edward Fajarda, na ayon sa mga ulat ay nasa tanggapan na rin ng OVP.
Ang mag-asawang Fajarda at mga katiwala ni VP Duterte noong siya ay nagsilbi bilang kalihim ng Department of Education mula Hulyo 2022 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo 2024.
Sa kanyang pinakahuling liham kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ni Chua na ang mga testimonya ng mga opisyal ng OVP ay mahalaga sa imbestigasyon at sa pagtitiyak ng pananagutan sa mga pondo ng publiko.
Binanggit ni Chua na nakatanggap ang kanyang komite ng impormasyon na ang mga nabanggit na indibidwal ay posibleng lumabas ng bansa.
“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities,” saad pa ni Chua sa kanyang liham kay Remulla.
“This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” dagdag pa ng mambabatas.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng komite ni Chua sa isang privilege speech ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, na nag-akusa kay Duterte ng maling pamamahala ng pondo ng OVP, batay sa pagsusuring ginawa ng Commission on Audit (COA).
Sa ulat ng COA, sinita nito ang paggastos sa P73 milyong pondo mula sa P125 milyong halaga ng confidential funds sa ilalim ng OVP noong 2022.
Ikinabahala rin ng mga kongresista ang ulat ng COA na naubos ang P125 milyong confidential fund sa loob lamang ng 11 araw o mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022 o P11 milyon bawat araw.
Sa Notice of Disallowance, sina Duterte, Acosta at Villadelrey, na tinukoy bilang mga “accountable officials,” na siyang magbabalik ng pondo kapag tuluyang hindi naipaliwanag na tama ang ginawang paggastos sa kinukuwestyong P73 milyon ng COA.
Hindi sumipot ang pitong opisyal mula ng simulan ng komite ang pagdinig.
Pinalawig ng komite ni Chua ang kanilang imbestigasyon at isinama ang iregularidad sa paggamit ng confidential fund ng Department of Education sa panahon na pinamumunuan ito ni Duterte.
Kabilang sa ikinababahala ng mga mambabatas ang ginawang paggastos sa P112.5 milyong confidential fund ng DepEd noong 2023 na hindi pa umano malinaw ang pinagkagastusan.
Kabilang sa mga kinukwestyong pondo ay inilabas sa bangko gamit ang tatlong magkahiwalay na tseke, bawat isa ay nagkakahalaga ng P37.5 milyon, na inisyu kay dating DepEd SDO Edward Fajarda. Ang mga cash advances na ito ay ginawa sa unang tatlong quarter ng 2023 habang si Duterte ang Kalihim sa tanggapan.
Si Sunshine Charry, asawa ni Edward Fajarda, ay nabanggit din sa nakaraang testimonya ni dating DepEd Undersecretary Gloria Jumamil Mercado.
Ayon kay Mercado siya ay binibigyan ng envelope na may lamang P50,000 buwan-buwan noong siya ang head of Procuring Entity (HoPE) ng DepEd mula Pebrero hanggang Setyembre 2023. Ang pera ay ibinibigay umano ni Assistant Secretary Fajarda at mula kay VP Duterte.
Sa pinakahuling pagdinig ng komite, itinanggi nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio ang pagtanggap ng P15 milyong pondo mula sa mga confidential funds ng DepEd bilang pambayad ng mga impormante.
Nag-isyu ang mga opisyal ng militar ng mga certification para sa isinagawang Youth Leadership Summits (YLS), isang regular na programa laban sa insurgency na pinangasiwaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2023.
Subalit ginamit umano ng DepEd ang mga sertipikasyong ito upang bigyang-katwiran ang paggastos nito ng P15 milyon na sinabi nitong ipinambayad sa mga impormante.
Ipinagtataka rin ng mga mambabatas ang paggamit ng OVP ng P16 milyon sa mga confidential funds sa pag-upa ng 34 na safehouses sa loob lamang ng 11 araw sa huling bahagi ng 2022. Ang ilan sa mga safehouse ay umabot sa halos P91,000 bawat araw—mas mahala pa kumpara sa mga high-end resort tulad ng Shangri-La Boracay.
Kinwestyon ni Chua kung ang mga safehouse ba ay nasa mga marangyang lugar, at ipinunto na kahit na sa Bonifacio Global City ang upa ay nasa P90,000 lamang kada buwan malayong-malayo sa P91,000 kada araw na renta ng OVP sa mga safehouse.
Batay sa isinumiteng rekord ng OVP sa COA, nagbayad ito ng P250,000 hanggang P1 milyon para sa renta ng mga safehouse mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022.
Ang mga inupahang ito, na nakadetalye sa liquidation report ng OVP sa COA, ay bahagi ng P125 milyon mula sa CIF na ginastos sa loob lamang ng 11-araw. (END)
————————
Sipag, dedikasyong makapaglingkod dahilan ng mataas na ratings ni Speaker Romualdez- Young Guns ng Kamara
Para sa Young Guns ng Kamara de Representantes hindi na nakakagulat ang mataas na rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pinakahuling survey ng OCTA Research dahil sa ipinakita nitong sipag at dedikasyon na makapaglingkod sa mga Pilipino.
Sinabi nina House Assistant Majority Leaders Amparo Maria “Pammy” Zamora ng Taguig City, Paolo Ortega ng La Union, at Jay Khonghun ng Zambales na ang mataas na performance at trust rating ni Speaker Romualdez ay resulta ng kanyang kasipagan, dedikasyon, at mahusay na pamumuno.
Sinabi ni Zamora na ang dedikasyon ni Speaker Romualdez sa kanyang tungkulin at masipag na pagtatrabaho ay naging susi sa magandang performance ng Kamara de Representantes at pagtaas ng tiwala ng mga Pilipino sa kanya.
“Speaker Romualdez is a true workaholic who never stops striving to improve the legislative process,” saad ni Zamora.
“Sa dami ng trabaho sa Kongreso, siya ang nangunguna at tila walang kapaguran. The Speaker’s dedication inspires us all to work harder and deliver more for our constituents,” ayon kay Zamora.
Sinang-ayunan ni Ortega ang sinabi ni Zamora, at binanggit na kitang-kita ang masipag na work ethic ni Speaker Romualdez sa kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at mamamayan.
“He’s very hardworking. Alam niya ang kailangan ng bawat distrito, kaya naman mataas ang tiwala ng tao sa kanya. People trust him because they see how much he invests in understanding and addressing their needs,” ayon kay Ortega.
Ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research, nakakuha si Speaker Romualdez ng 61 porsyentong overall trust rating at 62 porsyentong performance rating.
Dagdag naman ni Khonghun, ang mga rating na ito ay nagpapakita ng tagumpay ng pinuno ng Kamara sa pagbuo ng isang epektibong proseso ng lehislasyon at sa pagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang mga kasamahan.
“We are led by someone who values hard work and leads by example. At ngayon, nakikita natin na ang disiplina at sipag ng ating Speaker ay nagbubunga ng pagtitiwala ng ating mga kababayan. The people see this, and that’s why they trust him,” ayon kay Khonghun.
Isinalarawan pa ni Zamora kung paano ang walang pagod na dedikasyon ni Romualdez ay nagbunga ng isang produktibong Kapulungan. “The trust that people have in him reflects their belief in a functional and results-driven House of Representatives.”
Ayon kay Ortega, ang masiglang pamamaraan ng Speaker ay nakapagpataas ng moral ng mga mambabatas at nagtutulak ng makabuluhang progreso sa lehislasyon.
“Our productivity in the House is proof of his competent leadership. Speaker Romualdez has established an effective legislative process and selected leaders to ensure its success. Because of this, the people’s trust continues to grow,” paliwanag Ortega.
Pinasalamatan din ni Khonghun si Romualdez dahil sa paglikha ng isang masigasig na kapaligiran ng pagtutulungan sa loob ng Kamara.
“He doesn’t just work hard; he ensures we’re all on the same page to deliver the best results. That’s why people feel confident in our leadership,” giit pa ni Khonghun. (END)
————————
Pagbulusok ng rating ni VP Sara konektado sa hindi pagsagot sa ginastos na confidential funds— Young Guns
Naniniwala ang mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na konektado ang pagbulusok ng survey rating ni Vice President Sara Duterte sa pagtanggi nito sa sagutin ng deretso ang mga tanong kaugnay ng paggastos nito sa daan-daang milyong confidential funds.
Sinabi nina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Paolo Ortega ng La Union na naghahanap ng kasagutan at pananagutan ang publiko kaugnay ng kinukuwestyong confidential fund sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
“Vice President Duterte’s dropping trust ratings signal a critical problem in the way people see her,” paglalahad ni Khonghun. “When a public official faces controversies that go unexplained, people find it hard to trust them. If these issues aren’t addressed, it could seriously damage her credibility over the long term.”
Batay sa pinakahuling OCTA Research survey, nagkaroon ng anim na puntos na pagbaba sa trust rating ni Duterte na naitala sa 59%, at walong puntos naman sa kanyang performance rating, na bumulusok sa 52% mula sa dating 87% noong nakaraang taon.
Ayon kay Khonghun mahalaga na malinawan ang umano'y P15 milyong confidential funds ng DepEd na pinalabas umanong ginastos sa Youth Leadership Summit kahit na hindi, at ang P16 milyong ginastos ng OVP sa renta at mga kaugnay na gastusan sa safe house sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.
“If these controversies aren’t clarified, how can she expect people’s trust in the future? Trust is earned through transparency and accountability, qualities that should be part of every public servant,” ani Khonghun.
Sinabi naman ni Ortega na pagbaba ng rating ni Duterte ay indikasyon ng bumababa ang tiwala ng publiko sa mga opisyal na walang pananagutan.
“From a high of 87% in March 2023 to 59% today, that’s a big drop,” saad ni Ortega. “People want leaders they can trust. To keep the public’s confidence, leaders need to be open and transparent.”
Sabi pa ni Ortega na ang pag-iwas sa kontrobersiya ay makasisira sa kredibilidad ni Duterte lalo na kung nais pa niya manatili sa serbisyo publiko. “Silence is not an option, especially when the public is watching closely,” sabi pa nito.
Kapwa naniniwala ang dalawang mambabatas na ang pagbalewala sa usaping ito ay nagbababa sa pamantayan ng pananagutan sa pamahalaan.
“The duty to address issues that may hurt people’s trust should be a priority. If VP Duterte keeps avoiding these controversies, it sets a worrying example for accountability in government,” sabi ni Khonghun.
“A true leader does not hide behind controversy. She should show the public that she has nothing to hide and is willing to address these issues openly,” dagdag ni Ortega.
Sa pinakahuling pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, itinanggi nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio na tumanggap sila ng P15 milyong pondo mula sa confidential fund ng DepEd.
Ginamit ni Duterte ang inilabas na sertipikasyon ng mga opisyal ng military na nagsagawa ng Youth Leadership Summits (YLS), isang regular na anti-insurgency program sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2023. Pero ayon sa mga opisyal wala silang natanggap na pondo mula sa DepEd.
Nabigla rin ang mga mambabatas na gumastos ang Office of the Vice President’s (OVP) ng P16 milyon mula sa confidential funds para rentahan ang 34 safehouse sa loob ng 11 araw noong huling quarter mg 2022.
Batay sa mga isinumiteng dokumento, mayroong safehouse na binayaran ng halos P91 milyon kada araw mas mahal pa sa renta sa mga high-end resorts gaya ng Shangri-La Boracay.
Pinuna ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua, chairman ng komite kung ang mga safehouse na ito ay magagarang property dahil ang renta sa Bonifacio Global City ay kadalasan aniyang nagkakahalaga ng P90,000 kada buwan, higit na mas mababa sa arawang renta na halos P91,000 ng OVP.
Sa huli, binigyang diin nina Khonghun at Ortega ang importansya ng transparency, lalo at bilang lingkod publiko, kailangan maging bukas at hayag ang mga lider sa publiko lalo na kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan. (END)
———————-
Apela sa National prosecutorial service, kasuhan mga sangkot sa EJK
Nanawagan ang dalawang co-chairperson ng Quad Committee ng Kamara de Representantes sa National Prosecutorial Service na maghain ng mga kaso kaugnay ng extrajudicial killings (EJKs) sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang mabigyan ng hustisya ang libu-libong nasawi.
Kapwa hinimok nina Manila Rep. Bienvenido "Benny" Abante at Laguna Rep. Dan Fernandez ang Department of Justice (DoJ) na gamitin ang mga impormasyong nakuha ng Quad Comm sa paghahain ng kaso laban sa mga sangkot sa EJK noong nakaraang administrasyon.
Ayon kay Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, baganat hindi maaaring maghabla ang Quad Comm maaari namang aksyunan ng DOJ ang kanilang mga natuklasan sa pagdinig.
“Yes, pag hiniling po ng DOJ that we could turn over documents, we will do it,” pagtitiyak ni Abante.
Ayon kay Abante ang mga extrajudicial killings ay lubhang nakaapekto sa buhay ng napakaraming sibilyan. Tinatayang 12,000 hanggang 30,000 ang nasawi sa Duterte drug war batay sa datos ng International Criminal Court.
“Willful killings affected thousands of civilians,” giit ni Abante na tinukoy ang sistematikong pamamaslang kung saan mga low-level drug offenders ang target at kokonti lamang na mga high level drug lords.
Ipinunto ni Fernandez ang konsepto ng command responsibility na nakapaloob sa Republic Act (RA) No. 9851.
“Dun sa 9851 kase kinaklaro doon ‘yung defining and ‘yung mga penalizing nung mga acts against international humanitarian law, genocide at saka ‘yung crimes against humanity,” sabi ni Fernandez.
Ang pag-ako ng responsibilidad at pag-amin umano ni Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee ay maituturing na command responsibility.
Dagdag paliwanag ni Fernandez tungkol saRA 9851,“Section 8… command responsibility ng mga superior, and him being the superior of the land during his incumbency, he will take responsibility.”
Sabi pa niya na bilang Commander-in-Chief may pananagutan si Duterte sa ibinigay nitong utos na nauwi sa EJK.
Giit ni Abante na tanging hangad ng komite ay makamit ang hustisya.
“We just want justice to be done bilang Chairman of the Committee on Human Rights,” sabi niya.
Nanindigan si Abante na siya ay tutol din sa iligal na droga ngunit kuwestyunable umano ang pamamaraan na ginamit ng nakaraang administrasyon na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong katao kasama na ang mga menor de edad.
“Merong sinabi na collateral damage. Collateral damage ba ‘yung napatay na 3-year-old, napatay na 9-year-old?” tanong ni Abante
Sabi niya na mayorya ng mga nasawi ay mga gumagamit at nagtutulak ng droga na pawang mula sa mga mahihirap na komunidad habang iilan lang high-profile drug lords na nahuli o napatay.
Tunuligsa din ni Abante ang depensa ni Sen. Bato dela Rosa na "shit happens,” at kinuwestyon ang mga pananalita at pagtingin ng senador sa pagkawala ng buhay.
“Ano ba ibig sabihin ng shit? Baka hindi niya alam ibig sabihin ng shit sa American expression? Mura iyun hindi ba,” pagkuwestyon nga sa pagiging normal ng brutal na mga pagpatay sa pagpapatupad ng laban kontra droga.
Sinusugan naman ni Fernandez ang panawagan ni Abante.
Aniya napadali ang aksyon ng ehekutibo dahil sa imbestigasyon ng Quad Comm lalo na pagdating sa presertasyon ng mga asset na may kaugnayan sa operasyon ng droga.
“Like for example itong sa preservation assets na we recommended… Siyam iyan na ngayon po nag-issue na si Sec. Lucas Bersamin,” ani Fernandez na binigyang halaga ang pag ingat sa mga asset na may kaugnayan sa kaso ng iligal na droga.
Tugon naman ni Fernandez sa pag amin ni Duterte na mayroon ngang “death squad” at idinawit pa ang mga retiradong heneral, “Alam natin na Presidente mahilig siyang mag-joke, sometimes hindi na natin alam ‘yung katotohanan.”
Kailangan din aniyang seryosohin ang mga pahayag ni Duterte lalo siya ang pinakamataas na lider ng bansa.
“Ngayon, yung mga tinuran niya doon this time … he must be responsible for it,” punto ni Fernandez na tinukoy ang mga implikasyon ng mga binitiwang salita ni Duterte
Sabi ni Fernandez, dapat gamitin ng DOJ ang RA 9851 upang mapanagot ang mga lumabag sa crimes against humanity at extrajudicial killings. (END)
———————-
Pagkakaisa at malasakit sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa, panawagan ni Speaker Romualdez
Hinikayat ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na ipagdiwang ang Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit para sa mas matatag at maalagang Pilipinas.
“As we come together on this sacred occasion of All Saints’ Day and All Souls’ Day, let us pause to honor the saints and the loved ones who have touched our lives, those whose spirit and memory continue to inspire us long after they have gone,” ani Speaker Romualdez.
“These days remind us that while they may no longer be with us, their values, love, and courage remain, guiding us forward,” ayon pa sa pinuno ng Kamara na mayroong mahigit na 300 kinatawan.
Ayon kay Speaker Romualdez ang bawat kandilang sinisindihan at dasal na iniaalay ay paraan ng pag-alala sa mga sumakabilang buhay na nag-iwan ng bakas at ambag sa lipunan. Hinimok niya ang lahat na ipagpatuloy ang iniwang pamana ng mga sumakabilang buhay sa pamamagitan ng kabutihan at pagkakaisa.
“Each candle we light, every prayer we offer, is a tribute to lives that have left a lasting mark on our hearts,” ayon kay Speaker Romualdez.
Dagdag pa niya, “Let us carry their legacy forward, embracing their kindness and unity, and let us be beacons of hope for each other. In their memory, let us lift one another and create a stronger, more compassionate Philippines.”
Bilang pagbibigay halaga sa mga araw na ito, hinikayat ni Speaker Romualdez ang mga Pilipino na gawing inspirasyon ang paggunitang ito upang tatahakin ang kinabukasan.
“This time of remembrance is not only about honoring the past but about drawing strength from it to build a future worthy of their dreams,” ayon pa sa mambabatas.
“May the light of those we honor today guide our every step, and may we, as one people, continue their legacy of love, faith, and resilience,” dagdag pa nito.
Nag-iwan din si Speaker Romualdez ng mensahe ng pag-asa para sa bansa: “Mabuhay po tayong lahat, at nawa’y magbigay-lakas ang alaala ng ating mga mahal sa buhay upang tayo’y magpatuloy nang may pag-asa at pagkakaisa.” (END)
———————-
Speaker Romualdez nagpasalamat sa mataas na trust, performance ratings, lalo pang paghuhusayin ang paglilingkod
Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga Pilipino sa pagbibigay sa kanya ng mataas na trust at performance rating sa pinakahuling survey ng OCTA Research,
“I am deeply thankful to our people for this gesture, which will inspire us to continue to work hard and even work harder for them. Thank you for your trust and for your approval of the work we do,” ani Speaker Romualdez.
Nangako ang lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan na ipagpapatuloy at lalo pang sisipagan ang pagseserbisyo sa publiko upang mapa-unlad ang bansa at mapabuti ang kanilang kalagayan.
Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Setyembre, nakapagtala si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsyento.
Si Speaker Romualdez ya nakapagtala ng 58 porsyentong trust rating sa National Capital Region (NCR), 68 porsyento sa balanse ng Luzon, 62 porsyento sa Visayas, at 48 porsyento sa Mindanao.
Pagdating sa economic groups, ang lider ng Kamara ay nakapagtala ng 64 porsyento sa Class ABC, 61 porsyento sa Class D, at 59 porsyento sa Class E.
Nakapagtala naman si Speaker Romualdez ng 62 porsyento overall performance kung saan 61% ang naitala nito sa NCR, 68 porsyento sa balase ng Luzon, 66 porsyento sa Visayas, at 45 porsyento sa Mindanao.
Sa mga economic groups, si Speaker Romualdez ay nakapagtala ng 66 porsyento sa Class ABS, 62 porsyento sa Class D at 59 porsyento sa Class E.
“The ratings reflect not just trust in me but confidence in the collective work of my colleagues in the House of Representatives. Leadership is shaped by the strength and dedication of those who stand alongside it,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nangako ang lider ng Kamara na patuloy na susuportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa misyon nito na mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga Pilipino.
“Our collaborative efforts are starting to bear fruit. Proof of this is that inflation, or the increase in consumer prices, has been falling. We will continue to help President Marcos to keep it down to ease the burden on our people, especially the poor,” sabi pa nito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang inflation rate noong Setyembre sa 1.9 porsyento, mula sa 3.3 porsyento noong Agosto, at 4.4 porsyento noong Hulyo.
Ang naitala na pinakamabagal na pagtaas noong Setyembre ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na apat na taon.
“The intervention measures taken by the government under the leadership of President Marcos Jr. are now yielding positive results,” wika pa ni Speaker Romualdez. (END)
—————————
Rep. Abante hinimok ang mga Pilipino na ipagnalangin mga biktima ng EJK ngayong Undas
Hinikayat ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang mga Pilipino na isama sa kanilang panalangin ngayong Undas ang libu-libong biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
"As Chair of the Committee on Human Rights in the House of Representatives, I also ask that the thousands of victims of tokhang or extrajudicial killings be remembered," ani Abante, co-chairman ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga EJK ng Duterte drug war.
Dagdag pa ng mambabatas, "The killers and the masterminds of the brutal war on drugs have not yet been arrested, prosecuted, convicted, and incarcerated for their heinous crimes."
Kasama ng Human rights panel sa apat na komite na bumubuo ng Quad Comm, na nag-iimbestiga sa kaugnayan ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kalakalan ng iligal na droga at EJK noong panahon ni Duterte.
"Collective national amnesia is one of the enemies of justice. The wheels of justice turn too slowly in our country," ayon sa mambabatas, na isa ring pastor.
"For these reasons, I ask the Supreme Court to recommend to Congress the enactment of laws that will set fair and reasonable deadlines on criminal cases to uphold the right of victims to speedy justice," saad pa ni Abante.
"The right to due process is being abused at the expense of the victims. This is why we seek the guidance of the Supreme Court on this matter. We seek fairness and balance," dagdag pa nito.
Sa isa sa mga pagdinig ng Quad Comm, sinabi ng dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si retired Police Col. Royina Garma na mayroong reward system sa Duterte drug war.
Ang pagbibigay ng cash reward ang itinuturong dahilan kung bakit marami ang napaslang sa pagpapatupad ng Duterte drug war. Posible umanong umabot ang bilang ng mga nasawi sa 30,000.
Ang reward ay naglalaro umano sa P20,000 hanggang P1 milyon depende sa target.
Nagpahayag din ng paniniwala si dating Commissioner ng National Police Commission (Napolcom) na si Edilberto Leonardo na totoo ang sinabi ni Garma tungkol sa reward. Ang dalawa ay kapwa kilalang malapit kay Duterte.
Hiniling din ng co-chairman ng Quad Comm sa mga Pilipino na isama rin sa kanilang panalangin ngayong Undas ang mga biktima ng hazing.
"As a family advocate, I gently remind the public during the Undas holidays to offer prayers for comfort and justice for the families of many hazing victims whose cases have not yet led to the final conviction of their murderers,” ayon pa kay Abante. (END)
————————
Pagharap ng dating opisyal ng palasyo na si Muking sa House quad comm iginiit
Iginiit ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na dapat humarap sa paparating na pagdinig nito ang dating opisyal na Malacañang na si Irmina “Muking” Espino na iniuugnay sa reward system sa ipinatupad na war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ito ay matapos na dumalo si Espino sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee kung saan itinanggi niya ang umano’y pag-iral ng cash reward scheme sa anti-drug campaign ng administrasyong Duterte taliwas sa naging pahayag ni retired P/Col. Royina Garma sa pagdinig ng Quad Comm.
Nagbabala rin si Quad Comm co-chair Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez kay Epino na maaari siyang ma-contempt at ipaaresto kung muling hindi sisipot sa pagdinig ng panel na itinakda sa November 6.
“Most likely darating ‘yan kasi alam nya may procedure [ang Quad Comm]—una ay invitation, tapos show cause order, and then afterwards isa-cite in contempt,” ayon kay Fernandez sa ginanap na press briefing noong Martes.
Si Espino ay tinukoy ni Garma, dati ring General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na staff ni Senator Christopher “Bong” Go sa Davao City government at sinasabing nangasiwa sa reward money para sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspek.
Nauna rito ay naglabas ng show cause order ang Quad Comm laban kay Espino at limang iba pa matapos na hindi dumalo sa pagdinig.
Inatasan din ng joint panel si Espino na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-cite in contempt kaugnay ng hindi pagdalo sa pagdinig noong Oktubre 22, sa kabila ng naunang imbitasyon.
Sa ulat, si Espino ay nagtrabaho sa tanggapan ni Go sa Davao City Hall noong si Duterte pa ang alkalde. Nang maging Special Assistant to the President si Go, siya ay pumasok sa Malacañang bilang Assistant Secretary. Nagsilbi rin siya bilang Undersecretary hanggang sa matapos ang termino ni Duterte noong 2022.
Noong Lunes, lumutang si Espino at dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa drug war ng administrasyon ni Duterte.
Sa pagdinig, itinanggi niya ang ang mga akusasyon na siya ay isang "disbursing officer" sa financial operation na konektado sa drug war, at iginiit na ang kanyang papel ay limitado lamang sa pagbibigay ng mga kagamitan sa opisina, kagamitan, at gasolina sa mga precinct commanders sa buong Davao City.
Sa testimonya ni Garma, kinumpirma nito ang suspetsa na ang drug war ng administrasyong Duterte ay mayroong reward system na humimok sa mga pulis na pumatay ng mga indibidwal na pinaghihinalaan pa lamang na sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.
Inilahad din ng dating hepe ng PCSO ng detalyadong larawan ng operasyon na nakabatay sa pabuya na nagpapatindi sa kampanya laban sa droga, na iniuugnay sa libu-libong extrajudicial killings at malawakang paglabag sa karapatang pantao sa buong bansa sa panahon ng administrasyong Duterte.
Ipinakita niya sa Quad Comm ang pagsisimula at pagpapatupad ng kampanya, na isiniwalat na ito ay ipinatupad sa ilalim ng direktang utos ni Duterte, kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang aide na si Go at retiradong Police Col. Edilberto Leonardo bilang mga sinasabing pangunahing nangangasiwa.
Sinabi pa ni Garma na ang malawakang kampanya ay katulad ng modelo na ipinatupad sa Davao City, sa panahong si Duterte ang nanunungkulan bilang alkalde.
Binanggit pa niya na ang mga opisyal ay nakatatanggap lamang ng financial compensation kung napatay ang mga suspek, habang ang mga pag-aresto, kahit bahagi ng operasyon, ay walang katumbas na gantimpalang pera.
Ayon pa kay Garma na ang cash rewards para sa drug-related killings ay nasa pagitan ng P20,000 hanggang P1 milyon, depende sa target.
Sa mga naunang kampanya, sinabi ni Garma na pagkatapos ng pagkahalal kay Duterte bilang pangulo noong Mayo 2016, agad nitong hiniling sa kanya na humanap ng pulis na kayang ipatupad ang drug war sa buong bansa.
Inirekomenda niya ang kanyang upperclassmen na si Leonardo, na noon ay pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP sa Rehiyon 11, at naging pangunahing tagapamahala sa kampanya.
Pagkatapos tanggapin ang tungkulin, bumuo aniya si Leonardo ng isang task force ng mga operatiba na inatasang mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga suspek sa droga, beripikahin ang mga detalye, at pamahalaan ang mga operasyon ng pulis.
Ayon kay Garma, nagbuo si Leonardo ng isang sistema na nagbigay ng mga gantimpala para sa mga pagpatay, kung saan lahat ng ulat at desisyon ay dumadaan sa kanya.
Mahalagang bahagi rin sa testimony ani Garma ang pagbanggit sa isang nagngangalang “Muking” na diumano'y namahala sa mga financial operation. Kalaunan ay napag-alaman na ang tinutukoy ni Garma ay si Espino.
Sinabi ni Garma na matapos niyang irekomenda si Leonardo, nakipag-ugnayan si Espino sa kanya upang humingi ng mga detalye ng contact nito, na kanyang ibinigay.
Sa paglipas ng panahon, naging mahalagang bahagi si Espino sa daloy ng pondo.
Natanggap ni Garma mula kay Peter Parungo, isang “striker” sa opisina ni Leonardo, na ang malalaking halaga na pumapasok sa kanyang mga bank account ay konektado sa mga utos mula kay Espino.
Dinetalye rin ni Garma kung paano prinoseso ang mga transaksyon sa pondo para sa mga pabuya sa pamamagitan ng mga account ni Parungo, na bagama’t hindi miyembro ng CIDG, ay nagsilbing financial trustee ng task force, na nangangasiwa sa pamamahala ng pondo. (END)
—————————
Speaker’s Office, Tingog sanib-puwersa sa pagtulong sa mga residente ng Putatan, Muntinliupa
Katuwang ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, inilungsad ng Tingog Partylist sa oangunguna nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre ang isang relief operaton sa Brgy. Putatan, Muntinlupa.
Umabot sa 859 pamilya o 2,875 indibidwal, na naapektuhan ng bagyong Kristine ang naabutan ng tulong sa isinagawang relief operation para agad na makabangon ang mga ito.
Tiniyak ng Tingog na patuloy itong magbibigay ng tulong sa mga nangangailangan upang mapabuti ang kalagayan ng mga ito. (END)
————————
Tingog Partylist pinangunahan relief payout sa mga biktima ng bagyong Carina sa San Juan
Pinangunahan ng Tingog Partylist, sa ilalim ng pamumuno nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang relief payout sa may 2,761 benepisyaryo sa San Juan City na naging biktima ng bagyong Carina.
Nagkakahalaga ng P3,000 ang ibinigay sa bawat benepisyaryo sa payout event na ginanap sa San Juan Gymnasium.
Dumalo sa event sina San Juan Lone District Representative Bel Zamora, at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Iginiit ni Rep. Yedda Romualdez ang kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan upang mabigyang pag-asa ang mga ito at mapabilis ang kanilang pagbangon.
“The AKAP program is more than just financial support; it represents our collective strength in the face of adversity. As we assist those affected by Typhoon Carina, we are not only providing immediate relief but also fostering hope and solidarity among our citizens. It is essential that we work together to rebuild lives and restore the spirit of our community. Let us move forward with determination, ensuring that every individual has the opportunity to rise again, stronger than before,” ani Rep. Yedda Romualdez.
Tiniyak naman ni Rep. Acidre na magpapatuloy ang Tingog Partylist sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
“The relief payout reflects our dedication to the people of San Juan City. We remain steadfast in our efforts to provide the necessary resources and assistance to empower our communities as they navigate the aftermath of this disaster,” wika nito. (END)
————————
Tingog Partylist pinangunahan relief payout sa mga biktima ng bagyong Carina sa San Juan
Pinangunahan ng Tingog Partylist, sa ilalim ng pamumuno nina Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang relief payout sa may 2,761 benepisyaryo sa San Juan City na naging biktima ng bagyong Carina.
Nagkakahalaga ng P3,000 ang ibinigay sa bawat benepisyaryo sa payout event na ginanap sa San Juan Gymnasium.
Dumalo sa event sina San Juan Lone District Representative Bel Zamora, at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Iginiit ni Rep. Yedda Romualdez ang kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangan upang mabigyang pag-asa ang mga ito at mapabilis ang kanilang pagbangon.
“The AKAP program is more than just financial support; it represents our collective strength in the face of adversity. As we assist those affected by Typhoon Carina, we are not only providing immediate relief but also fostering hope and solidarity among our citizens. It is essential that we work together to rebuild lives and restore the spirit of our community. Let us move forward with determination, ensuring that every individual has the opportunity to rise again, stronger than before,” ani Rep. Yedda Romualdez.
Tiniyak naman ni Rep. Acidre na magpapatuloy ang Tingog Partylist sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
“The relief payout reflects our dedication to the people of San Juan City. We remain steadfast in our efforts to provide the necessary resources and assistance to empower our communities as they navigate the aftermath of this disaster,” wika nito. (END)
————————
Pagbaba ng krimen sa panahon ni Duterte hindi mapagtitibay ng datos— Quad Comm chairmen
Lalo umanong dumami ang krimen sa bansa sa pagpapatupad ng war on drugs campaign at extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging tugon nina House Quad Committee co-chairman Rep. Dan Fernandez ng Laguna at lead chairman Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte sa sinabi ni Duterte na mas maraming krimen ngayong kumpara noong panahon ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, ang mga opisyal na datos mula sa Philippine National Police (PNP) ay hindi tumutugma sa mga sinabi ni Duterte.
“Nabudol na naman tayo. Malinaw na mas mababa ang krimen ngayon kumpara noong panahon ng dating administrasyon,” ayon kay Fernandez.
Ayon sa ulat ng PNP, sinabi ni Fernandez na ang mga index crimes mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 28, 2024 ay umabot lamang sa 83,059, kumpara sa 217,830 na naitala sa parehong panahon sa unang dalawang taon ng termino ni Duterte mula 2016 hanggang 2018, o mas mababa ng 61.87 porsyento.
Ayon kay Fernandez, bumaba ng 55.69 porsyento ang mga kaso ng pagpatay, homicide, physical injuries, at panggagahasa. Samantalang ang bilang ng mga kaso ng robbery, theft, car theft, at crimes against property ay bumaba ng 66.81 porsyento, mula 124,799 hanggang 41,420 kung ihahambing sa unang dalawang taon ng Duterte administration.
Sinabi pa ng mambabatas na ang Crime clearance efficiency ay tumaas ng 27.13 porsyento habang ang crime solution efficiency rate at tumaas din ng 10.28 porsiyento, na base sa ulat ng PNP.
Sinabi naman ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na iniulat din ng PNP ang mga nakumpiskang droga na nagkakahalaga ng P35.6 bilyon at ang pagkakaaresto ng 122,309 suspek sa mga kasong may kaugnayan sa droga.
Ayon kina Barbers at Fernandez, ang kampanya ng administrasyong Marcos laban sa ilegal na droga ay “walang dahas,” hindi katulad ng madugong anti-drug war ni Duterte.
“The present national leadership values and respects the sanctity of life,” ayon kay Barbers.
Sinabi naman ni Fernandez na ang anti-drug drive ng kasalukuyang administrasyon ay "hindi malamang na magdulot ng galit, pagkamuhi, at hangaring gumanti mula sa ating mga mamamayan."
“It focuses on apprehending suspects and rehabilitating them, instead of ‘neutralizing’ them,” saad pa nito, na tumutukoy sa lenggwaheng ginagamit ng mga anti-drug campaign ni Duterte.
Ayon sa mga retiradong senior na opisyal ng pulisya na humarap sa Quad Comm, ang mga terminong “neutralize” at “negate” ay tinuturing nilang may kahulugang katumbas ng pagpatay sa mga suspek.
Ang mga terminong ito ay ginamit ng PNP chief noon ni Duterte, na ngayon ay Senador Ronaldo “Bato” dela Rosa, sa isang “command circular” noong 2016 na inilabas para sa mga field commander na nasa frontline ng drug campaign.
Sinabi ni Barbers na ang marahas na giyera kontra droga ni Duterte ay nagdulot ng mas maraming krimen.
“Ang isang action ay may kasunod na reaction. Kapag pinatay mo ang isang drug suspect, lalo na kung nadamay pa ang inosenteng kamag-anak o civilian, malamang sa hindi, may maghahangad sa pamilya ng namatayan ng paghihiganti,” saad nito.
“So, wala kang sinosolusyunan na problema, gumagawa ka pa ng bagong problema,” ayon pa sa kongresista.
Ayon kay Fernandez, ang ipinagmamalaking giyera kontra droga ng administrasyong Duterte ay nakatuon sa karamihan sa mga mababang antas ng gumagamit at nagbebenta ng droga, habang kakaunti lamang ang mga tinarget na high-value suspects.
“Kaya libo-libo ang napatay, mahigit 20,000, halos lahat users lang na puwedeng ma-rehabilitate. Hindi naman tinamaan ‘yung malalaking drug lord,” ayon pa sa kanya.
Sinabi niya na ang mga usap-usapan at espekulasyon noon ay "ang ilang high-value suspects ay tinarget upang alisin ang kompetisyon."
Ayon pa sa kanya, may mga ulat din na nag-uugnay sa mga Duterte sa isang malakihang kargamento ng droga noong 2018.
Tinutukoy ni Fernandez ang testimoniyang ibinigay sa Quad Comm ni dating Customs agent Jimmy Guban, na nagsabing si Paolo Duterte, anak ng dating Pangulo at kongresista ng Davao City, ang kanyang bayaw na si Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, at ang kanyang economic adviser na si Michael Yang, na isang Chinese, ay diumano'y nasa likod ng P11-bilyong kargamento ng droga na nasamsam sa Cavite.
Ayon kay Barbers, ang mga drug-related activities na naibunyag ng mga awtoridad sa ilalim ng pamahalaan ni Marcos ay nauugnay sa criminal syndicate na lumakas at lumawak sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.
Binanggit niya ang P6.3-bilyong shabu na nasabat sa isang bodega sa bayan ng Mexico sa Pampanga noong Setyembre 2023, na nauugnay sa ilang mga Chinese na konektado kay Yang.
“Aside from smuggling drugs, they faked documents to obtain Filipino passports and assume Filipino identity, which they used in illegally forming corporations as fronts for offshore gambling and buying large tracts of land and other assets to launder funds,” ayon kay Barbers.
“This crime gang that saw its heydays in the past is still casting a shadow over efforts of the Marcos leadership to stop criminal activities,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Mindanao. (END)
———————-
Hindi bayani o diyos: Duterte salot— solon
Tahasang sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o diyos si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at iginiit na wala itong kapangyarihan upang iabswelto ang mga tiwaling pulis na sangkot sa extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang kampanya kontra droga.
“He is not a hero. He is not God. He is not the law. He is not above the law. He is a plague,” sabi ni Rep. Rolando Valeriano, miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Saad ni Valeriano na dapat pairalin ang batas at panagutin ang mga may sala, sila man ang principals, conspirators, accomplices, o accessories sa krimen.
“It is not up to former president Rodrigo Roa Duterte to determine who are criminally, civilly, and administratively liable for crimes committed during his brutal war on drugs. His acceptance of legal responsibility for the criminal and inhumane war on drugs does not absolve others of liability,” sabi niya.
Grandstanding o pagpapabida lang din aniya ni Duterte nang akuin nito ang responsibilidad sa mga krimen na nagawa ng mga pulis na sumunod sa kaniyang mga utos na udyukan na manlaban ang mga suspek upang mapatay nila ang mga ito.
Ipinunto ni Valeriano na inaasahan ng House Quad Comm ang pangako ng dating Pangulo na dadalo sa pagdinig.
“The House has its own sets of questions intended to unearth the truth and the facts. Our findings and recommendations will be based on evidence. We will forward our findings to the DOJ,” aniya.
Maaari aniyang manguna na ang DOJ o Office of the Ombudsman sa pagtukoy ng pananagutan niya at ang pagtukoy sa probable cause at hayaan ang korte na tukuyin kung guilty siya.
Wala na rin aniya immunity si Duterte mula sa paghahabla dahil hindi na siya pangulo.
“There are no pending criminal cases against the former president, but he does have pending charges before the International Criminal Court. Those ICC charges he will have to face first. It will take a while for either the DOJ or Ombudsman to file criminal charges and to decide whether and how he will be turned over to the Interpol, which implements arrest orders of the ICC,” wika pa niya.
May mga ulat na magpapalabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay Duterte at sa mga pangunahing tagapagpatupad ng madugong giyera kontra droga, kabilang na si dating PNP chief at ngayon ay si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. (END)
———————-
Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez today lauded the Supreme Court for issuing a temporary restraining order (TRO) against further fund transfers to the national treasury by Philhealth.
“This is a victory for health advocates-petitioners, including former Justice Antonio Carpio and Sen. Koko (Aquilino) Pimentel lll, for those who support them and for tens of millions of Philhealth members,” he said.
Since the TRO covers only future transfers, Rodriguez urged President Marcos to direct the national treasurer, Department of Budget and Management and Department of Finance to withhold the use of the P60 billion that Philhealth has remitted to the treasury.
“Let us respect the Supreme Court. The executive branch should await the final decision on the constitutionality of the directive of Finance Secretary Ralph Recto for the national health insurer to remit a total of P89.9 billion to the treasury,” he said.
According to Philhealth, it has turned over P20 billion last May 10, P10 billion on Aug. 21 and P30 billion this month.
Rodriguez said the Supreme Court “was right in protecting the funds of Philhealth members, which should be used only for their benefit and not to finance some hidden projects in the national budget.”
He noted reports that Philhealth’s P89.9 billion was to be used for the “unprogrammed” portion of this year’s national budget.
Under the Constitution, he said unprogrammed appropriations would be available only if there are excess revenue collections or there are loan proceeds.
“Philhealth’s P89.9-billion funds are neither excess revenues or loan proceeds. They are contributions from members and premiums set aside by Congress in the national budget for millions of poor people and senior citizens who cannot afford to pay for their health insurance,” he said.
The Mindanao lawmaker warned executive officials that they might face a new court case if they use the P60 billion in Philhealth funds already transferred to the national treasury.
To preserve the money, Rodriguez supported the health advocates-petitioners’ prayer for the Supreme Court to issue a status quo ante order that would effectively return the fund transfers to Philhealth.
————————
Integridad ng pagdinig ng Senado sa Duterte drug war tagilid sa pagsali nina Bato, Bong Go
Hinamon ng isa sa mga co-chair ng House Quad Committee sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at Sen. Christopher “Bong” Go na mag-inhibit sa pagdinig ng subcommittee ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-imbestiga sa Duterte drug war upang mapanatili ang integridad ng isinasagawang imbestigasyon.
“I am appealing to their sense of delicadeza, since based on the numerous pieces of evidence our Quad Committee has unearthed in its comprehensive inquiry into the anti-drug campaign of the previous administration, they are the principal implementers of the brutal campaign against drugs,” ani Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman of the House Committee on Public Order and Safety, matapos mapanood ang pagdinig ng Senado noong Lunes.
Hinimok ng lider ng Kamara sina Senate President Francis Escudero at Sen. Aquilino Pimentel III na isaalang-alang ang pangangailangan na maging patas at pagdinig.
“We believe in the sense of fairness of SP Escudero and Sen. Pimentel and the impartiality of their investigation. However, we believe that the inquiry will be tainted if Senators dela Rosa and Go continue to get themselves involved in it,” ayon sa mambabatas.
Ipinunto ni Fernandez na si Dela Rosa, bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), ang sinasabing may pangkalahatang responsibilidad sa kampanya, habang si Go, batay sa mga pahayag ng mga retiradong matataas na opisyal ng pulisya, umano ang namahala sa reward system na naguugnay sa mga extrajudicial killings (EJKs), kung saan umaabot sa P1 milyon ang ibinabayad sa bawat pagpatay sa high-value drug suspect.
“In those roles, they are directly or indirectly responsible for the tens of thousands of drug suspects and innocent people, including young children, killed in the course of the Duterte administration’s anti-drug war,” ayon sa kongresista.
Paliwanag ni Fernandez, hindi maasahan ang patas at walang kinikilingang imbestigasyon ng Senado sa presensya nina Dela Rosa at Go.
Binanggit ng kongresista ang mga testimonya ng mga retiradong opisyal ng PNP na sina Jovie Espenido at Royina Garma, na pinagtibay pa ng testimonya ni retired NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo ang umiiral na sistema ng pagbibigay para sa mga pagpaslang, at ang anti-drug campaign ng administrasyong Duterte ay nakabatay sa ‘Davao model,’ ang ipinatupad na war on drugs sa Davao City noong si Duterte ang mayor ng lungsod.
Kapwa rin sinabi nina Garma at Espenido na ang mga pabuya para sa EJK ay dumaan kay Go.
Ayon pa sa salaysay ni Espenido ang reward ay galing sa intelligence at confidential funds, jueteng at iba pang iligal na sugal, mga operator ng Philippine offshore gaming operators, at small-town lotteries ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na dati ring pinamunuan ni Garma.
Si Irmina Espino, na mas kilala bilang “Muking,” isang matagal nang pinagkakatiwalaan ni Go mula sa panahon na siya ang pangunahing aide ni Duterte sa Davao City hanggang sa maging Pangulo si Duterte, ay sinasabing nagpapadala ng pondo para sa mga pabuya sa EJK.
Una na ring pinuri ni Fernandez si Pimentel sa deklarasyon nitong dapat sundan ang ebidensya ng kanyang komite at sa pagkilala sa mga testimonya ng mga saksi at resource persons sa imbestigasyon ng Quad Committee
“These witnesses have tagged Senators dela Rosa and Go as principally responsible for the anti-drug war and the reward system. I am sure that similar accusations will be hurled against them if the Senate invites relevant resource persons,” pagdidiin pa ng kongresista.
Subalit sa pagkakataong ito, ipinagtataka ni Fernandez, kung ano ang nangyayari sa pahayag ni Senador Pimentel na ang imbestigasyon ng kanyang komite ay susunod saanman dalhin ng ebidensya.
“Where will that put Senators dela Rosa and Go? They will of course become senator-accused or senator-suspects,” saad pa nito. (END)
————————
Pag-ako ni Duterte ng responsibilidad sa drug war killings maaaring magbunsod ng lokal, international na pag-usig
Kumbinsido si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na ang walang pag-aalinlangan na pag-ako ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng responsibilidad sa madugong war on drugs ay maaaring magbigay-daan sa lokal at internasyunal na pag-uusig.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senado, inako ni Duterte ang buong responsibilidad sa lahat ng naging aksyon ng pulisya sa kanyang maigting na kampanya kontra droga at iginiit nito na siya lamang ang dapat managot at hindi ang mga opisyal na sumunod sa kanyang mga utos.
Ang 73-taong-gulang na dating Pangulo, na kilala sa kanyang matigas na pananaw sa krimen at madalas na kontrobersyal na pahayag, ay nagdeklara na hindi dapat kuwestyunin ang kanyang patakaran at hindi umano nito pinagsisihan ang kanyang ginawa.
Ayon kay Abante, chairman ng House Committee on Human Rights at bahagi ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killings kaugnay sa drug war campaign ni Duterte, ang pahayag ng dating pangulo ay dapat na suriin ng mabuti at repasuhin ang mga legal na implikasyon nito.
“That recent admission of the former president of responsibility for all the killings under his controversial war on drugs could open the doors for legal action both domestically and internationally like the ICC (International Criminal Court),” ayon sa pahayag ni Abante sa panayam ng media.
“Palagay ko alam naman niya ‘yun,” dagdag pa nito, na nagsasabing nalalaman ni Duterte ang epekto ng kanyang pag-amin.
Sa pagdinig ng Senado, nagbago rin ang pahayag ni Duterte kaugnay ng pag-amin nito sa pagbuo ng seven-man hit squad o ang Davao Death Squad (DDS)- na pinangunahan ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) kabilang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa—noong siya ay alkalde ng Davao City, taliwas sa dati nitong pagtanggi.
Bagama’t hindi niya tuwirang iniutos ang pagpaslang, sinabi ni Duterte na inutusan niya ang mga opisyal na hayaang manlaban ang mga suspek, upang bigyang dahilan ang kanilang pagpatay.
Sa loob ng anim na taong termino ni Duterte, isinagawa ang malawakang kampanya laban sa droga na nagresulta sa libu-libong pagkamatay, na nagdulot ng mga pagkondena mula sa local at international group.
Iginiit ni Abante na ang mga pahayag ni Duterte ay nagbibigay ng sapat na batayan sa mga ahensya tulad ng Department of Justice (DoJ), Office of the Ombudsman, at iba pang mga kaugnay na awtoridad na magsimula ng paunang imbestigasyon.
“Meron nang illegal issues ‘yung pronouncement ng ating [dating] Pangulo and we owe it to the Filipino people to pursue justice without any fear or favor,” saad pa nito.
Nang tanungin kung ang pahayag ni Duterte lamang ay sapat na upang bigyang-katuwiran ang mga legal na hakbang, sumagot si Abante, “I believe so.”
Hinimok din ng mambabatas ang justice system ng Pilipinas na kumilos nang walang kinikilangan, na sinabing “I do realize that the former president is getting quite old… but still he cannot get away from the responsibility, accountability of his actions.”
Tinukoy din ni Abante ang pahayag ni Duterte na ang kampanya ay layuning protektahan ang mga inosente, sa kabila ng malagim na epekto nito sa mga sibilyan.
“I think we can all agree that the country would benefit from a serious campaign against illegal drugs. Unfortunately and tragically, based on the hearing of the House Committee on Human Rights and the Quad Comm hearings, this war on illegal drugs claimed thousands of innocent lives,” ayon kay Abante.
Kaugnay nito, muli ring inimbitahan ni Abante si Duterte na dumalo rin sa isinasagawang Quad Comm investigation ng Kamara, upang doon din ipaliwanag ang kaniyang panig.
“Magandang marinig ang panig ni PRRD pero sana may opportunity din na tayo’y tanungin sya tungkol sa mga direktibo nya, it’s very important. Kaya po I reiterate our invitation to PRRD to go to the House and appear before the Quad Comm,” saad pa ng mambabatas.
Bilang tugon sa pahayag ni Duterte na hindi niya kailanman pinahintulutan ang pang-aabuso ng pulisya o militar, sinabi ni Abante ang mga pampublikong pahayag ni Duterte na "kill, kill" ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga pulis sa pagpaslang.
“Well that would be a normal statement that can be said by any leader pero nakita naman natin ‘yung kanyang mga pronouncements na patayin, patayin. Ilang beses niyang sinabi ‘yan,” puna pa ni Abante.
Dagdag pa ng kongresista: “You know, I’m not against the war on drugs, I’m all in favor of it. Pero palagay ko naman sa napakaraming napatay at napakaraming napatay na mistaken identity at maraming napatay na drug user lamang hindi mga drug pushers, that is something to really investigate na na-embolden ang mga kapulisan natin sa ilang mga pronouncements ng ating dating pangulo kahit na sinabi niya na ayaw niyang nag-aabuso.” (END)
————————
Pag-amin ni Duterte sa pagdinig ng Senado isang “legally actionable wrong”
Para sa chairman ng House Committee on Human Rights ang ginawang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Senado kaugnay ng madugong war on drugs campaign ng kanyang administrasyon ay isang “legally actionable wrong.”
Ayon kay Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., isa ring chairman rin ng House Quad Committee, ang pag-ako ni Duterte sa responsibilidad ay nagbubukas ng daan sa mga otoridad upang ikonsidera ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
“Duterte has committed to take responsibility and face the consequences of these acts as mandated by our laws. It is now up to the proper authorities to consider this statement carefully and ascertain the criminal liability of the responsible individuals, whether under the concept of command responsibility or conspiracy,” sabi ni Abante.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Duterte na inaako nito ang responsibilidad sa mga naging aksyon ng mga pulis sa pagpapatupad ng kanyang war on drugs.
Ayon kay Abante, ang pag-amin ni Duterte ay maaaring magamit laban sa kanya upang mapanagot sa ilalim ng Republic Act No. 9851, o ang“Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.”
Ipinaliwanag ni Abante na sa ilalim ng RA 9851 ay nakasaad ang prinsipyo ng command responsibility kung saan maaaring papanagutin ang isang opisyal sa mga nagawa ng kanyang mga tauhan.
“The killings under former President Duterte’s so-called ‘war on drugs’ meet all the elements of Willful Killing as a Crime Against Humanity under Section 6 of RA 9851,” paliwanag ni Abante.
“The facts are clear … willful killings affected thousands of civilians, with the International Criminal Court estimating between 12,000 and 30,000 deaths between July 2016 and March 2019 alone,” dagdag pa nito.
Ipinunto ni Abante na ang mga pinaslang ay mga suspek o pinaghihinalaan pa lamang at ang pagpatay ay bahagi ng sistematikong kampanya.
“Former President Rodrigo Duterte himself took responsibility for the ‘shortcomings’ of his administration’s war on drugs. ‘Shortcomings’ that led to the deaths of thousands of innocent men, women and children,” saad ni Abante.
“In speaking directly about the extrajudicial killings perpetrated during the war on drugs, Duterte admitted, under oath, that he ‘alone takes full legal responsibility’ for the actions of his subordinates,” wika pa nito.
Sinabi ni Abante na hindi maaaring balewalain ang mga sinabi ni Duterte sa pagdinig ng Senado kung saan nanumpa ito na magsasabi ng katotohanan.
“These killings were executed under a State or organizational policy, namely, the anti-drug campaign of former President Duterte, which included a national system of rewards within the police hierarchy,” saad pa nito.
“Duterte’s admission in the Senate hearing, made spontaneously and as an admission against interest, is binding upon him,” dagdag pa nito.
Nagpahayag din si Abante ng pagkadismaya sa mistulang “shocking normalization of brutality.”
“Carelessly worded statements posted on Facebook by a normal citizen are called rants; carelessly worded statements spoken by a president are called policy,” saad pa nito.
Ayon kay Abante ang pagdinig ng Senado ay nagsilbi ring plataporma kay Duterte upang bigyang katwiran ang kanyang kampanya kontra droga.
“Mga kababayan, yesterday (Monday) we also saw how the former president was given a platform to rewrite history, to gaslight the nation by justifying acts that led to the deaths of thousands,” sabi pa ni Abante.
“We will not be swayed by these tactics, nor will we be deterred from seeking accountability. We are committed to ensuring that the victims of the war on drugs receive justice,” dagdag pa nito.
“The former president may attempt to dodge responsibility, but we will work tirelessly to hold him accountable for the lives lost, the families shattered, and the trust broken under his administration.” (END)
————————
Chairman Abante: Duterte dapat managot sa crimes against humanity
Matapos ang pag-ako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa responsibilidad sa kanyang war on drugs, nanawagan ang isang lider ng Kamara de Representantes na dapat itong managot sa crimes against humanity.
Ayon kay House Quad Comm co-chair Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr., sa ilalim ng Republic Act No. (RA) 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, pasok si Duterte sa elemento ng command responsibility para sa crimes against humanity.
“When a leader knowingly permits the slaughter of civilians under his watch, and when he admits that he bears responsibility, it is an inescapable truth: he is criminally liable,” giit ni Abante.
Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, inako ni Duterte ang legal na pananagutan sa mga ginawa ng mga pulis kaugnay ng kanyang war on drugs kung saan tinatayang 12,000 hanggang 30,000 Pilipino ang nasawi.
“This is not a case of semantics or vague responsibility – this is a direct admission from the former President himself. By publicly taking full responsibility for the thousands of extrajudicial killings that plagued our nation during his term, Duterte has admitted to a level of command responsibility that the law considers criminal,” punto pa ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights.
Sa ilalim ng Section 10 ng RA 9851 ay nakasaad ang prinsipyo ng command responsibility kung saan pinapanagot ang opisyal sa mga nagawa ng kanyang mga tauhan.
Sinabi ni Abante na pasok din ang mga naging pagpatay kaugnay ng drug war sa crime against humanity batay sa RA 9851.
"First, it involved the willful killings affected thousands of civilians. Second, the victims were primarily civilians, suspected by police authorities to be involved in drug-related activities. Third, these killings occurred in a widespread, systematic attack across various cities, municipalities, and provinces throughout the Philippines. And fourth, these killings were executed under a State or organizational policy, namely, the anti-drug campaign of former the former president, which included a national system of rewards within the police hierarchy,” sabi ng solon.
Sinabi ni Abante na magagamit din ng International Criminal Court (ICC) ang mga naging pahayag ni Duterte sa pagdinig ng Senado, kung saan nanumpa ito na magsasabi ng totoo.
“We have taken one step closer to holding Duterte accountable, but this is not the end. I urge our justice system to respond swiftly, to file charges, to conduct investigations, and to ensure that justice is served. The blood of thousands cries out for justice, and we owe it to every Filipino to answer that call,” saad ng mambabatas.
“Today, Duterte stands alone as the commander of this campaign of carnage. Let this be a warning to any leader who thinks they can wield power with impunity: the law will catch up with you, and justice will prevail,” dagdag pa nito. (END)
————————
Justice system sa bansa patunayang gumagana: Duterte at iba pang sangkot sa EJK, kasuhan— Rep Acidre
Iginiit ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre ang kahalagahan na makasuhan ang lahat ng opisyal ng nakaraang administrasyon na sangkot sa war on drugs campaign, kasama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa oras na makakalap ng sapat na ebidensya kaugnay ng state-sponsored executions.
Ipinunto ni Acidre na responsibilidad ng estado at ng mga opisyal ng gobyerno na papanagutin ang mga lumabag sa batas, kahit na ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa gobyerno noon.
“The wheels of justice must take its due course. Charges must then be filed, and if proven guilty, Rodrigo Duterte must go to jail,” giit ni Acidre. “We must not set this evidence aside, or keep a blind eye to violations of our laws that were made as state policy.”
“The Philippines is not a ‘no man’s land’ where there are no laws and accountabilities. We are a democratic country run by a rule of law, which is the very basic foundation of our government,” paliwanag pa ni Acidre
Sabi naman ni Lanao del Sur Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na ang ating bansa ay nasasakop ng batas at hindi ng indibidwal na mayroong impluwensya, na ibig sabihin ay walang sinoman ang nakakataas sa batas, anoman ang kanilang katayuan sa lipunan.
“This admission should galvanize us to reinforce our commitment to justice and human rights. We owe it to the victims and to the Filipino people to prove that our institutions can and will deliver justice,” giit ni Dimaporo, chairman of the House Committee on Muslim Affairs, matapos akuin ni dating Pangulong Duterte sa imbestigasyon ng Senado ang responsibilidad sa madugong giyera kontra iligal na droga.
Sabi pa ng Muslim solon, kailangan na magkaroon ng nagkakaisang posisyon pagdating sa karapatang pantao.
Muli naman iginiit ni Acidre, tagapangulo ng House Committee on Overseas Workers Affairs, na mandato nilang panagutin ang mga sangkot na indibidwal, sila man ay ibinoto o itinalagang opisyal o ordinaryong mamamayan
“The problem in the drug war of the previous administration is very clear: Instead of being fair and just, the policy became harsh and bloody. This policy violated human rights under our 1987 Constitution,” saad ni Acidre
“The result: We veered away from the path to justice, and this policy claimed the innocent lives of our people, including young ones,” ani Acidre. “The problem lies in the implementation of the policy of the past administration’s war against drugs.” (END)
—————————-
DOJ, Ombudsman hinimok pag-aralan pagsasampa ng kaso vs PRRD matapos umamin sa Senado
Hinimok ni House Quad Committee Co-chair Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman (OMB) na pag-aralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inako ang buong responsibilidad sa mga pagpatay sa pagpapatupad ng war on drugs campaign.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Duterte sa kanyang opening speech na kanyang inaako ang buong legal na responsibilidad “Sa lahat ng nagawa ng pulis pursuant to my order, ako ang managot at makulong.”
Ayon kay Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, ang pahayag ni Duterte sa Senado ay maaaring magbigay daan sa imbestigasyon ng DOJ at OMB.
"The House Quad Comm has already unearthed evidence and testimony that bolster allegations that the victims of the war on drugs were innocent, na sila ay biktima ng isang kampanya na binigay ng basbas ng Malacañang," sabi ng mambabatas.
"We have testimony that shows that the president issued directives and gave the green light to a reward system that led to the death of innocents. If the former president says that he is taking responsibility for the illegal and fatal acts of law enforcement during his administration, then he should be held accountable.”
Ayon kay Abante ang mga pahayag ni Duterte ay maaaring magamit sa korte sa bansa at international court kasama ang International Criminal Court (ICC).
Iginiit ni Abante na ipinagbabawal ng batas ng Pilipinas ang pagpatay at extrajudicial killings at wala na umanong aasahan si Duterte na proteksyon laban sa imbestigasyon at prosekusyon.
“While he was President, the law and political considerations protected him. But now, this admission might be seen as enough basis for both Philippine and ICC prosecutors to hold him accountable,” paliwanag ni Abante.
Maaari umanong gamitin ng ICC ang pahayag ni Duterte na mayroong sistematikong aksyon laban sa mga drug offender.
Bagamat kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019, sinabi ni Abante na nananatiling mayroong hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas sa mga nangyari bago ang pagkalas ng bansa.
“PRRD’s admission should be taken seriously by both Philippine authorities and the international community. This is a crucial opportunity to reaffirm our commitment to human rights, justice, and the rule of law,” giit ni Abante.
“The legal basis is there. We owe it to the victims and the Filipino people to pursue justice without fear or favor." (END)
———————-
Quad Comm co-chairman urges DOJ, OMB to study legal action vs. PRRD following admission in Senate inquiry
HOUSE Quad Committee Co-chair Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. on Monday urged the Department of Justice (DOJ) and Office of the Ombudsman (OMB) to study the filing of appropriate charges against former President Rodrigo Roa Duterte’s following his recent admission of responsibility for the killings in connection with his administration's controversial war on drugs.
At th Senate, the former president said in his opening statement that for the "successes and shortcomings" of his administration's war on drugs, "I alone take full legal responsibility... Sa lahat ng nagawa ng pulis pursuant to my order, ako ang managot at makulong."
Abante, chairman of the House Committee on Human Rights, emphasized that Duterte’s statement during his testimony at the Senate could pave the way for investigations by the DOJ and OMB.
"The House Quad Comm has already unearthed evidence and testimony that bolster allegations that the victims of the war on drugs were innocent, na sila ay biktima ng isang kampanya na binigay ng basbas ng Malacañang," said the lawmaker.
"We have testimony that shows that the president issued directives and gave the green light to a reward system that led to the death of innocents. If the former president says that he is taking responsibility for the illegal and fatal acts of law enforcement during his administration, then he should be held accountable."
According to Abante, Duterte’s admission could implicate him in both Philippine and international courts, including the International Criminal Court (ICC).
Abante noted that Philippine law prohibits murder and extrajudicial killings and warned that Duterte may no longer be shielded from investigation and prosecution.
“While he was President, the law and political considerations protected him. But now, this admission might be seen as enough basis for both Philippine and ICC prosecutors to hold him accountable,” Abante explained.
The ICC, which had initiated a preliminary examination of the anti-drug campaign, could potentially interpret Duterte’s statements as an endorsement of systematic actions against alleged drug offenders, a potential crime against humanity.
Although the Philippines withdrew from the Rome Statute in 2019, Abante pointed out that the court retains jurisdiction over incidents committed before this date, covering a considerable period during Duterte’s administration.
“PRRD's admission should be taken seriously by both Philippine authorities and the international community. This is a crucial opportunity to reaffirm our commitment to human rights, justice, and the rule of law,” stressed Abante.
“The legal basis is there. We owe it to the victims and the Filipino people to pursue justice without fear or favor." (END)
————————-
Dating Pangulong Duterte dapat makulong kaugnay ng EJK sa drug war
Matapos akuin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong responsibilidad sa mga naganap na pagpatay sa pagpapatupad ng war on drugs campaign nito, iginiit ng mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na dapat harapin ng dating Pangulo ang pananagutan sa ilalim ng batas.
Ito ang naging reaksyon ni Deputy Majority Leader Jude Acidre sa naging pahayag ni Duterte sa imbestigasyon ng Senado.
“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths,” sabi ni Acidre. “If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. He must go to jail for these EJKs. This is not about politics; it’s about justice.”
Ayon kay Acidre, walang sinuman, partikular na ang mga nasa posisyon ng kapangyarihan, ang dapat makaligtas sa pananagutan sa ilalim ng batas. “Duterte’s words have given the justice system a clear mandate to act,” giit pa ni Acidre. “As public servants, our duty is to uphold justice—not to shield individuals. Duterte must face the legal consequences for his actions.”
Sinegundahan naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ang paninindigan ni Acidre, at tinawag itong isang mahalagang sandali para sa Pilipinas. “Duterte’s admission offers an opportunity to reaffirm our nation’s commitment to the rule of law,” ayon kay Khonghun.
“This is a critical time for our institutions to show their strength by pursuing the legal accountability that so many families have waited for,” dagdag pa nito.
Binigyang-diin naman ni House Assistant Majority Leader Mika Suansing ang tungkulin ng mga institusyon ng pamahalaan sa pagtitiyak na ang katarungan ay naipapatupad.
“Our judiciary and investigative bodies now have a duty to act on this admission,” ayon kay Suansing. “The former President’s own words must be met with a serious response. For too long, victims of EJKs have waited for answers.”
Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, isang abogado, ang Department of Justice at Office of the Ombudsman na simulan ang isang masusing imbestigasyon.
“We cannot ignore such an admission,” saad pa ni Suan. “These institutions must act decisively and transparently to restore faith in our justice system.”
Sa panig naman ni House Assistant Majority Leader Paolo Ortega, sinabi nitong ang posibilidad na gampanan ng International Criminal Court (ICC) ang mahalagang tungkulin kung hindi kikilos ang mga lokal na awtoridad. “If Philippine authorities do not act, the ICC could be a crucial avenue for justice,” saad pa ni Ortega. “We must ensure accountability for the lives lost and demonstrate that no one is above the law.”
Sa nagkakaisang pahayag, nanawagan ang Young Guns ng Kamara de Representantes sa justice system ng bansa na gamitin ang pagkakataong ito at kumilos nang walang takot o pinapaboran.
“Duterte’s admission has removed any ambiguity,” giit pa ni Acidre kasama ang Young Guns. “Our nation is at a crucial juncture, and the path forward is clear: Duterte must answer to the law. Let this be the moment where we stand firm for justice, dignity, and the lives lost.” (END)
————————-
Malinaw ang mga naging problema ay nasa paraan ng pagpapatupad ng mga polisiya ng nakaraang administrasyon ukol sa pagsugpo ng illegal na droga. Sa halip na maging patas at makatarungan, naging marahas at madugo ito. Lumabag ito sa karapatang pantao at sa ating Saligang Batas. Ang resulta: nalihis tayo sa landas ng hustisya, at nagresulta ng maraming nakitil na inosenteng buhay.
Responsibilidad natin bilang bayan na papanagutin ang mga nagkamali, kabilang ang mga nasa pinakamataas na antas ng pamahalaan—kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Dapat hayaan nating umikot ang gulong ng hustisya. Kung mapatunayang may sala, dapat lamang na makulong si Rodrigo Duterte.
Hindi natin maaaring ipagwalang bahala o ipikit ang ating nga mata sa mga pagkukulang ng ganitong uri ng pamamahala. Ang Pilipinas ay hindi isang ‘no man’s land’—hindi ito lugar na walang batas at pananagutan. Tayo’y isang bansang itinayo sa demokrasya at pinapatakbo sa ilalim ng rule of law—ang saligan ng ating demokratikong lipunan.
Sa ilalim ng demokrasya, ang bawat hakbang ng pamahalaan ay dapat na sumusunod sa tamang proseso at ang bawat mamamayan—anuman ang katayuan—ay may karapatang marinig at mabigyan ng katarungan. Dahil dito, hindi puwedeng palampasin ang mga naging pagkakamali. Kailangang siguraduhin na ang mga nagkasala ay mananagot upang maibalik natin ang tiwala ng bayan at maitutuwid ang ating landas tungo sa isang mas makatao at makatarungang pamahalaan.
The wheels of justice must take its due course. Charges must then be filed, and if proven guilty, Rodrigo Duterte must go to jail. (END)
————————-
Young Guns: Duterte must go to jail for EJKs
FOLLOWING former President Rodrigo Roa Duterte’s admission of full legal responsibility for killings under his war on drugs during the Senate inquiry, the Young Guns of the House of Representatives on Monday demanded that Duterte face the full force of the law and go to jail for the extrajudicial killings (EJKs) committed during his administration.
Deputy Majority Leader Jude Acidre voiced a scathing response to Duterte’s statement, underscoring that his admission leaves no room for leniency.
“The former President has publicly accepted responsibility for these deaths,” Acidre stated. “If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable. He must go to jail for these EJKs. This is not about politics; it’s about justice.”
Acidre stressed that no one, especially those in positions of power, should be immune from legal consequences. “Duterte’s words have given the justice system a clear mandate to act,” Acidre emphasized. “As public servants, our duty is to uphold justice—not to shield individuals. Duterte must face the legal consequences for his actions.”
House Assistant Majority Leader Jay Khonghun echoed Acidre’s stance, calling this a pivotal moment for the Philippines. “Duterte’s admission offers an opportunity to reaffirm our nation’s commitment to the rule of law,” Khonghun said.
“This is a critical time for our institutions to show their strength by pursuing the legal accountability that so many families have waited for.”
House Assistant Majority Leader Mika Suansing highlighted the role of government institutions in ensuring that justice is upheld. “Our judiciary and investigative bodies now have a duty to act on this admission,” Suansing declared. “The former President’s own words must be met with a serious response. For too long, victims of EJKs have waited for answers.”
Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, a lawyer, called on the Department of Justice and the Office of the Ombudsman to initiate a full investigation. “We cannot ignore such an admission,” Suansing insisted. “These institutions must act decisively and transparently to restore faith in our justice system.”
House Assistant Majority Leader Paolo Ortega underscored the potential role of the International Criminal Court (ICC) should domestic avenues fail. “If Philippine authorities do not act, the ICC could be a crucial avenue for justice,” Ortega remarked. “We must ensure accountability for the lives lost and demonstrate that no one is above the law.”
In a unified statement, the Young Guns concluded by urging the justice system to seize this moment and act without fear or favor.
“Duterte’s admission has removed any ambiguity,” Acidre asserted on behalf of the group. “Our nation is at a crucial juncture, and the path forward is clear: Duterte must answer to the law. Let this be the moment where we stand firm for justice, dignity, and the lives lost.” (END)
————————-
Speaker Romualdez nagpasalamat sa Singapore sa pagpapaabot ng tulong sa mga biktimang bagyong Kristine
Nagpahayag ng taos pusong pasasalamat si Speaker Martin Romualdez sa gobyerno ng Singapore sa tulong na ipinaabot ng pamahalaan nito sa mga biktima ng bagyong Kristine, partikular ang mahalagang papel ng Singaporean Air Force sa paghahatid ng tulong para sa mga pinakamalubhang nasalantang komunidad.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez sina Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Ambassador to the Philippines Constance See sa pagpapagamit ng C-130 aircraft para makapaghatid ng tulong sa libu-libong pamilyang Pilipino na sinalanta ng bagyo na nagdulot na malawakang pinsala sa buong Pilipinas.
“Nagpapasalamat kami sa pamahalaan ng Singapore, lalo na kay President Tharman Shanmugaratnam at sa kanilang embahadora dito sa Pilipinas, si Ambassador Constance See, para sa kanilang maagap na pagtulong sa ating bansa,” ani Speaker Romualdez.
“Ang tulong na kanilang ipinadala, lalo na ang C-130 aircraft mula sa Singapore Air Force, ay magagamit natin sa mabilis na paghahatid ng relief goods sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.
Nagpadala ang Singapore Armed Forces (SAF) ng C-130 transport aircraft para tumulong sa pahahatid ng humanitarian aid supplies, partikular sa Bicol region, na isa sa pinaka tinamaan ng bagyong Kristine.
Ayon kay Speaker Romualdez ipinapakita nito ang matatag na ugnayang bilateral ng Singapore at Pilipinas at binibigyang halaga ang kooperasyong pang-rehiyon sa panahon ng krisis.
Malaking tulong ang Speaker Romualdez ang ibinigay ng Singapore para mapalakas ang relief operations ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Kamara katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno.
“We truly appreciate this gesture. Singapore is a true friend of the Philippines,” saad ng lider ng Kamara mula Leyte.
Aktibong nakikibahagi ang Kamara sa pagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta, kung saan una nang ipinahanda ang P411 milyong halaga ng tulong pinansyal sa 22 distrito at apat na party-list groups na apektado ng bagyo.
Nagpahanda rin ng 2,500 relief pack ang Office of the Speaker at Tingog Party-list para sa mga biktima.
Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez ang importansya ng international support sa pagtugon sa malawak na pinsalang dulot ng bagyong Kristine kung saan may 2.6 milyong katao ang apektado.
“Hindi biro ang pinsalang idinulot ng bagyong ito. Ang tulong mula sa mga kaalyadong bansa tulad ng Singapore ay nagbibigay-lakas sa ating bayanihan spirit na magtulungan at magkapit-bisig sa pagbangon,” sabi pa ng lider ng Kamara.
Tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na nananatiling nakasuporta ang Kamara sa recovery at rebuilding efforts ng pamahalaan.
“Hindi po kami titigil hangga’t hindi nakakaabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Tinitiyak po namin na ang tulong pinansyal at relief goods ay makakarating sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan,” paglalahad niya.
Una nang naglunsad ang Ako Bicol Party-list, katuwang si Speaker Romualdez ng malawakang relief at rescue operations sa buong Bicol kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Tumugon din si Speaker Romualdez sa panawagan ng Ako Bicol para sa 20 motor boats, outboard motors at kinakailangang rescue equipment na naipadala sa pmamagitan ng C130 military aircraft at relief goods.
Dumating ang mga rubber boat sa kasagsagan ng search and rescue oepration sa Bicol kung saan kasama rin ang life vests, life buoys, traction ropes, at rope throwing bags para mapalakas ang pagsaklolo ng lokal na pamahalaan.
“These tools were vital as we faced severe flooding that displaced thousands of our kababayans,” sabi ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co. “We are deeply grateful for Speaker Romualdez’s prompt action.”
Kinilala din ni Speaker Romualdez ang mabilis na aksyon ng Kamara sa pagtugon sa pagtugon sa krisis kung saan nakapag palabas na ng halos P500 milyong tulong sa mga komonidad na apektado ng bagyo na pagpapakita ng kakayanan ng institusyon na umaksyon sa panahon ng kalamidad. (END)
————————-
Chua: 2 posibleng batayan ng impeachment vs VP Sara kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggamit ng confidential funds nasilip
Dalawa ang nakikitang batayan ng House Committee on Good Government and Public Accountability na maaaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, bagama’t ang imbestigasyon ay isinagawa para makalikha ng bagong batas upang mas maging malinaw kung papaano ginagamit ang pondo ng gobyerno nakakita rin ang komite ng mga maaaring batayan sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte gaya ng graft and corruption at betrayal of public trust.
Sa isang panayam, sinagot ni Chua ang paratang ni Duterte na ginagawa ng kanyang komite ay isa lamang “fishing expedition” na naglalayong sirain lamang siya dahil sa pulitika.
“Well, in the first place, ginawa naman po ito not for the purpose of impeaching her. Ang purpose naman po rito ay in aid of legislation,” paliwanag ni Chua.
Aniya, ang mga natuklasan—gaya ng paggastos ng P125 milyong confidential funds ng OVP na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022 ay sapat na upang magdulot ng mga pagdududa kung tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.
“Na-shock po ang lahat sa P125 million na nagastos in 11 days. At may lumabas nga po na findings ang COA (Commission on Audit) na nag-issue ng Notice of Disallowance (ND),” saad pa nito.
Noong Agosto, naglabas ang COA ng Notice of Disallowance (ND) kaugnay ng kuwestyunableng paggamit ng P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022. Nangangahulugan ito na hindi nabigyang katwiran at napatunayan ng OVP na tama ang ginawa nitong paggastos.
Ang tanggapan ni Duterte ay nakatanggap din ng P500 milyon sa confidential fund noong 2023 at sa halagang ito ay P375 milyon ang nagastos sa unang tatlong quarter ng taon. Hindi na ginamit ng OVP ang nalalabing P125 milyon para sa ikaapat na quarter ng 2023.
Nakitaan din ng COA ng irregularidad ang ilan sa paggamit ng pondong ito kaya naglabas ito ng Audit Observation Memorandums at binigyan ng pagkakataon ang OVP na ipaliwanag ang ginawa nitong paggastos.
Sa gitna ng mga pagbatikos kaugnay sa mabilis na paggastos ng P125 milyon noong huling bahagi ng 2022, hindi na binigyan ng confidential ng Kongreso ang OVP para sa 2024.
Ayon kay Chua, maaaring maharap ang Bise Presidente sa impeachment dahil sa katiwalian at korapsyon, dahil sa mga hindi maipaliwanag na isyu tulad ng P15 milyon sa confidential funds ng DepEd na ginamit umano sa pagbabayad ng reward sa mga impormante at P16 milyon na ginastos ng OVP sa pagbabayad ng renta ng mga safe house sa loob ng 11 araw noong 2022.
“Pare-parehas po tayong nagtatanong kung saan napunta ‘yung P15 million. May certification, sine-certify pero inamin naman ng Army na hindi sa kanila napunta, walang dinownload. Ngayon ang tanong—saan napunta? ‘Yung P1 million na rental for safe houses, walang detalye. Hindi po natin alam kung totoo nga pong nagamit sa rentals,” punto pa ni Chua.
Tinukoy ni Chua ang mga natuklasan ng komite na ang DepEd, sa ilalim ng pamumuno ni Duterte, na sinabing ginamit nito ang mga CIFs para sa Youth Leadership Summit, gayung karamihan sa mga gastos ay mula sa pondo ng Philippine Army at mga lokal na pamahalaan.
Sa testimonya ng apat na opisyal ng militar, sinabi ng mga ito na hindi nila ginamit ang confidential fund ng DepEd sa Youth Leadership Summits noong 2023. Gayunpaman, ginamit ng DepEd na pinamumunuan ni Duterte ang mga sertipikasyong inilabas ng mga opisyal upang bigyang-katwiran ang P15 milyon sa CIFs na umano’y inilaan para sa mga bayad sa mga impormante.
Sa nakalipas na pagdinig ng komite, ikinagulat ng mga mambabatas ang paggamit ng OVP ng P16 milyon sa confidential fund nito sa pagrenta ng 34 na safe house sa loob ng 11 araw. Kabilang dito ang isang safe house na nirentahan ng P91,000 kada araw, na talo pa ang renta sa isang luxury hotel.
Ayon sa mga rekord, ang OVP ay nagbayad ng halagang mula P250,000 hanggang P1 milyon sa bawat safe house mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022. Ang mga inupahang ito, na nakadetalye sa liquidation report ng OVP sa COA, ay bahagi ng P125 milyon sa coinfidential fund ng OVP noong 2022.
Ang paggastos ay pinatunayan gamit ang mga acknowledgment receipts na walang lagda at hindi malinaw kung sino ang tumanggap ng bayad at kung anong klaseng safehouse ang nirentahan.
Ipinunto pa ni Chua na ang mga aksyon ni Duterte ay maaaring ituring na pagtataksil sa tiwala ng publiko, partikular sa nakikitang maling paggamit ng pondo na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.
“Ito pong ginagawa niya hindi pa ba betrayal of public trust? Pinagkatiwalaan ka ng pondo tapos di ka sumusunod, ‘di ba? Hindi mo ginamit ‘yung pondo para sa ayos,” giit pa ng mambabatas.
Gayunpaman, nilinaw niya na ang layunin ng komite ay hindi ang magsagawa ng impeachment kundi ang talakayin ang mga posibleng reporma sa batas.
“Well, hindi naman ito nag-emanate sa impeachment. Right from the very beginning siya (Duterte) lang naman nagbabanggit. Eh ako naman po ginagawa ko lamang ang trabaho ko dahil ito ay ni-refer sa aking committee,” paliwanag ni Chua.
Bagamat hindi nagbigay si Chua ng tiyak na pahayag na ang impeachment ay hindi maiiwasan, inamin niyang ang mga natuklasan ay maaaring magsilbing batayan para sa ganitong hakbang.
“Kung ganito ang pagbabasehan natin, pwedeng may grounds. But siyempre ayaw po natin mag-conclude pa,” ayon pa sa kongresista, binanggit din nito na may pagkakataon pa si Duterte na pabulaanan ang mga akusasyon. (END)
—————————
Ako Bicol, Speaker Romualdez pinangunahan pagtulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Bicolandia
Nanguna ang Ako Bicol Party-List, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa paglulungsad ng isang malawak na relief and rescue operation sa Bicol region sa kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Agad na tumugon si Speaker Romualdez sa panawagan ng Ako Bicol at nagpadala ng 20 rubber boat, outboard motor, at iba pang mahalagang rescue equipment na inihatid ng C130 military aircraft.
Dumating ang mga kagamitan, kasama ang mga life vest, life buoy, traction rope, at rope throwing bags sa kasagsagan ng isinasagawang search and rescue operations sa Bicol kaya nakatulong oito sa mga lokal na mga rescue operations.
“These tools were vital as we faced severe flooding that displaced thousands of our kababayans,” ani Ako Bicol Rep. Zaldy Co. “We are deeply grateful for Speaker Romualdez’s prompt action.”
Ang mga rescue equipment ay ipinagamit sa mga pangunahing ahensya kasama ang lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, 9th Infantry Division, Philippine Coast Guard, at PNP Maritime Group, upang mapataas ang kanilang kakayanan na makapagligtas ng buhay.
Namahagi naman ang Ako Bicol Party-List ng mahigit 18,000 food packs sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kung saan 12,218 ang galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at 5,793 ang galing sa pondo ng party-list group.
Nakarating ang pamimigay sa 19 na barangay sa Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.
Nagpadala rin ang Ako Bicol ng 500 kumot at 2,000 modular evacuation tents upang tulungan ang mga residente na nawalan ng matutuluyan.
Binigyan din ng mainit na pagkain at tubig na maiinom ang mahigit 800 katao, kasama ang 20 pamilya sa Malilipot, 500 indibidwal sa Tabaco Port, at 642 sa iba’t ibang lugar sa Sorsogon.
Naghanap din ang Ako Bicol ng mga heavy equipment gaya ng bulldozer, backhoe, at dump trucks na magagamit sa paglinis ng mga kalsadang hindi madaanan gaya ng Sagnay-Tiwi road upang maging mabilis ang isinasagawang relief operation. (END)
————————
Chairman Fernandez: Kongreso walang inilaang pondo para sa pagsasagawa ng EJK sa ilalim ng Duterte drug war
Walang inilaang pondo ang Kongreso para bigyan ng reward ang mga pulis na pumatay ng drug suspek.
Ayon kay Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, bagamat naglaan ang mga nakaraang Kongreso para sa pagpapatupad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte walang inilaan para gantimpalaan ng pamahalaan ang mga pulis at vigilante na nasa likod ng extrajudicial killings.
“No cash to kill! There is no line item budget for murder. Walang pong pondo para pumatay ng walang kalaban-labang mga tao. Congress provided the necessary resources to fight the drug menace, not to fund a cash reward system that encouraged the killing of individuals without due process,” ani Fernandez.
Iginiit ni Fernandez na ang pondo na inilaan ng mga nakaraang Kongreso sa war on drugs campaign ay para matugunan ang problema kaugnay ng iligal na droga at mabawasan ang krimen at hindi para gumawa ng mga hakbang na labag sa batas.
“Let it be clear—Congress provided billions of pesos in resources to combat the scourge of illegal drugs, but at no point did the national budget authorize funds for EJKs,” sabi ni Fernandez.
Sa dalawang affidavit na isinumite ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa House quad committee kinumpirma nito na mayroong reward system sa war on drugs ni Duterte kung saan binibigyan ng pabuya ang mga nakakapatay ng mga isinasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Garma ang war on drugs campaign ay mula sa tinatawag na Davao Model na siyang ginamit ni Duterte sa Davao City noong siya ang alkalde ng lungsod.
Sa kanyang unang affidavit, sinabi ni Garma ang kaibigan ni Duterte na si Sen. Christopher “Bong” Go ang siyang nangangasiwa at nakikipag-ugnayan sa reward-driven anti-drug campaign.
Ayon kay Garma, isang retiradong police colonel, ang reward ay nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P1 milyon depende sa target.
Sa kanyang ikalawang affidavit, kinumpirma naman noi Garma na mayroong Davao Death Squad o DDS, ang grupo ng mga pulis at rebel returnee na nagsasagawa ng pagpatay sa Davao.
Ang mga pahayag ni Garma ay kinumpirma naman ni dating National Police Commission Commissioner Edilberto Leonardo, na inirekomenda ni Garma kay Duterte upang ipatupad sa buong bansa ang Davao Model.
Bago nagsalita si Garma, humarap sa pagdinig ni retired Police Lt. Col. Jovie Espenido, na itinuturing na poster boy ng Duterte drug war at isiniwalat ang reward system.
Ayon kay Espenido galing ang pera na ibinibigay na reward sa jueteng at iba pang iligal na sugal, Philippine offshore gaming operators o POGO, intelligence funds, at kita mula sa small town lottery ng PCSO.
Sinabi ni Espenido na dumadaloy ang pera mula sa lebel ni Bong Go pababa sa mga pulis.
Sa isa sa mga pagdinig, sinabi ni House Deputy Minority Leader atACT Teachers Rep. France Castro na hindi imposible na ginamit na reward ang confidential at intelligence fund ni Duterte na siyang dahilan kung bakit bilyun-bilyon ang hinihingi nito taun-taon mula 2017 hanggang 2022.
Iginiit ni Fernandez na bagamat suportado ng Kongreso ang war on drugs ni Duterte walang inilaang badyet para sa pagsasagawa ng EJK.
“The funds Congress allocated were for the protection of Filipino citizens, not for the wholesale violation of their rights. There was no budget item that authorized law enforcement to act as judge, jury, and executioner,” ani Fernandez.
“The goal was to dismantle the drug trade, not to massacre suspected users or pushers, many of whom turned out to be innocent,” punto pa nito.
Kung mapatutunayan umano na pondo ng bayan ang ginamit sa “cash-for-kill” system ay malinaw na ito ay isang maling paggamit ng bayet na paglabag sa mga batas.
“What we’re uncovering is a betrayal of the trust Congress placed in law enforcement,” sabi pa ng mambabatas.“Funds intended for legitimate anti-drug efforts were diverted into a system that rewarded killings without due process. This cannot go unpunished.”
Iginiit din ni Fernandez na dapat gamitin ng Kongreso ang oversight function nito upang matiyak na tama ang ginawang paggamit sa pondo.
“This is a wake-up call for stronger safeguards and stricter controls over how confidential and intelligence funds and operational budgets are utilized,” wika pa nito.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Quad Comm, sinabi ni Fernandez na titiyakin ng Kongreso na walang pondo na ilalaan para sa pagsasagawa ng EJK.
”There will be no room in future national budgets for this kind of abuse,” deklara ni Fernandez.“We will make sure that any funds allocated for law enforcement are used solely for legal and transparent operations that respect human rights.” (END)
—————————
Plunder laban kay VP Sara kaugnay ng P112.%M confidential fund cash advances ikinasa
Sa patuloy na pagkabigo ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag kung papaano ginastos ng confidential funds nito, lumutang ang posibilidad na irekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang Blue Ribbon Committee ng Kamara de Representantes, ang paghahain ng kasong plunder.
Umaabot sa P112.5 milyong halaga ng confidential fund ng Department of Education (DepEd), na kinuha sa pamamagitan ng cash advance ng malapit na aide ni Duterte, ang hindi pa naipaliliwanag kung papaano at saan ginastos.
Ito ang inihayag ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. noong Linggo, kasabay ng panawagan kay Duterte na sagutin at bigyang-linaw ang kwestiyunableng paglalaan ng pondo na natuklasan sa pagdinig ng komite noong Oktubre 17, sa pangunguna ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua.
Ang kinukwestyong pondo ay na-withdraw sa pamamagitan ng tatlong magkakahiwalay na tseke na may halagang P37.5 milyon bawat isa, na inisyu kay Edward Fajarda, ang Special Disbursing Officer (SDO) ng DepEd. Ang mga cash advance ay ginawa sa unang tatlong quarter ng 2023, noong si Duterte pa ang kalihim ng DepEd.
“Pera ito ng taumbayan, at kailangan nating tiyakin na ito ay nagamit ng tama,” ayon kay Gonzales.
Dagdag pa ng mambabatas mula sa Pampanga: “Kung ang Bise Presidente, bilang pinuno ng DepEd noong panahong iyon, ay hindi makapagbigay ng malinaw at sapat na paliwanag kung paano ginamit ang perang ito, tungkulin namin na ituloy ang kinakailangang mga legal na hakbang, kabilang ang kasong plunder, upang maprotektahan ang interes ng publiko.”
Sa pagdinig noong Oktubre 17, sunod-sunod na tanong ang ibinato ni Gonzales kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla tungkol sa paggamit ng confidential funds at ang papel ni Fajarda sa pag-encash ng mga ito.
Kinumpirma ni Sevilla na ang mga tseke ay inisyu at na-encash ni Fajarda batay sa mga karaniwang proseso para sa mga cash advance na may kaugnayan sa confidential funds.
“Nakita ko lang po itong mga dokumento. Itong tatlong tseke ba ay tig-P37.5 million at naka-issue sa pangalan ni Mr. Edward Fajarda?” tanong ni Gonzales, na sinagot naman ni Sevilla, “Opo, tama po. Siya po ang authorized SDO po natin.”
Ipinaliwanag ni Sevilla na ang kanyang tungkulin bilang Undersecretary for Finance ay limitado lamang sa pagproseso ng paglalaan ng pondo, alinsunod sa nakasaad sa joint circular na namamahala sa pagpapalabas ng mga confidential funds.
Subalit, tinukoy niya na ang DepEd Finance Office ay walang responsibilidad sa pagsubaybay kung paano talaga ginastos ang mga pondo. “Wala pong record na makikita sa accounting or budget on the utilization or liquidation,” saad pa ni Sevilla.
Ikinabahala ni Gonzales, ang kawalan ng dokumentasyon sa isang mahalagang mga transaksyon. “Ang tseke na ito ay may corresponding disbursement voucher, tama? So papaano ho siya na-encash ni Mr. Fajarda?” tanong pa ng kongresista.
Sinabi ni Sevilla na ang mga tseke ay na-encash sa Land Bank of the Philippines at si Fajarda ang may pananagutan sa inilabas na pondo.
Ipinunto ni Gonzales ang mga hindi pagkakatugma sa dokumentasyon, binanggit na ang mga disbursement voucher para sa mga pondo ay nakalista bilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa halip na confidential funds.
Ito, ayon sa mambabatas ay kahina-hinala tungkol sa kung paano na-kategorya ang mga pondo at kung ginamit ba ang mga ito para sa kanilang mga nakalaang layunin.
Binigyang-diin niya na ang ganitong maling pag-label ay maaaring magpahiwatig ng kakulangan sa transparency at posibleng maling paggamit ng mga pondo ng bayan na inilaan para sa mga sensitibong programa.
Si Fajarda, ang opisyal na nag-encash ng mga tseke, ay hindi dumalo sa pagdinig, subalit siya ay na-subpoena upang humarap sa susunod na sesyon. Inaasahan na ang kanyang testimonya ay magbibigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano ginamit ang mga pondo matapos itong ma-withdraw mula sa Land Bank.
Kinukuwestyon din ni Gonzales ang logistics ng paghawak ng ganitong malaking halaga ng pera, binanggit na kinakailangan ni Fajarda na aktwal na dalhin ang P37.5 milyon na cash sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon.
“Tatlong beses niyang kinargahan ang P37.5 million — mabigat-bigat po ito,” ayon pa kay Gonzales, na ipinagtataka rin kung paano kailangang dalhin ni Fajarda ang pera papunta sa mga opisina ng DepEd, na walang elevator.
Iginiit ni Sevilla na sinunod ng DepEd ang kinakailangang proseso para sa paglalabas ng mga confidential funds, ngunit binigyang-diin na ang kanyang opisina ay nalalaman sa kung paano ginamit ang mga pondo pagkatapos itong maipamahagi.
“For the confidential funds, talagang sumusunod kami sa joint circular,” paliwanag ni Sevilla. “Pero kami po sa finance, hindi kasama sa utilization o liquidation ng confidential funds.”
Ang mga confidential funds na tinutukoy ay bahagi ng P150 milyong inilaan sa DepEd noong 2023 para sa mga programang nakatuon sa paglutas ng mga isyu tulad ng abuse prevention sa mga paaralan, anti-extremism efforts, at counter-insurgency.
Ito ang unang pagkakataon na naisama ang mga ganitong pondo sa badyet ng DepEd, na nagbigay-daan sa mga tanong tungkol sa kung paano hinahawakan ng isang non-security-focused agency ang mga ponding ito.
Binigyang-diin ni Gonzales ang bigat ng sitwasyon, kung saans nagbabala rin ito na maaaring mapilitang magrekomenda ang komite na maghain ng kaso ng pandarambong, isang non-bailable offense na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo, kung mabibigo si Duterte na magbigay ng malinaw na ulat tungkol sa mga pondo.
“Kung hindi maipaliwanag ang paggamit ng P112.5 million, we may have no choice but to consider recommending the filing of a plunder case,” giit pa nito.
Dahil ang itinakdang hangganan para sa pandarambong ay P50 milyon, ang P112.5 milyong tinutukoy ay higit pa sa limitasyong iyon.
Bagama't ang nakaupong Bise Presidente ay isang impeachable official, nilinaw ng mga legal at constitutional expert na, hindi katulad ng Pangulo, ang Pangalawang Pangulo ay walang proteksyon laban sa mga demanda, na maaring maharap sa mga kasong kriminal habang nasa pwesto.
Nakatakdang ipagpatuloy ng komite ni Chua ang kanilang imbestigasyon, kung saan inaasahang magiging mahalagang bahagi ng pagtukoy kung ang mga pondo ay tamang nagamit o naabuso mula sa magiging testimonya ni Fajarda.
Si Duterte, na naging Kalihim ng DepEd mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2023, ay hindi pa sumasagot kaugnay ng hinala ng maling paggamit ng pondo. (END)
—————————
90 OFW na umuwi mula sa Lebanon sinalubong ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre
Nakiisa si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Tingog Partylist Representative Jude Acidre sa pagsalubong sa 290 Pilipino na umuwi mula sa Lebanan sa gitna ng kaguluhan doon bilang pagpapakita sa suporta para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Sa 290 repatriates, 233 ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na may kasamang 13 dependents at 21 iba pang Pilipino na may kasama namang 23 dependents. Ito ang pinakamalaking batch ng mga Pilipino na umuwi sa bansa mula sa Lebanon matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino na naroon.
Ang mga Pilipino ay iniuwi sa bansa sakay ng chartered flight na kinuha ng Department of Migrant Workers (DMW) katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Ankara.
"Our Overseas Filipino Workers are the backbone of many communities, and their safety remains a priority," diin ni Acidre. "Tingog Partylist, alongside our partner agencies, is dedicated to providing the vital support needed to help our repatriated Filipinos and their families make a safe and smooth transition back home. I commend President Bongbong Marcos for his unwavering commitment to the welfare of our OFWs, which has been instrumental in facilitating this repatriation effort."
Nakatanggap ang mga repatriate ng tulong upang agad silang makabalik sa kani-kanilang komunidad.
Ang bawat repatriate ay nakatanggap ng P75,000 mula sa AKSYON Fund ng DMW, P75,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at P20,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mayroon din silang libreng medical consultations, psychological support, at access sa pangkabuhayan program sa tulong ng Department of Health (DOH), TESDA, at iba pang ahensya.
Bilang bahagi ng pangako ng Tingog Party-list na suportahan ang ating mga bagong bayani at kanilang mga pamilya, isang komprehensibong aid package ang inihanda para sa pagbangon ng mga nagbabalik na OFW.
Kasama dito ang tulong pinansyal sa ilalim ng "Ayuda sa Kapos ang Kita" (AKAP) program, educational support sa ilalim ng l Tulong Dunong Program ng CHED, at pangkabuhayan para sa pagsiaimula ng maliit na negosyo.
Mula Oktubre 2023, nakapagpauwi na ang Pilipinas ng 903 na OFW at 47 na dependents mula Lebanon sa voluntary repatriation program ng pamahalaan.
Ang Migrant Workers Office (MWO) aa Beirut ay patuloy namang sinusupprtaham ang 69 na Pilipinong nananatili sa mha shelters habang hinihintay ang kanilang pag-uwi. (END)