Friday, October 4, 2024
Thursday, October 3, 2024
RPPt Kamara patuloy na magiging katuwang ni PBBM sa pagpapanatili na abot-kayang presyo ng pagkain— Speaker Romualdez
Nangako si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na patuloy na magiging katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kamara de Representantes sa pagtiyak na mayroong suplay ng abot-kayang pagkain para sa mga Pilipino.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang inflation rate ng bansa noong Setyembre sa 1.9 porsyento mula sa 3.3 porsyento noong Agosto at 4.4 porsyento noong Hulyo.
Ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan ang pinakamababa sa nakalipas na apat na taon.
“The intervention measures taken by the government under the leadership of President Marcos Jr. are now yielding positive results,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Tinukoy ni Speaker Romualdez ang naging desisyon ng Pangulo na ibaba ang taripa sa pag-import ng bigas mula 35 porsyento ay ginawa na lamang itong 15 porsyento at ang direktang pagbebenta ng murang bigas ng gobyerno sa publiko sa pamamagitan ng mga Kadiwa store.
“These twin steps have significantly reduced the retail price of rice, from above P50-P60 per kilo to P40-P42 per kilo, or by at least 20 percent,” saad pa ni Speaker Romualdez.
Binanggit din ng kinatawan ng Leyte ang mga pangunahing programa ng Pangulo— ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) at ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFFF) - na bumisita sa 24 na lugar sa buong Pilipinas, na nakapagbigay na ng mahigit P10 bilyong halaga ng mga serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal sa mahigit 2.5 milyong pamilyang Pilipino.
"Aside from the cash aid distributed in BPSFs, which will definitely boost the spending power of the people and stimulate the local economy, the services offered here like employment requirements help citizens get jobs or seek livelihood," ayon kay Speaker Romualdez.
"Meron itong multiplier effect para sa ating bansa. When people have jobs and livelihood, it benefits not only the local economy but that of the whole country's as well," dagdag pa nito.
Umaasa si Speaker Romualdez na magpapatuloy ang pagbagal ng inflation rate o maitala ito sa pinakamababang lebel ng target na 2 hanggang 4 na porsiyento ngayong taon.
Sinabi rin ni Speaker Romualdez na bumuo ang Kamara ng joint panel na binubuo ng limang komite upang tutukan ang paglaban ng mga ahensya ng gobyerno sa smuggling, hoarding, price manipulation, at iba pang gawain na humahadlang sa malayang kalakalan.
Iginiit pa ng mambabatas na babantayan ng joint panel ang pagpapatupad ng bagong nilagdaang Republic Act (RA) No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Ayon kay Speaker Romualdez, pangunahing layunin ng batas na ito ay gawing mas abot-kaya ang presyo ng pagkain at maiangat ang buhay ng mga magsasaka. (END)
——————————-

—————————
RPPt Speaker Romualdez kiniala ng Philconsa sa pamumuno, pagtatanggol sa Konstitusyon
Kinilala ng Philippine Constitution Association (Philconsa) si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa natatanging dedikasyon sa pagtaguyod at pangangalagan sa Konstitusyon at mga batas.
Ang prestihiyosong pagkilala ay nakasaad sa plaque na ibinigay kay Speaker Romualdez ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-63 anibersaryo ng Philconsa na ginanap sa Palasyo ng Malacañang noong Setyembre 26.
Sa kanyang mensahe bilang guest of honor, kinilala ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng Philconsa sa pagbabantay ng demokrasya at ng bansa.
Ang plaque, kung saan nakasaad na kinikilala si Speaker Romualdez sahil sa kanyang “unflagging interest to preserve the sanctity of the Constitution and the Rule of Law” ay pirmado nina retired Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Philconsa Chairman; Jose Leviste, Jr., Executive Vice President; at Atty. Michelle Lazaro, Secretary General ng organisasyon.
Bilang kasalukuyang pangulo ng Philconsa, kinilala si Speaker Romualdez sa kanyang “purposeful leadership and untiring support to the Philconsa, which enabled it to play its role as the foremost champion of the Constitution.”
Binigyan-diin din a plaque ang kanyang pangako na titiyakin na patuloy na poprotektahan ng Konstitusyon ang buhay, kalayaan, at mga ari-arian ng mga Pilipino kasabay ng mga hamon na dala ng pagbabago.
Ang Philconsa ay itinatag noong Setyembre 26, 1961. Isa itong non-stock at non-profit civic organization na binubuo ng mga legal luminaries, negosyante, at socio-civic leader na ang hangarin ay maipagtanggol at mapangalagaan ang Konstitusyon.
Ang organisasyon ay nagsasagawa rin ng mga aktibidad upang magkaroon ng kamalayan at pasiglahin ang interes ng publiko sa mga pangunahing batas sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kahalagahan at kaugnayan nito sa kanila. (END)
—————————
RPPt Malaking pagbaba ng rating ni VP Sara dahil ayaw sagutin kuwestyon sa paggastos ng pondo— SDS Gonzales
Ang pagbaba ng trust at approval rating ni Vice President Sara Duterte, na nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa survey ng Pulse Asia noong Setyembre ay dahil sa pag-iwas umano nito an sagutin kung papaano niya ginastos ang pondo ng kanyang tanggapan.
At naniniwala si Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. na patuloy na bababa ang rating ni VP Duterte kung mananatili itong umiiwas kung papaano nito ginastos ang pera ng taumbayan.
Mula sa 83% noong Marso 2023, ang trust rating ni VP Duterte ay bumaba ng 22 puntos sa 61% sa survey noong Setyembre 2024 ng Pulse Asia.
Sinabi ni Gonzales na pinapahalagahan ng publiko ang pagkakaroon ng pananagutan ng mga opisyal ng bayan at hindi ito dapat isantabi ni VP Duterte kasama na ang pagiging responsable sa paggastos ng pondong ipinagkatiwala sa kanyang opisina.
“Hindi natin ikinakagulat ang patuloy na pagbaba ng ratings ni VP Duterte, lalo na’t hindi siya nagbibigay ng sapat na paliwanag ukol sa paggamit ng pondo ng OVP at DepEd. Pera ng bayan ang pinag-uusapan dito, kaya’t obligasyon niyang ipaliwanag ang mga kinukuwestiyong hindi tamang paggugol ng pondo,” ayon Gonzales.
Ayon sa Pulse Asia survey noong Setyembre 2024, si VP Duterte ay nakapagtala ng 60% approval rating o bumaba ng 9% kumpara sa survey noong Hunyo 2024. Bumagsak naman ng 10% ang trust rating ni VP Duterte na mula 71% noong Hunyo 2024 ay naging 61% na lamang.
"People expect public officials to be transparent in the use of government funds. Kaya hindi nakapagtataka na bumabagsak ang kanyang ratings dahil sa kanyang patuloy na pag-iwas sa mga tanong tungkol sa pondong ito," dagdag pa ni Gonzales.
“At sa pakiwari ko, bababa pa ito. Galit ang tao sa hindi tamang paggasta ng pampublikong pondo, lalong-lalo na’t hindi siya humaharap sa pagdinig ng Kongreso para ipaliwanag ang mga nakitang irregularidad,” wika pa ng solon.
Matatandaan na kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang naging paggamit ng tanggapan ni Duterte sa P125 milyong confidential fund nito noong 2022. Dahil hindi pa rin naipapaliwanag ng OVP ang paggastos ay naglabas na ito ng Notice of Disallowance.
Sa unang tatlong quarter ng 2023, pinuna rin ng COA ang paggastos ng P164 milyon sa P375 milyong confidential fund ng tanggapan ni Duterte batay sa inilabas na audit observation memorandum (AOM).
“Hindi lamang isang beses ang nakita nating paglabag, kundi tila paulit-ulit na pattern ng posibleng pang-aabuso sa paggamit ng confidential funds. Ang P73 million na hindi pinahintulutan noong 2022 ay naulit ulit sa 2023,” sabi ni Gonzales, na tumutukoy sa patuloy na maling paggamit ng mga pondo ng gobyerno.
Kinondena rin ng mambabatas ang naging paggamit ni Duterte ng badyet ng Department of Education (DepEd) noong ito pa ang kalihim ng ahensya partikular ang pagpapatupad ng school-based feeding programs at sa pagbili ng mga computer.
Ayon sa ulat ng COA, inaamag na at mayroong insekto ang mga nutribun at panis na ang gatas na dinala sa mga pampublikong paaralan sa maraming rehiyon. Hindi rin umano na-deliver sa mga paaralan sa oras ang mga biniling computer laptop at iba pang gamit sa mga eskuwelahan.
“Ang mga kabataan at estudyante ang direktang naapektuhan ng mga aberya sa DepEd, lalo na’t mga maselang proyekto tulad ng feeding program at school supplies ang pinag-uusapan dito. Hindi maaaring balewalain ang mga isyung ito dahil may mga buhay at kinabukasan ang nakataya,” dagdag pa ni Gonzales.
Binigyan diin niya na ang isyu ay hindi lamang tungkol sa maling paggamit ng pondo kundi pati na rin sa pangkalahatang pagtanggi ni Duterte na tanggapin ang pananagutan sa kanyang mga naging aksyon. Sa kanyang pananaw, ang ganitong ugali ay patuloy na nakakasira sa kanyang imahe sa publiko.
“Kailangan nating ipakita na walang sinuman ang nakatataas sa batas. Kailangang humarap siya at sagutin ang mga tanong ng publiko, lalo na’t ito ay may kinalaman sa pondo ng bayan,” dagdag pa ng mambabatas. (END)
————————-
RPPt Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo: Tingog partylist nangakong ipagpapatuloy tunay na serbisyo publiko
Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Tingog Partylist nangako ang mga kinatawan nito na sina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre na ipagpapatuloy ang walang sawang paglilingkod at pagsulong ng kanilang adbokasiya, para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng bansa.
Nagsimula bilang Tingog Leytehon sa Leyte noong 2012, na lumago upang magsilbi sa buong Eastern Visayas bilang Tingog Sinirangan. Makaraan ang tagumpay na natamo noong 2019 elections, pinalawak nito ang pagseserbisyo sa buong bansa bilang Tingog Partylist.
Layunin ng Tingog na isulong ang tinig ng mga nasa laylayan at ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.
“As we celebrate this anniversary, we reflect on the progress we’ve made and the challenges we’ve faced. Our commitment to serving the people remains unwavering, and we look forward to continuing our work to uplift communities and empower individuals,” ani Rep. Yedda Romualdez.
Kasama sa adbokasiya ng Tingog Partylist ang pagpapalago ng kaunlarang pang-ekonomiya, katarungang panlipunan, at karapatang pantao lalo na sa karapatan ng mga kababaihan at mga bata, gayundin ang pagpapadali na makakuha ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon.
Simula nang maitatag, ang Tingog Partylist ay nakalikha ng mahigit 500 panukalang batas, at marami sa mga ito ang nagong batas na gaya ng:
RA 11510 (Institutionalizing Alternative Learning System in the Basic Education for out-of-school children and adults): Para mabigyan ng pagkakataon na makatapos ang mga indibidwal na hindi regular na nakapapasok sa eskuwelahan.
RA 11648 (Statutory Rape Amending RAs 3815 and 7610 of RPC and SPC): Nagbibigay ng mas pinaigting na proteksyon laban sa panggagahasa, sekswal na pagsasamantala, at pang-aabuso, at itinaas ang edad para matukoy na statutory rape ang krimen.
RA 11934 (Sim Card Registration Act): Isang hakbang na naglalayong labanan ang mga cybercriminal.
RA 11967 (Internet Transactions Act): Pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili online at mga negosyanteng bahagi ng e-commerce.
RA 11983 (New Philippine Passport Act): Pagpapadali ng mga proseso para sa pagkuha at pag-renew ng mga pasaporte ng Pilipinas.
Ang mga panukalang batas na isinulong ng Tingog Partylist ay nagpapakita umano ng pagnanais nito na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at tiyakin na ang mga pangunahing karapatan at serbisyo ay maabot ng lahat.
Bilang karagdagan sa mga makabuluhang tagumpay sa paglikha ng batas, ang Tingog Partylist ay aktibong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na biktima ng iba’t ibang sakuna.
Patuloy na nagbibigay ang Tingog ng tulong para sa mga biktima ng mga kalamidad, kabilang ang mga nagdaang bagyong Carina, Enteng, at Julian, pati na rin ang mga malalaking insidente ng sunog sa Tondo, Cavite, at Muntinlupa.
Nakapaglatag din ang Tingog Partylist ng matibay na ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Nakikipagtulungan din ang partido sa Department of Health (DOH) upang magbigay ng kinakailangang tulong pangkalusugan ang mga nangangailangan. Upang mapabuti ang access sa mga pangunahing serbisyo, nakipag-ugnayan ang Tingog Partylist sa iba't ibang kinatawan ng distrito upang magtatag ng mga Tingog Centers.
Sa kasalukuyan, mayroong 140 na operational na Tingog Centers na nagbibigay ng tulong sa mga mamamayang Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa paggawa ng batas at pagbibigay ng suporta sa mga komunidad, patuloy na pinapakita ng Tingog Partylist ang kanilang dedikasyon na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino at tinitiyak na nakahandang tumulong sa panahon ng krisis.
Ayon kay Rep. Acidre, “This milestone is not just a celebration of our past but also a commitment to our future. We are dedicated to creating more opportunities for dialogue and collaboration among the people we serve, ensuring that every voice is heard.”
Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Tingog Partylist, muli itong nangako na paglilingkuran hindi lamang ang mga taga-Leyte at Eastern Visayas, kundi ang buong bansa.
Nagpasalamat ang Tingog sa suporta na kanilang natanggap sa mga nakaraang taon at nangako na lilikha ng mga bagong inisyatiba upang maipagpatuloy ang kanilang inisyatiba at mas marami pang matulungan. (END)
—————————-
RPPt House Quad Comm tiniyak papanagutin nasa likod ng pagpaslang sa PCSO exec
Siniguro ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes, sa pamilya ng pinaslang na si dating PCSO Board Secretary Wesley A. Barayuga na gagawin ng komite ang lahat upang maresolba ang kaso at mapanagot ang nasa likod ng pagpatay.
Pinasalamatan din ni Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee, ang pamilya ni Barayuga, lalo na sa naulilang may-bahay ng pinaslang sa pagtitiwala nito sa imbestigasyon ng quad committee na nakakuha ng mga bagong saksi upang maresolba ang pagpatay apat na taon na ang nakakaraan.
“Aming ipinapangako sa pamilya ni Wesley Barayuga na gagawin namin ang lahat upang mapanagot at maparusahan ang mga taong nasa likod ng kanyang pagpaslang,” ani Barbers.
Kinondena ng pamilya Barayuga ang mga nasa likod ng pagpaslang na ginamit pa ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang matakpan ang tunay na motibo sa pagpatay.
“Sa huling apat na taon, inupuan ang kaso at pinaasa ang aming pamilya na may ginagawa sila ukol dito. At this point, it is difficult to trust and put our hopes up,” saad sa inilabas na pahayag ng pamilya Barayuga. “This (Quadcom investigation) gives us comfort even while we know that we are still far from receiving justice.”
Si Wesley ay isang abogado at miyembro ng Philippine Military Academy “Matikas” Class of 1983 at nagretiro sa ranggong Police General.
Papauwi si Wesley mula sa kanyang trabaho sa PCSO-Shaw ng pagbabarilin ng naka-motorsiklo sa kanto ng Calbayog at Malinaw Streets sa Mandaluyong City noong Hulyo 30, 2020. Agad na nasawi si Wesley at tinamaan naman sa tiyan ang kanyang drayber.
Sa ika-pitong pagdinig ng QuadCom noong Setyembre 27, humarap si Police Lt. Col. Santie Fuentes Mendoza, dating miyembro ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit, at ang kanyang civilian anti-drug asset na si Nelson Mariano.
Sinabi ni Mendoza na siya ang naatasan na magplano sa pagpatay kay Barayuga at si Mariano ang pinaghanap nito ng hired killer.
Kapwa itinuro nina Mendoza at Mariano sina PCSO general manager Royina Garma at Napolcom Commissioner Edilberto Leonardo na nasa likod ng pagpaslang.
Binuo ng liderato ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ang Quad comm, na kauna-unahan sa kasaysayan ng Kamara upang imbestigahan ang koneksyon ng iligal na operasyon ng POGO sa bentahan ng iligal na droga at extrajudicial killings.
Ang Quad Comm ay binubuo ng Dangerous Drugs committee na pinamumunuan ni Barbers, Human Rights na pinamumunuan ni Manila 6th District Rep. Benny Abante, Public Order and Safety na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez at Public Accounts na pinamumunuan ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano.
————————
RPPt Barbers sa DoJ: Garma, Leonardo kasuhan na ng murder
Hinimok ng overall chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong murder sina dating PCSO General Manager Royina Garma at dating Police Col. Edilberto Leonardo kaugnay ng pagpaslang kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga noong 2020.
“We are in close coordination with the DOJ. They have representatives monitoring our hearings precisely because we are unearthing evidence of criminal activities and other acts of wrongdoing in the course of our inquiry. They should interview our two witnesses last Friday and assess their testimonies,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Ang tinutukoy na testigo ni Barbers ay sina Police Lt. Col. Santie Mendoza ng Philippine National Police Drug Enforcement Group at ang asset nitong si Nelson Mariano.
Ayon kay Barbers, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, dapat nang isaalang-alang ng DOJ ang mga testimonya at affidavit nina Mendoza at Mariano at maghain na ng kasong murder laban kina Garma at Leonardo sa lalong madaling panahon.
“They do not have to wait for the report of the joint committee, which will include a recommendation to file such charges. The panel will take time to write the report since the inquiry is still ongoing,” saad ng mambabatas.
Sa pagdinig ng Quad Comm noong Setyembre 27, iminungkahi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na siyang unang nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kay Mendoza, na isama sa magiging rekomendasyon sa ulat ng komite ang pagsasampa ng kaso laban kina Garma at Leonardo.
Para kay Pimentel maliwanag batay sa mga testimonya nina Mendoza at Mariano na sina Garma at Leonardo, na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang nasa likod ng pagpaslang kay Barayuga noong Hulyo 30, 2020.
Inilarawan ni Pimentel si Garma, bilang isang walang awang mamamatay tao na nagkukunwari na isang maamong tupa.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Mendoza na noong Oktubre 2019 ay kinontak siya ni Leonardo, alinsunod sa utos umano ni Garma, para ipapatay si Barayuga na sangkot umano sa iligal na droga.
Sina Garma at Leonardo ay kapwa nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) at upperclassmen ni Mendoza.
Kinontak naman umano ni Mendoza si Mariano upang maghanap ng hired killer at ang kanyang nakuha ay nagngangalang “Loloy”.
Isa umanong tao ni Garma na ang pangalan ay Toks, ang siyang nagbigay ng detalye ni Barayuga.
Ayon kay Mendoza si Toks ang nagbigay ng mga detalye kay Mariano upang matunton si Barayuga.
Nang araw na patayin si Barayuga, nagpadala umano ng litrato si Toks na kuha umano ni Garma sa isang pagpupulong ng board ng PCSO. Ibinigay din ang detalye ng sasakyan na gagamitin ni Barayuga upang madali itong mahanap.
Ayon kay Mariano, ang mga impormasyon ay ipinapadala sa pamamagitan ng viber.
“The exchange of messages via Viber and the supposed photo of Barayuga taken by Garma during their PCSO meeting will strengthen the case against Garma and Leonardo,” sabi ni Barbers.
Sa pagdinig noong nakaraang Biyernes, ipinakita ni Antipolo Rep. Romeo Acop kay Mariano ang isang kopya ng larawan ni Toks.
Kinumpirma ng testigo na siya rin ang parehong tao na kanyang nakilala at nagbigay sa kanya ng P300,000 bilang kabayaran sa pagpatay kay Barayuga, na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Matikas Class of 1983.
Ayon kay Acop, na isa ring PMA graduate, ang yumaong board secretary ng PCSO ay pinatay dahil sa pagtutol nito sa plano ni Garma na palawakin ang mga operasyon ng small-town lottery (STL) ng PCSO, kabilang ang pagbibigay ng STL franchises sa mga kaibigan ni Garma at mga pulis na malapit sa dating Pangulong Duterte.
“That was the real motive. They just made it appear that Atty. Barayuga was involved in drugs. He was a victim of the war on drugs. He was a simple man. He rode public transportation and brought his ‘baon’ to his office,” saad nito.
Pinuna rin ni Acop ang noo’y PCSO chairperson na si Anselmo Pinili, at kaklase ni Barayuga sa PMA, dahil sa umano’y pananahimik nito kaugnay ng motibo sa pagpaslang. (END)
—————————
RPPt Quad comm kay Roque: ‘Sumuko ka na!’
Nanawagan ang Quad Committee ng Kamara de Representantes kay dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko na matapos ibasura ng Korte Suprema ang inihain nitong writ of amparo laban sa contempt at detention orders na inilabas komite.
Hinamon nina Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Roque na huwag magtago at harapin ang mga alegasyon na ipinupukol sa kanya partikular ang pagyaman umano sa tulong ng POGO.
“Sumuko ka na, Atty. Roque,” ani Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
"Hindi na ito ang panahon para magpalusot. Atty. Roque should face the music and answer the allegations in the proper forum. Ang batas ang dapat manaig. Hindi dapat itago ni Roque ang kanyang sarili sa likod ng mga technicalities o mga writ na wala namang basehan,” diin pa ni Fernandez.
Nanawagan naman si Barbers, ang overall chairman ng Quad Comm na makipagtulungan na lamang si Roque sa imbestigasyon upang lumabas ang buong katotohanan.
"The Quad Committee is uncovering layers of criminal activities tied to POGOs, and we need full transparency from everyone involved," sabi ni Barbers na chairman din ng House Committee on Dangerous Drugs.
"Kung walang itinatago si Atty. Roque, bakit siya nagtatago? The public deserves to know the truth,” dagdag pa ni Barbers
Iniimbestigahan ng Quad Comm ang ugnayan iligal na operasyon ng POGO sa bentahan ng iligal na droga, paggamit ng mga pekeng dokumento ng mga Chinese national para makapamili ng lupa sa bansa, at extrajudicial killings sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
Co-chairman din ng komite sina Manila Rep. Bienvenido Abante, na pinuno ng House Committee on Human Rights, at Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, chairperson ng House Committee on Public Accounts.
Nagsisilbi namang vice-chair ng apat na komite si Antipolo City Rep. Romeo Acop, na chairman naman ng House Committee on Transportation.
Sa desisyon ng SC na inilabas nitong October 1, nilinaw nito na ang writ of amparo ay para lamang sa kaso ng extrajudicial killings o enforced disappearances, at hindi pasok dito ang sitwasyon ni Roque.
Igiit naman ni Fernandez na dapat ang mga taong nasa posisyon o kapangyarihan ay magsilbing mabuting ehemplo--hindi gaya aniya ni Roque na paulit-ulit na umiiwas.
“Nakakabahala na sa halip na mag-cooperate, ang ginagawa ng iba ay palaging tinatakbuhan ang kanilang mga pananagutan. The wheels of justice are turning, and no amount of legal gymnastics will protect those complicit in these crimes,” ani Fernandez
Hinimok din ni Barbers si Roque na sumunod na lang sa ligal na proseso kaysa linlangin ang publiko.
"If he believes he is innocent, he should welcome the opportunity to clear his name in a proper legal forum. Trying to escape through technicalities only raises more suspicions,” saad ni Barbers.
“This investigation is not just about POGOs; it’s about dismantling a complex web of criminality that threatens our society,” sabi pa niya. (END)
—————————
RPPt Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo: Tingog partylist nangakong ipagpapatuloy tunay na serbisyo publiko
Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Tingog Partylist nangako ang mga kinatawan nito na sina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre na ipagpapatuloy ang walang sawang paglilingkod at pagsulong ng kanilang adbokasiya, para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng bansa.
Nagsimula bilang Tingog Leytehon sa Leyte noong 2012, na lumago upang magsilbi sa buong Eastern Visayas bilang Tingog Sinirangan. Makaraan ang tagumpay na natamo noong 2019 elections, pinalawak nito ang pagseserbisyo sa buong bansa bilang Tingog Partylist.
Layunin ng Tingog na isulong ang tinig ng mga nasa laylayan at ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.
“As we celebrate this anniversary, we reflect on the progress we’ve made and the challenges we’ve faced. Our commitment to serving the people remains unwavering, and we look forward to continuing our work to uplift communities and empower individuals,” ani Rep. Yedda Romualdez.
Kasama sa adbokasiya ng Tingog Partylist ang pagpapalago ng kaunlarang pang-ekonomiya, katarungang panlipunan, at karapatang pantao lalo na sa karapatan ng mga kababaihan at mga bata, gayundin ang pagpapadali na makakuha ng serbisyong pangkalusugan at edukasyon.
Simula nang maitatag, ang Tingog Partylist ay nakalikha ng mahigit 500 panukalang batas, at marami sa mga ito ang nagong batas na gaya ng:
RA 11510 (Institutionalizing Alternative Learning System in the Basic Education for out-of-school children and adults): Para mabigyan ng pagkakataon na makatapos ang mga indibidwal na hindi regular na nakapapasok sa eskuwelahan.
RA 11648 (Statutory Rape Amending RAs 3815 and 7610 of RPC and SPC): Nagbibigay ng mas pinaigting na proteksyon laban sa panggagahasa, sekswal na pagsasamantala, at pang-aabuso, at itinaas ang edad para matukoy na statutory rape ang krimen.
RA 11934 (Sim Card Registration Act): Isang hakbang na naglalayong labanan ang mga cybercriminal.
RA 11967 (Internet Transactions Act): Pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili online at mga negosyanteng bahagi ng e-commerce.
RA 11983 (New Philippine Passport Act): Pagpapadali ng mga proseso para sa pagkuha at pag-renew ng mga pasaporte ng Pilipinas.
Ang mga panukalang batas na isinulong ng Tingog Partylist ay nagpapakita umano ng pagnanais nito na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at tiyakin na ang mga pangunahing karapatan at serbisyo ay maabot ng lahat.
Bilang karagdagan sa mga makabuluhang tagumpay sa paglikha ng batas, ang Tingog Partylist ay aktibong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga komunidad na biktima ng iba’t ibang sakuna.
Patuloy na nagbibigay ang Tingog ng tulong para sa mga biktima ng mga kalamidad, kabilang ang mga nagdaang bagyong Carina, Enteng, at Julian, pati na rin ang mga malalaking insidente ng sunog sa Tondo, Cavite, at Muntinlupa.
Nakapaglatag din ang Tingog Partylist ng matibay na ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Nakikipagtulungan din ang partido sa Department of Health (DOH) upang magbigay ng kinakailangang tulong pangkalusugan ang mga nangangailangan. Upang mapabuti ang access sa mga pangunahing serbisyo, nakipag-ugnayan ang Tingog Partylist sa iba't ibang kinatawan ng distrito upang magtatag ng mga Tingog Centers.
Sa kasalukuyan, mayroong 140 na operational na Tingog Centers na nagbibigay ng tulong sa mga mamamayang Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa paggawa ng batas at pagbibigay ng suporta sa mga komunidad, patuloy na pinapakita ng Tingog Partylist ang kanilang dedikasyon na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino at tinitiyak na nakahandang tumulong sa panahon ng krisis.
Ayon kay Rep. Acidre, “This milestone is not just a celebration of our past but also a commitment to our future. We are dedicated to creating more opportunities for dialogue and collaboration among the people we serve, ensuring that every voice is heard.”
Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Tingog Partylist, muli itong nangako na paglilingkuran hindi lamang ang mga taga-Leyte at Eastern Visayas, kundi ang buong bansa.
Nagpasalamat ang Tingog sa suporta na kanilang natanggap sa mga nakaraang taon at nangako na lilikha ng mga bagong inisyatiba upang maipagpatuloy ang kanilang inisyatiba at mas marami pang matulungan. (END)
—————————-
PAGSAMPA NG MURDER CHARGES LABAN KINA POLICE COLONELS GARMA AT LEONARDO, INIREKOMENDA NG QUAD COMM CHAIR
Hinikayat ng lead presiding officer ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang Department of Justice (DOJ) na sampahan na kaagad ng kasong murder sina retired police Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo dahil sa pananambang at pagpatay kay retired police General Wesley Barayuga noong Hulyo 2020.
Sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, lead chair ng Quad Comm na sa kanilang pakikipag-ugnayan sa DOJ kung saan, ito ay may mga kinatawan na nagmo-monitor ng mga pagdinig sa Kamara dahil lumalabas na ang mga ebidensiya ng mga criminal activity at iba pang mga katiwalian habang tumatakbo ang pagdinig.
“We are in close coordination with the DOJ. They have representatives monitoring our hearings precisely because we are unearthing evidence of criminal activities and other acts of wrongdoing in the course of our inquiry. They should interview our two witnesses last Friday and assess their testimonies,” Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers said.
He was referring to police Lt. Col. Santie Mendoza of the Philippine National Police Drug Enforcement Group and Nelson Mariano, a drug informant of Mendoza.
Barbers, who chairs the House Committee on Dangerous Drugs, said the DOJ should already take cognizance of Mendoza’s and Mariano’s testimonies and their affidavits and file murder charges against Garma and Leonardo as soon as possible.
“They do not have to wait for the (final) report of the joint committee, which will include a recommendation to file such charges. The panel will take time to write the report since the inquiry is still ongoing,” he said.
During last Friday’s Quad Com hearing, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, who had the first opportunity to question Mendoza, suggested that such recommendation be included in the committee report.
Pimentel said it was clear from the testimonies of Mendoza and Mariano that Garma and Leonardo, who are among police officers close to former President Rodrigo Roa Duterte, were allegedly behind Barayuga’s assassination on July 30, 2020.
He described Garma as a “ruthless killer” pretending to be a “meek lamb.”
In his testimony, Mendoza said in October 2019, Leonardo, allegedly upon Garma’s request, asked him to “operate” on a target, later identified as Barayuga.
He said in the context of the Duterte administration’s bloody war on illegal drugs, the term “operate” meant killing the target.
Garma and Leonardo are Mendoza’s seniors or upperclassmen at the Philippine National Police Academy (PNPA).
The police officer said he obeyed his PNPA seniors’ instruction by asking Mariano to contact a potential hitman, whom the two of them called as “Loloy.”
He said Leonardo also told him that a trusted aide of Garma, known as “Toks,” would call him for other details.
He said he referred Toks to Mariano, who testified that the alleged Garma aide gave him information on the movement of Barayuga on the day “Loloy” carried out the assassination not far from the Philippine Charity Sweepstakes Office in Mandaluyong City.
Barayuga was PCSO board secretary, while Garma was then its general manager.
Mariano said the information supplied by Toks included a picture, apparently taken by Garma, of Barayuga while attending a PCSO meeting on that fateful day in July 2020, and a description of the vehicle Barayuga would use and its plate number.
Mendoza’s drug informant said the real-time information was relayed via mobile phone through Viber.
Barbers said the DOJ should ask Mendoza and Mariano to submit the mobile phone evidence linking Garma and Leonardo to Barayuga’s assassination.
“The exchange of messages via Viber and the supposed photo of Barayuga taken by Garma during their PCSO meeting will strengthen the case against Garma and Leonardo,” he said.
During last Friday’s hearing, Antipolo Rep. Romeo Acop showed Mariano a copy of a picture of Toks.
The witness confirmed that it was the same person he met and who gave him P300,000 as payment for the assassination of Barayuga, who was a graduate of the Philippine Military Academy (PMA) Matikas Class of 1983.
Acop, also a PMA graduate, said the late PCSO board secretary was killed because he opposed Garma’s desire to expand PCSO’s small-town lottery (STL) operations, including the grant of STL franchises to friends of Garma and police officers close to then President Duterte.
“That was the real motive. They just made it appear that Atty. Barayuga was involved in drugs. He was a victim of the war on drugs. He was a simple man. He rode public transportation and brought his ‘baon’ to his office,” he said.
Acop also chided then PCSO chairperson Anselmo Pinili, a PMA classmate of Barayuga, for allegedly suppressing information about his classmate’s ambush-slaying. (END)