Friday, August 26, 2022

BUOD NG PANUKALANG P5.268-T 2023 PAMBANSANG BADYET IPRINISINTA NG MGA PINUNO NG DBM AT DOF SA KAPULUNGAN

Nagbigay ng briefing ngayong Biyernes sina Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa Komite ng Appropriations ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO BICOL) hinggil sa panukalang P5.268-trilyon pambansang badyet para sa Fiscal Year 2023. 


Sinabi ni Pangandaman na ang panukalang pambansang badyet ay nakasalalay sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pang-ekonomiyang pagbabago na magtutulak ng mga programa, upang bigyang kapangyarihan ang mga Pilipino, tiyakin ang seguridad sa pagkain, gayundin ang pagtatayo ng mas magagandang imprastraktura. 


Bilang pangunahing prayoridad ng pamahalaan, ang Social Services ay tatanggap ng pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng P2.07-trilyon, o 39.3 porsyento, habang ang Economic Services ay tatanggap ng P1.528-trilyon, o 29.3 porsyento ng badyet. 


Gayundin, ang mga gastusin sa pagpapatakbo ay hahatiin sa mga sumusunod: 1. Personal Services; 31 porsiyento o P1.631-trilyon, 2. Capital Outlays; 18.6 porsiyento o P980.3-bilyon, (tumaas ng 0.3% YOY), 3. Allocation to Local Government Units; 18.3 percent o P962.20-billion at, 4) Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE); 16.6 porsyento o P195.8-billion. 


Samantala, tinalakay ni Diokno ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya, mga piskal na kaganapan sa at mga ginagawang pangungutang, pangkalahatang-ideya ng medium-term fiscal program, gayundin ang mga legislative priorities ng DOF. 


Tiniyak niya sa Kapulungan na ang panukalang badyet ay magpapalakas sa hangarin ng bansa para sa isang malakas na pagbawi, at pinabilis na paglago ng ekonomiya. 


Pinasalamatan niya ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagpasa ng "game-changing economic reforms" ng nakalipas na ika-18 Kongreso. 


Aniya, ang mga batas ng reporma sa buwis na ipinatupad ng Kapulungan ay nakatulong sa pagbabago ng Pilipinas, sa isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya sa rehiyon. 


Siniyasat naman ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang inilaan na P1.60-trilyon na 2023 NEP para sa debt servicing, kung saan P582.32 bilyon ang para sa pagbabayad ng interes o may pagtaas ng 13.2 porsiyento mula sa 2022 na halaga. 


Tinanong niya kung posible bang ibahin ito sa iba pang mga programa at proyekto ng gobyerno, tulad ng mga social protection program tulad ng 4Ps, upang madagdagan ang cash grant na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

AYUDA NA MAY KINALAMAN SA COVID-19, DAPAT IHINTO NA DAHIL ITO AY WASTE OF PUBLIC FUNDS LAMANG - SEC. DIOKNO

Dahil “waste of public funds” o pagsasayang na raw ng pondo… sa tingin ni Finance Sec. Benjamin Diokno ay dapat nang ihinto ang pagbibigay ng “ayuda” na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.


Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2023 National Budget, tinanong ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel si Diokno kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa pagbibigay pa rin ng ayuda sa mga Pilipino.


Sagot ng kalihim, ang pagbibigay ng ayuda na “in relation” sa pandemya (sa kanyang palagay) ay dapat nang itigil dahil “fully recovered” na raw ang bansa at dahil sa limitadong “fiscal space.”


Pero giit ni Diokno, ang social protection programs ng DSWD ay dapat magpatuloy maging ang mga tulong sa mga senior citizen sa bansa.


Samantala, sinabi ni Diokno na titingnan na limitahan ang benepisyaryo sa mga mayroong National ID para matiyak na mayroong insentibo sa mga Pilipino na may taglay ng nabanggit na ID.


Maalala na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemya ay nagbigay ng ayuda ang pamahalaan tulad ng Special Amelioration Program o SAP para sa mahihirap na Pilipino.

PULONG TUNGKOL SA USAPIN HINGGIL SA HIRING NG CONTRACT OF SERVICE AT JOB ORDERS SA GOBYERNO, NAKATAKDA NA SA PAGITAN NG COA AT DBM

Kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nakatakda silang makipag pulong sa Commission on Audit kaugnay sa pagpapatupad ng COA-DBM Joint Circular No. 2.


Kung matatandaan inilabas ang JC no. 2 noong 2020 na naglalatag ng rules at regulation patungkol sa hiring ng contract of service at job orders sa gobyerno


Sa interpellation ni ACT Teacher Party-list Rep. France Castro sa budget briefing ng DBCC, natanong nito kung ano ang mangyayari sa mga COS at Jos sa pamahalaan at kung sila ba ay maaapektuhan ng planong rightsizing.


Ayon kay Pangandaman, batay sa naging focus group discussion nila sa mga ahensya ng pamahalaan, humihingi ang mga ito ng dagdag pang tatlong taon para ma-absorb at ma-hire bilang regular na empleyado ang kanilang mga JOs at COs.


Nakasaad kasi sa naturang circular na kailangan ma regularize ang mga temporary employees pagsapit ng December 31, 2022.


Dahil dito, aaralin aniya nila ng COA ang apela na ito ng iba’t ibang government agencies at departments.


Batay sa tala ng DBM nasa 150,000 ang COs at JOs sa pamahalaan.

LISTAHAN NG SLOW MOVING DEPARTMENTS O MABABA ANG UTILIZATION RATES KAUGNAY SA PAG-POPONDO, ISUSUMITE NG DBM SA KAMARA

Magsusumite ang Department of Budget and Management o DBM sa Kongreso ng listahan ng “slow moving departments” o mga ahensyang may mababang “utilization rates”, kaugnay sa pagpopondo para sa dagdag-pensyon ng mga mahihirap na senior citizens sa bansa.


Ito ang sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman sa interpelasyon ni Senior Citizens PL Rep. Rodolfo Ordanes sa briefing ng House Committee on Appropriations.


Ayon kay Ordanes,  nagpapasalamat siya na matapos ang higit isang dekada ay tataas na ang social pension ng mahihirap na nakakatanda dahil sa pagsasabatas ng Republic Act 11916.


Pero batay sa 2023 National Expenditure Program o NEP, sinabi ni Ordanes na aabot lamang sa P25 billion ang pondo para sa pensyon ng mga senior citizen susunod na taon. Ibig sabihin, ito ay para lamang sa P500 kada buwan na pensyon ng mga benepisyaryo.


Ani Ordanes, kailangan pa ng dagdag P25 billion para sa madoble ang pensyon sa P1,000 sa kada benepisyaryo.


Kaya tanong niya sa DBM, may pag-asa bang maisama sa 2023 National Budget ang nabanggit na kailangang budget.


Paliwanag ni Pangandaman, nang mag-lapse bilang batas ang panukala ay nakahanda na ang 2023 NEP kaya hindi nakasama ang dagdag P25 billion para sa taas-pensyon ng senior citizens.


Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na magbibigay ang DBM sa Kongreso ng listahan ng mga departamento at nasa mga mambabatas na kung nanaisin nilang i-augment mula sa mga ito ang budget para sa dagdag-pension.

PROJECTION NA TATAAS ANG UNEMPLOYMENT RATT NG BANSA SA 2023, NILINAW NG NEDA

Nilinaw ni NEDA Dir. General Arsenio Balisacan ang inilahad nilang projection na tataas ang unemployment rate ng bansa sa 2023.


Kasunod ito ng pag-puna ni Deputy Speake Ralph Recto kungbakit sa kabila ng inaasahang 7% na paglago sa ekonomiya sa susunod na taon ay tataas ang bilang ng mga walang trabaho.


Paliwanag ni Balisacan, malaking porsyento ng ating populasyon sa susunod na taon ay sasali sa labor force bunsod ng graduation ng mga estudyante ng K to 12 program.


Ngunit pangamba ni Recto na kung hindi lalago ang ekonomiya ay posibleng mas tumaas pa ang unemployment rate.


Pinawi naman ito ng NEDA Dir. General ay sinabi na ang paglago ng ekonomiya ay mag lilika ng mas maraming trabaho.


Sadyang hindi laman ito sasapat sa pagkakataon iyon dahil sa dami ng mga magsisipagtapos at sasali sa labor force.


Pagtitiyak naman ni Balisacan na dahil sa sustained o tuloy-tuloy na growth path ng ekonomiya ng bansa ay tataas rin ang labor force participation sa susunod na taon.


“The reason for that is there’s a large number of our population are expected to join the labor force specially those who are under k to 12. May of them will join labor force when they graduate next year… the growth now will create jobs. But the jobs that will be created  at that point in time will just not be enough to absorb all these new entrants. 


And I think what can also happen madam chair is that the labor force participation rate may also expected to rise as the economy now enters a kind of a sustained growth path,” paliwanag ni Balisacan.

UUTANG ANG PAMAHALAAN NG ISANG TRIYONG PISO BILANG BORROWINGS NG BANSA PARA MAPUNAN ANG BUDGET DEFICIT SA SUSUNOD NA TAON

Tinatayang higit sa P1 trillion ang magiging “borrowings” o uutangin ng gobyerno ng Pilipinas para mapunan ang “budget deficit” o kakulangan sa pondo sa susunod na taon.


Ito ang sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno sa interpelasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman sa budget briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.


Ayon kay Diokno, ang borrowings ay inaasahan namang bababa dahil hindi naman inaasahang magkakaroon ng panibagong pandemya.


Inihayag pa ng kalihim na ang total revenue projections para sa susunod na taon ay nasa P3.6 trillion.


Dito sinabi ni Lagman na hindi ba ito “short” o kulang para pondohan ang higit P5.2 na national budget.


Sagot ni Diokno, ang “projected expenditures” ay nasa P5.1 trillion at ang deficit o kulang ay nasa P1.16 trillion.


Dagdag na tanong ni Lagman, saan kukunin ang kulang kung saan ang tugon ni Diokno ay kailangang i-finance ito sa pamamagitan ng domestic sources upang walang “foreign exchange risks.”


Ani pa Diokno, nasa 75% ng uutangin ay “locally” habang 25% ay mula sa foreign sources.

Thursday, August 25, 2022

PINAUUBAYA NA NG DBM SA KONGRESO KUNG TATAASAN ANG BUDGET PARA SA 4Ps

Ipinauubaya na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kongreso ang pagpapasya kung tataasan ang alokasyon para sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps sa susunod na taon.


Ito ay kasunod ng hirit ni House Minority Leader Marcelino Libanan na bawasan ang alokasyon para sa “debt servicing” sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program o NEP.


Sa budget briefing ng House Committtee on Appropriations, ikinatwiran ni Libanan na na ang bahagi ng pondo ay baka posibleng ilagay sa social protection programs gaya ng 4Ps at iba pang cash grants o ayuda.


Paliwanag pa niya, hindi inaasahan na agad-agad ay gagaan ang “inflation” dahil sa nagpapatuloy na global crisis tulad ng COVID-19 pandemic at tensyon ng Russian-Ukraine.


Sa ilalim ng panukalang 2023 National Budget, nasa P115.6 billion ang nakalaan sa 4Ps.


Pero sagot ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, ang debt servicing amount ay isang responsibilidad at otomatikong naka-appropriate o nakasaad sa budget. Ito ay nagkakahalaga ng P611 billlion “debt burden” o pambayad-utang/loan.


Aniya pa, pondo rito ay naka-angkla rin sa medium term fiscal framework, na maalalang inadopt ng Kamara.


Dagdag ni Pangandaman, desidido ang pamahalaan sa “objective” na ang 60% ng “debt to GDP ratio” ay bababa sa taong 2025.

PAGSUSUSTINI SA KAUNLARAN NG EKONOMIYA, TITIYAKIN NG KAPULUNGAN SA 2023 PAMBANSANG BADYET

Tiniyak ni Speaker Martin G. Romualdez ngayong Biyernes ang sambayanan, na ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay sisiguruhin na ang panukalang P5.268-trilyong 2023 “Agenda for Prosperity” pambansang badyet ay magsusustini sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, sa kabila ng pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).


Ipinahayag niya ang pagtitiyak sa pagsisimula ng deliberasyon ng Kapulungan sa unang taong panukalang badyet, na isinumite ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso noong Lunes.


Ang proseso ay nagsimula sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Development Budget

Coordination Committee, na kinabibilangan nina Budget Secretary Amenah Pangandaman, Finance Secretary Benjamin Diokno, Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority, at Gov Felipe Medalla ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


“We will make sure that each bit of spending will contribute to our goal of reigniting the fires of our economic forges, and at least propel the country to reach economic growth at pre-pandemic levels,” ani Romualdez.


“Every centavo of this national budget will be spent wisely to implement projects and programs putting primordial consideration into saving lives; building and protecting communities; and making our economy strong and more agile,” dagdag pa ni Romualdez.


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang ekonomiya ng bansa ay sinusukat sa pamamagitan ng gross domestic product (GDP) na nagtalaga ng paglago ng 8.2 porsyento sa unang tatlong buwan ng taon, at 7.4 porsyento sa sumunod pang tatlong buwan ng 2022.


Ayon sa Speaker, ang panukalang paggasta ng Pangulong Marcos ay, “is a conservative budget, where fiscal discipline is harmonized with growth and recovery from the impact of the lingering Covid-19 pandemic.”


“The challenges ahead of us may be daunting, and we shall rely on the brilliance of this administration's economic team to usher us in sustaining the economic progress achieved by its predecessor,” dagdag niya.


Pinasalamatan ni Speaker ang mga miyembrpo ng DBCC, na siya ring economic team ng Pangulo, sa kanilang pagdalo sa unang House budget hearing.


“To guarantee a sustained track for transformation, the President brought a highly qualified and well-prepared economic team,” aniya. Hinimok ni Romualdez ang bawat miyembro ng Kapulungan na aktibong makilahok sa deliberasyon at proseso ng pag-apruba ng panukalang 2023 badyet, na ayon sa kanya ay tutugon sa eight-point economic agenda ng administrasyong Marcos, na isinasaad sa Medium-Term Fiscal Framework.


“Foremost is to ensure food security by pouring in precise intervention to increase food production and reduce cost, in addition to lowering transport, logistics, and energy cost to protect the purchasing power of the consumers,” giit niya.


Ipinunto niya na ang pasya ng Malacañang na humingi ng 30 araw na constitutional period, upang iprisinta ang pambansang badyet sa Kongreso ay nabigyan ng pagkakataon na, “to review and incorporate the eight-point socio-economic agenda in the 2023 proposed budget prepared by the previous administration.”


Pinasalamatan din ni Speaker ang Komite ng Appropriations sa Kapulungan na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, sa mabilis na aksyon at “acting with dispatch” sa panukalang badyet. 


“I am confident with the leadership of the committee on appropriations and the overwhelming support of its members, that we shall be able to pass this budget expeditiously without sacrificing the independence of the House of Representatives,” ani Romualdez, habang pinasalamatan niya rin si senior Vice Chairperson and Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo. 


“Let's buckle down to work, and with a united front, we shall be able to deliver the necessary tools and resources to improve the lives of the Filipino people and uplift their hope for a better quality of life,” aniya.

PAGKAKATAON PA PARA SA PROCUREMENT SERVICE NG DBM, INAPELA SA KAMARA

Umapela si DBM Sec. Amenah Pangandaman sa mga mambabatas na bigyan pa ng pagkakataon ang Procurement Service o PS-DBM


Sa interpellation ni AMBIS-OWWA PL Rep. Lex Anthony Colada, natanong nito ang kalihim kung pabor ba siya sa panawagang pagbuwag sa PS-DBM.


Ipinunto ni pangandaman sa kanyang tugon na noong panahon ng noo’y DBM Sec. Benjamin Diokno mula 2017 hanggang 2019, ay umabot sa P18 billion ang saving ng pamahalaan.


Bagamat ipinauubayan na sa wisdom ng mga mambabatas kung tuluyang lulusawin ng PS-DBM, hiling ni Pangandaman ng bigyan sila ng pagkakataon na linisin ang proseso sa PS-DBM at ibalik sa dati nitong “glory”


Mayroon na rin aniya silang itinalagang ‘competent’ na tao para pamunuan ito sa katauhan ni Atty. Dennis Santiago na naglalatag na ng mga pagbabago para sa PS-DBM

PAGPAPAMAHAGI SA MAY 92 MILYONG MAMAMAYAN NG NATIONAL ID SA KALAGITNAAN NG 2023, IPINABATID NG DBM

Target ng pamahalaan na makapagpamahagi ng 92 million National ID sa kalagitnaan ng 2023.


Ito ang ibinahagi ni s DBM Sec. Amenah Pangamdaman sa pagharap ng DBCC sa House Committee on Appropriations.


Ayon sa kalihim, 2.06 billion pesos ang nakapaloob sa 2023 national expenditure program para sa pagpapatupad ng national id system o philsys.


Dagadg pa nito na 30 million physical national ids at 20 million virtual ids ang target ng Philippine Statistics Authority na mailabas sa pagtatapos ng taong 2022.

ALOKASYON PARA SA BAKUNA KONTRA COVID-19 SA 2023 NATIONAL BUSGET, AABOT SA ₱22 BILLION

Aabot sa P22 billion ang alokasyon para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19, sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion 2023 National Budget.


Sinabi ito ni Department of Budget and Management o DBM Sec. Amenah Pangandaman, sa kanyang budget presentation ng National Expenditure Program o NEP para sa Fiscal Year 2023 sa briefing House Committee on Appropriations.


Ayon sa kalihim, nasa ilalim ng “unprogrammed appropriations” ang pondo para sa mga bakuna. 


Kapag sinabing unprogrammed funds, mapopondohan ito kung ang gobyerno ay nakakalikom ng pera para rito.


Sinabi ni Pangandaman na base sa pahayag ng pamahalaan ay mayroong sapat na supply ng COVID-19 vaccines. 


Kaya sa susunod na taon ay tututok sa pagpapalakas ng bakunahan kontra COVID-19 at booster shots vaccination partikular sa mga nakatatanda at mga vulnerable.


Samantala, ayon kay Pangandaman, para mapalakas ang “Health Care System”, ang Department of Health o DOH ay bibigyan ng alokasyong P23 billion para sa Health Facilities Enhancement Program o HFEP.


Ito ay para matiyak ang access ng publiko sa health care services sa pamamagitan ng konstruksyon o pag-upgrade ng mga pasilidad at pagbili ng medical equipment.


Nasa P72 million naman para sa Epidemiology and Surveillance, at P5.84 billion para sa Prevention and Control of Communicable Diseases, kung saan kasama ang pagbili ng “genexpert” catridges, pagbili ng personal protective equipment o PPEs at iba pa.

DALAWAMPU’T DALAWANG BILYONG PISO (₱22 BILYON) ANG INILAAN SA 2023 BUDGET NA PAMBILI NG COVID-19 VACCINES

Aabot sa 22 billion pesos ang inilaan ng pamahalaan sa 2023 budget pambili ng dagdag na covid-19 vaccines.


Sa presentasyon ni DBM Sec. Amenah Pangandaman sa DBCC budget briefing ng Kamara, inilahad nito na ang 22 billion pesos na pondo ay nakapaloob sa unprogrammed funds.


Aniya batay sa ulat ng doh, mayroon pang sapat na stock ng covid-19 vaccines ang bansa.


Ang bibilhin namang mga bakuna para sa susunod na taon ay itutuon para sa booster shots ng nakatatanda at vulnerable sector.

PINASALAMATAN NG DOF SECRETARY ANG KONGRESO SA PAGSASABATAS NITO NG MGA KINAILANGANG TAX REFORMS

Nagpasalamt si finance sec. Benjamin Diokno sa kongreso sa pagsasabatas ng kinakailangang tax reforms.


Sa pagharap ng dbcc sa budget briefing ng kamara, sinabi ni Diokno na anakatulnog ang tax reforms na ito sa macroeconomic fundamentals ng bansa at malampasan ang epekto ng covid-19 pandemic.


Dagdag pa ng kalihim n amabilis ang recovery o pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.


Patunay aniya dito ang 7.8 percent gdp growth sa 2nd quarter ng taon.


Tumaas din aniya ang investment ng bansa kung saan sa unang pitong buwan ay pumalo na sa 4.2 billion pesos.


Tuloy-tuloy din aniya ang pagtaas ng revenue collection ng pamahalaan sa halagand 2.04 trillion pesos mula sa tax at non tax revenues.


Ipununto pa nito na ang revenue collection ng bansa sa nakalipat n apitong buwan ay anim na porsyentong mas mataas sa DBCC approved projection.


Kabilang naman sa isinusulong na legislative framework ng DOF para matiyak ang mabilis na economic recovery ang package 3 at 4 ng tax reform law  o ang real poverty valuation and assessment reform at PIFITA, pagpapataw ng VAT sa digital gods and services, excise tax sa single use plastic bags at rationalization ng fiscal mining regime.


Suprotado rin ng dof ang military uniformed personel pension reform bill, amyenda sa landbank at Philippine crop isnurnace corporation charter, at livestock development competitiveness billat capital market development bills.

SPEAKER’S PRELIMINARY REMARKS- COMMITTEE ON APPROPRIATIONS (DEVELOPMENT BUDGET COORDINATION COMMITTEE (DBCC)

26 August 2022, Plenary Hall


Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker, House of Representatives


Honorable Chairperson of the Committee on Appropriations,

Representative Zaldy Co; the Senior Vice Chair, Representative Stella Quimbo; Esteemed Members of the Committee, Honorable Members of this August chamber, ladies and gentlemen, a blessed morning to all.


It is indeed my honor and pleasure to be with you today as we mark the first formal meeting of the Committee on Appropriations for the BUDGET

PRESENTATION OF THE DEVELOPMENT BUDGET COORDINATION COMMITTEE (DBCC).


First of all, allow me to welcome and thank you all for your precious time in attending this meeting and we are deeply honored to have our distinguished guests and resource persons, the Honorable Secretaries of the DBCC composed of the following:


- Secretary Benjamin Diokno of the Department of Finance;

- Secretary Amenah Pangandaman of the Department of Budget and Management; and

- Director Genereal Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority - Gov. Felipe Medalla of the Bangko Sentral ng Pilipinas


I am deeply grateful to all of you, my dear colleagues, in particular, to the distinguished Chairperson of the Committee on Appropriations, the Honorable Zaldy Co, and to the members of the Committee on Appropriations for acting with dispatch to immediately consider the proposed budget for Fiscal Year 2023.


Because of the mid-year assumption by this new administration, President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., His Excellency, the President as exercised the limits provided to him by the Constitution to submit within 30 days from the opening of each regular session of Congress as the basis for the preparation of the General Appropriations Act, a national government budget estimated receipts based on existing and proposed revenue measures, and of estimated expenditures. The time limitations enable the President to review and to incorporate the 8-point socio-economic agenda in the Fiscal Year 2023 proposed budget prepared by the previous administration. To guarantee a sustained growth track for transformation, the President brought a highly qualified and well-prepared economic team.


In the performance of our Constitutional mandate to scrutinize the national budget, I encourage every member of this August Chamber to actively participate in crafting a General Appropriations Bill that addresses the 8-point economic agenda stipulated in the Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) of this administration. Foremost is to ensure food security by pouring in precise intervention to increase food production and reduce cost, in addition to lowering transport, logistics, and energy cost to protect the purchasing power of the consumers.


This P5.28 Trillion budget is a conservative budget, where fiscal discipline is harmonized with growth and recovery from the impact of the lingering Covid-19 pandemic. The challenges ahead of us may be daunting, and we shall rely on the brilliance of this administration's economic team to usher us in sustaining the economic progress achieved by its predecessor.


We will make sure that each bit of spending will contribute to our goal of reigniting the fires of our economic forges, and at least propel the country to reach economic growth at pre-pandemic levels.


Every centavo of this national budget will be spent wisely to

implement projects and programs putting primordial consideration into saving lives; building and protecting communities; and making our economy strong and more agile.


I am confident with the leadership of the Committee on Appropriations and the overwhelming support of its members, that we shall be able to pass this budget expeditiously without sacrificing the independence of the House of Representatives.


The passage of the 2023 National Budget will be open and transparent.


This will be a product of the entire House of Representatives where

the majority will listen to the various government agencies and instrumentalities, and to the concerns of our friends from the minority bloc. In a manner of speaking, this will be the ‘Unity National Budget’ because we get a wide-ranging and all-encompassing

consensus on our spending plan.


Let's buckle down to work, and with a united front, we shall be able to deliver the necessary tools and resources to improve the lives of the Filipino people and uplift their hope for a better quality of life.


May I now turn you over to Chairperson Co to proceed with the meeting.


Thank you, I wish you all a pleasant and productive day.

PINANGARAP NA ECONOMIC RECOVERY NG BANSA AY NAKINI-KINIKITA NA NG BANGKO SENTRAL

Recovery is underway. Ito ang tiniyak ni BSP Gov. Felipe Medalla sa pagharap ng economic team ng adminsitrasyon sa budget briefing ng 2023 proposed national budget.


Ipinunto nito ang 7.4 percent na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas nitong 2nd quarter ng taon, patunay na aniya na nananatiling matatag ang economic growth prospect ng bansa.


Malaking ambag aniya dito ng mga ipinatupad na fiscila policy ni dating BSP Governernor at ngayon ay Finance Sec. Benjamin Diokno.


Bahagi nito ang pagtaas sa key policy rates, scaled down na pagbili ng government securities sa secondary market at ang unti-unting paghinto sa provisional advances sa national government kung saan kabuuang P300 billion na ang na-settle hanggang nitong May 20, 2022.


Tuloy-tuloy din ang aniya nag pag-lago ng mgabangko sa kabila ng pagtama ng covid-19 pandemic.

TULONG NG PAMAHALAAN ANG DAPAT IGAWAD SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE AT HINDI ANG PANAY ANG IMPORTASYON NG ASIN AT ASUKAL

Dapat tulungan ng pamahalaan partikular ng Department of Agriculture ang mga mag-aasin sa ating bansa, kaysa sa panay importansyon.


Ito ang iginiiit ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP PL Rep. Nicanor Briones kasunod ng pahayag kamakailan ni Agricuture Usec. Domingo Panganiban na nakararanas na raw ng problema at kakulangan sa asin ang bansa.


Ayon kay Briones, na siyang chairman ng Committee on Cooperatives Development ng Kamara, ang mas mabuting gawin ng gobyerno ay ayusin at palawakin ang mga asinan.


Mas pagtuunan din aniya ng pansin at bigyan ng mga kailangang kagamitan ang sektor upang maitaas ang produksyon ng asin sa ating bansa.


Banat ni Briones, nag-iimport na nga ng iba’t ibang produktong agrikultural, pati ba naman asin ay angkat nang angkat din.


Hindi rin aniya kapani-paniwala na kulang sa supply ng asin sa bansa, dahil malawak ang mga karagatan ng Pilipinas o mayroong higit 7,000 isla na uubrang pagkuhanan ng asin.


Sinabi ni Briones na sa ngayon ay kakaunti na lamang ang kinikita ng maliliit na mag-aasin sa ating bansa. At kung importasyon ang nasa isip ng pamahalaan, ang mga lokal mag-aasin ang lubos na maapektuhan.


Nauna nang binanggit ni Usec. Panganiban na aabot sa P100 million ang alokasyon para salt production, sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.

MODERNISASYON NG PHILVOLCS, IPINANUKALA SA KAMARA

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong i-modernisa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa inihaing House bill 3587 ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, maglalaan ng modernization funds para sa pag-upgrade ng Phivolcs at makasabay sa best global practices.


Punto ni Romero, bilang ang PHIVOLCS ang pangunahing institusyon na tumututok sa volcanic eruption, earthquake, tsunami at iba pang kahalintulad na geothermal phenomena, kailangan na palakasin ito upang magampanan ng maayos ang kanilang mandato.


Nakasaad sa panukala na kukunin ang pondo mula sa bahagi o share ng national government sa kita ng PAGCOR na nagkakahalga ng  P1.5 billion sa loob ng dalawang taon o kabuuang P3 billion.


Ang halagang ito ay ay ekslusibong gagamitin para sa capital outlay ng ahensya.

PAGPAPALAWIG NG SAKOP SA ANTI-BULLYING LAW, IPINANUKALA SA KAMARA

Ipinapanukala ni House Assistant Majority Leader Margarita “Migs” Nograles na palawigin ang sakop ng RA 10627 o Anti-Bullying Law.


Sa inihain nitong House Bill 2886 o Stop Bullying Act of 2022, papatawan na ng criminal at civil liability ang mambu-bully.


Palalawigin na rin ang sakop nito sa workspaces at internet anoman ang edad at kasarian.


Paliwanag ni Nograles, maituturing nang outdated at hindi epektibo ang batas dahil sa kawalan ng penal provision o kaparusahan para tuluyang pigilan ang bullying.


Punto pa ng PBA Party-list solon, sa kabila ng Anti-Bullying Law, ay hind ibumaba ang insidente nito.


Katunayan 6 sa 10 estudyante ang nabu-bully, tatlong beses na mas mataas kumpara sa datos ng developed countries.


Papatawan ng criminal at civil liability ang mga mapapatunayang nam-bully na kabilang sa age of majority o yung mahigit 21 taong gulang na.


Maaaring patawan ng kasong sibil at sumailalim sa intervention ang mga lalabag na edad labinlima o mas bata ngunit below 18 years old kung nagkasala nang walang discernment o hindi alam ang ginagawa.


Habang para sa mga mapapatunayang may discernment, ay maaaring maharap sa criminal at civil liability bukod sa pagsasailalim sa intervention program.


Ang mga maituturing na children in conflict with the law na lalabag ay isasailalim sa center-based o community-based rehabilitation program ngunit kung hindi magtitino ay maaaring ituloy ang sintensya oras na mag 21 years old na.


Nakapaloob sa panukala ang pagpapataw ng kulong na anim na taon o mas mababa, multa o parehas na parusa. Para naman sa civil liability, maaaring pagbayari ng P50,000 hanggang P100,000 na danyos sibil ang mapapatunayang nam-bully.

MGA KARAPATAN NG MGA KATUTUBO (IPs) AT KOMUNIDAD (ICCs), IPINANGAKONG PATULOY NA ITATAGUYOD NG KOMITE

Nagdaos ng organizational meeting ngayong Huwebes ang Komite ng Indigenous Cultural Communities (ICCs) at Indigenous Peoples (IPs) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Allen Jesse Mangaoang (Lone District, Kalinga). 


Binigyang-diin ni Mangaoang na tungkulin ng Komite na itaguyod at protektahan ang mga ICCs at IPs, gayundin ang kanilang mga karapatan alinsunod sa nakasaad sa Saligang Batas. 


“We are here to safeguard their right to ancestral land and domains, we are still here to advance their right to self-governance and empower them to proudly forge their own destinies, true to their interest and the welfare of their communities and integrity of their cultures,” ani Mangaoang. 


Hinimok niya ang mga miyembro ng Komite na magtulungan at magtrabaho sa ika-19 na Kongreso na magiliw at mag-iwan ng maimpluwensyang mga batas para sa mga ICCs at IPs. 


Iniharap sa pulong ang mga iminungkahing batas na inaprubahan ng Komite noong ika-18 Kongreso, para sa muling pagsasaayos nito ngayong ika-19 na Kongreso. Ito ay ang mga panukalang 1) Indigenous Community Conserved Territories and Areas Act, 2) Indigenous Peoples Civil Registration System Act, at 3) Resource Centers for Indigenous Peoples Act. 


Inatasan ni Mangaoang ang mga miyembro ng Komite na maghain at magkapwa-akda ng mga panukalang batas. 


Samantala, iprinisinta ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairman Allen Capuyan sa Komite ang panukalang badyet ng kanyang ahensya na nagkakahalaga ng P1.468 bilyon para sa 2023.