Friday, August 19, 2022

TATLUMPO’T LIMANG ORAS NA TRSBAHO LAMANG KADA LINGGO BILANG ALTERNATIBONG WORK ARRANGEMENT, MULING ISINUSULONG SA KAMARA

Sa layong maging mas matatag ang ekonomiya at maging mas masaya ang mga mangagagawa…


Muling isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang kanyang panukalang maisabatas ang (tatlumpu’t lima) 35-oras na “workweek” para sa mga kawani ng pribadong sektor at pampublikong sektor, bilang alternatibong work arrangement.


Paliwanag ni Salceda sa paghahain ng House Bill 656 at House Bill 657, maraming benepisyo kapag ipinatupad ang naturang work arrangement, gaya ng mas mabahang panahon ng mga empleyado para makasama o matugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.


Bukod dito, dahil mapapaikli ang oras ng pasok ng mga kawani, makakatipid umano sa kuryente at tubig; mababawasan ang mga sasakyan na bumibiyahe sa mga lansangan lalo na kapag “rush hours;” at makakatulong pa sa kalusugan ng mga empleyado dahil bawas-stress at iba pa.


Kapag naging ganap na batas ang House Bill 656, ang mga employer sa pribadong sektor ay maaaring, sa kahilingan ng mga empleyado nito o sa isang boluntaryong batayan, na magpatupad ng 35-hour workweek at maaaring magkasundo sa “flexible working time.”


Dapat ding matiyak na ang mga kawani na nasa ilalim ng 35-oras na workweek ay makatatanggap pa rin ng sweldo, kasama ang overtime pay, night shift deferential at iba pang benepisyo, na hindi mababa sa itinatakda ng batas at “collective bargaining agreements.”


Ganito rin ang nilalaman ng House Bill 657, na ang sakop naman ang mga ahensya, departmento, opisina at katulad sa gobyerno.

PANUKALANG PARUSANG KAMATAYAN PARA SA KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN, BINUBUHAY SA KAMARA S

Sa gitna ng serye ng pagkawala at pagpatay sa mga kababaihan, at iba pang napapaulat na karumal-dumal na krimen…


Binubuhay sa Kamara ang panukalang ibalik ng “death penalty” o parusang kamatayan para sa mga mahahatulan sa “heinous crimes.”


Kabilang dito ang House Bill 1543 na inihain ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na layong ipawalang-bisa ang Republic Act 9346 o batas na nagbabawal sa pagpapataw ng parusang kamatayan.


Ayon kay Barbers, itinutulak niya ang death penalty para sa lahat ng karumal-dumal na krimen, gaya ng may kinalaman sa ilegal na droga (Importation, distribution, manufacturing at possession), murder, rape at iba pa.


Naniniwala ang kongresista na panahon nang magkaroon ng “capital punishment” upang mapigilan o mabawasan ang mga krimen.


Nakakaalarma rin aniya ang pagtaas ng mga krimen sa ngayon at hindi na talaga natatakot ang mga kriminal dahil iniisip nila makakalusot sila sa batas.


Ang death penalty aniya ay isa sa pinaka-malakas na paraan laban sa mga karumal-dumal na krimen, at “retribution” o ganti ng mga biktima at kanilang pamilya.


Tiniyak naman ni Barbers na bukas siya sa panukala ng iba pang nagsusulong ng pagbabalik ng death penalty, gaya ng anong paraan ito isasagawa sakaling maging ganap na batas.

NAGSUSUSTINING PASILIDAD PARA SA PALAKASAN, ISINUSULONG NG MAMBABATAS

Dahil sa layunin na iangat ang kakayahan ng bansa na makapagkumpitensya sa larangan ng palakasan, at pagtulong sa kaunlaran ng mga atletang Pilipino, inihain ni Rep. Franz Pumaren (3rd District, Quezon City) ang House Bill 2257, o ang "Sustainable Sports Facilities Act of 2022." 


Layon ng panukala na itatag, paunlarin, at imantine ang lahat ng pasilidad sa palakasan na pinondohan ng pamahalaan, kabilang na ang pagsasailalim sa institusyon ng pagpapaunlad ng matagalang plano sa hinaharap at kasalukuyang pasilidad sa palakasan. 


Ang mga pasilidad na ito ay kabibilangan ng mga istadium, coliseum, arena, sports centers at complexes, running tracks, courts, swimming pools, convention centers, media centers at athletes' villages, na pinondohan ng pamahalaan. 


Sinabi ni Pumaren sa kanyang panukala na ang mga magpapatakbo ng lahat at kasalukuyang pasilidad ay aatasan na magpaunlad ng nagsusustining plano, na isusumite at imomonitor ng Philippine Sports Commission (PSC). 


At panghuli, ang nagsusustining plano ay kabibilangan ng: 1) plano sa mga hinaharap na pagpapatakbo ng palaro at paggamit ng palsilidad sa palakasan matapos na ang palaro ay matapos kung saan ito ay itinayo at nakumpleto; 2) regular na pagmamantine, paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos; 3) kumikitang aktibidad, na sapat upang gamiting panggastos sa pagmamantine at pagkukumpuni ng pasilidad; 4) paglalagay ng mga nakatitipid na sistema sa enerhiya at patubig; 5) mga pamamaraan sa pagtitipid sa tubig; 6) pamamahala ng mga basura, recycling, at pasilidad sa composting; kabilang na ang 7) paggamit ng renewable energy. 


Bago naging isang mambabatas, si Rep. Pumaren ay isang propesyunal na basketbolista at coach, at siya ay nahalal rin bilang dating konsehal ng Lungsod Quezon.

Thursday, August 18, 2022

PABAGO-BAGONG PISOSYON NG LTO HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG NO-CONTACT APPREHENSION POLICY, BINATIKOS SA KAMARA

Binatikos ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd district Rep. Joey Salceda ang Land Transportation Office o LTO dahil sa “flip-flopping” o pabago-bagong posisyon kaugnay sa implementasyon ng no-contact apprehension policy o NCAP.


Tinukoy ni Salceda na una ay kaisa ang LTO sa panawagang ihinto muna ang pagpapatupad ng NCAP hangga't wala itong malinaw na patakaran.


pero ikinadismaya ni Salceda na kalaunan ay ipinaubaya na ng LTO sa mga Local Government Units ang pagpapasya ukol sa NCAP.


Giit ni Salceda sa LTO, bilang attached office ng Department of Transportation, ay mandato nitong maging patas at protektahan ang kapakanan at karapatan ng sektor ng transportasyon lalo na ang mga motorista at hindi paboran ang panig ng LGUs.


Katwiran pa ni Salceda, hindi maaring ipunto ng LTO ang hurisdiksyon ng LGUs dahil malaking isyu kung legal ba at umaayon sa konstitusyon at pambansang mga polisiya ang mga multa na sinisingil ng NCAP mula sa mga motorista.

######

DALAWANG LIBONG PISO KADA BUWANG TEACHING SUPPLIES ALLOWANCE PARA SA MGA GURO, ITINUTULAK SA KAMARA

Itinutulak sa Kamara na maisabatas ang panukalang pagbibigay ng dalawang libong piso (P2,000) na “teaching supplies allowance” kada buwan para sa mga guro ng mga pampublikong paaralan sa bansa.


Ito ang House Bill 3543 nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Go-Yap, na nagsabing napapanahon nang gawing institusyon ang pagkakaloob ng allowance sa mga guro na inaasahang makakabawas sa kanilang pansanin at makakatulong din sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin.


Sa ilalim ng panukala, ang dalawang libong pisong buwanang allowance ay gagamitin sa pagbili ng mga gamit o materyal para sa implementasyon ng iba’t ibang Learning Delivery Modalities o LDMs, sa loob ng school year.


Kapag naman naging ganap na batas, ang pondo para sa teaching supplies allowance ng mga public school teachers ay ikakarga sa taunang pondo ng Department of Education o Deped.


Sa kanilang explanatory note, ipinaliwanag nina Duterte at Yap na ang pagtuturo ay isang propesyon na nagsisilbing pundasyon ng lahat ng iba pang propesyon.


Sa katunayan anila, ang mga guro ay “modern day heroes” ngunit ang kanilang sweldo ay hindi makatapat sa kanilang malaking kontribusyon at sakripisyo lalo ngayong COVID-19 pandemic.


Problemado rin umano ang mga guro sa teaching supplies na karaniwang ang pambili ay galing pa sa sarili nilang bulsa, kaya nararapat lamang na sila ay matulungan.

ESTADO NG MGA CASUAL AT CONRACTUAL NA MGA EMPLEYADO NG PAMAHALAAN, PINA-IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

Ipinasisiyasat ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto sa Kamara ang estado ng mga “casual at contractual” na kawani sa gobyerno, upang mabatid ang posibilidad ng pag-regular sa kanila at matiyak ang “security of tenure.”


Sa House Resolution 177 --- isiniwalat ni Recto na mula sa 1.75 milyong kawani ng pamahalaan, nasa 157,000 ay mga casual o contractual employees.


Ayon kay Recto, hindi pa kasama rito ang nasa 580,000 na job order o JO employees.


Aniya, kahit maraming taon na sila sa serbisyo ay hindi sila ma-regular sa trabaho dahil wala raw available na “plantilla items” sa mga ahensya o tanggapan na kanilang pinapasukan.


Giit ng lider ng Kamara, dapat magsagawa ng review ang Department of Budget and Management o DBM at iba pang ahenya ukol sa aprubadong “staffing pattern” gayundin sa “manpower complement.”


Kailangan din aniyang paglaanan na ng pansin at humanap ng mga paraan upang mapabilang sa regular government workforce ang mga casual, contractual at JO personnel.

MGA POLISIYA HINGGIL SA USAPING PABAHAY AT SA SEKTOR NITO, BABALANGKASIN UPANG MAKAGAWA NG PAGSASABATAS PARA DITO

Pinulong ng mga mambabatas ang mga opisyal ng mga ahensyang may kinalaman sa pabahay hinggil sa mga polisiya upang tugunan ang mga usapin at mga alalahanin na kinakaharap sa sektor ng pabahay, sa pamamagitan ng lehislasyon. 


Ang pulong ay pinangunahan nina OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino at House Committee on Housing and Urban Development Chairperson Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez, na parehong mula sa Minority bloc.


Kabilang sa humarap sa pulong ay ang mga opisyal ng 

Department of Human Settlements and Urban Development at National Real Estate Corp.


Lumahok din sa pulong ang 

Subdivision and Housing Development Association, 

Chamber of Real Estate and Builders Association, Inc. at

Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines.


Ayon kay Magsino, ang pulong ay bahagi ng  pagsusulong nila sa mga nabinbing lehislasyon para iangat ang kalagayan sa sektor ng pabahay katulad ng Land Use Bill, na matagal nang nakabinbin simula pa noong 1990’s. 


Binanggit naman ni Congressman Benitez na isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Salceda ang batas na magbibigay-linaw sa pagbubuwis, at magpapabilis sa real property valuation. 


sa pulong ay Iminungkahi naman ni Rafael Hernandez ng Rafeli Realty & Development Corp. na mapababa ang hangganan ng halaga ng presyo ng mga materyales na lumber at hardware na ginagamit sa socialized housing.

#######

PANUKALANG EKSEMSIYON SA BUWIS SA MGA PESTEDYO AT ABONO, ISINULONG MULI SA KAMARA

Itinutulak muli sa Kamara ang panukalang batas na nagsusulong ma-exempt o mailibre sa buwis ang lahat ng mga abono at pestesidyo na ginagamit sa produksyon ng palay, mais at tubo o asukal sa bansa.


Ngayong 19th Congress, inihain nina Masbate 1st District Rep. Ricardo Kho at Masbate 2nd Rep. Olga Kho ang House Bill 1572 o “Farm Fertilizer and Pesticide Tax Exemption Bill.”


Paliwanag ng dalawang kongresista, kapag nalibre sa buwis ang abono at pestesidyo ay ay magpapatatag ang supply ng mga lokal na produkto.


Pero maliban dito ay tiyak na matutuwa at mae-engganyo ang mga magsasaka at makakatulong din sa kanilang ani at kita.


Paalala pa nila, ang produksyon ng palay, mais at asukal sa Pilipinas ay palagiang sandigan ng sektor ng agrikultura.


Pero, ang masyadong mataas na halaga ng abono at pestesidyo ay problema at nakaka-apekto sa mga magsasaka.


Batay anila sa Fertilizer and Pesticide Authority, noong June 2022 ay halos P3,000 ang kada bag ng fertilizer.


Kaya napapanahon na umanong magkaroon ng “beneficial approach” o diskarte, gaya na lamang ng tax exemption sa abono at pestesidyo.

MGA OPISYAL SA PABAHAY, PINULONG NG MGA MAMBABATAS HINGGIL SA MGA POLISIYA

Nagdaos ng pagpupulong ang mga mambabatas ngayong Huwebes sa mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Real Estate Corp. (NREA), Subdivision and Housing Development Association (SHDA), Chamber of Real Estate and Builders Association, Inc. (CREBA), kabilang ang Organization of Socialized and Economic Housing Developers of the Philippines (OSHDP), hinggil sa mga polisiya upang tugunan ang mga usapin at mga alalahanin na kinakaharap sa sektor ng pabahay, sa pamamagitan ng lehislasyon. 


Pinangunahan nina Rep. Marissa “Del Mar” Magsino (Party-list, OFW) at House Committee on Housing and Urban Development Chairperson Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez, na parehong mula sa Minority bloc, ang dayalogo sa polisiya sa mga opisyal ng pabahay. 


Sinabi ni Magsino na ang pagpupulong sa polisiya ay nangunguna sa kanyang “to do list” nang siya ay mahalal na mambabatas ngayong ika-19 ng Kongreso, upang isulong ang mga nabinbing lehislasyon para iangat ang kalagayan sa sektor ng pabahay. 


Isang halimbawa sa mga panukalang ito ay ang Land Use Bill, na matagal nang nakabinbin simula pa noong 1990’s. 


Ayon kay Magsino, nakakahikayat ang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa ginanap na NREA mid-year general assembly, nang kanyang sabihin na sinusuportahan niya ang pagpasa ng Land Use Bill, at ng panukalang polisiya na magsasaayos at pagsasama-samahain ang magkakasalungat na batas sa pabahay, polisiya, prisipyo at patakaran. 


Binanggit ni NREA Board Chairman Ricky Celis ang mga mungkahing lehislasyon sa industriya ng real estate, tulad ng mga inilatag sa National Land Use Bill; amyenda sa batas na namamahala sa socialized housing at economic housing; amyenda sa P.D. 957, na namamahala sa bentahan ng mga subdivision lots at condominiums; at amyenda sa Real Estate Service Act (RESA). 


Sinabi ni Benitez na isinusulong ni House Committee on Ways and Means Chairman Rep. Joey Salceda ang batas na magbibigay-linaw sa pagbubuwis, at pabibilisin ang real property valuation. 


Iminungkahi naman ni Rafael Hernandez ng Rafeli Realty & Development Corp. na ang hangganan ng halaga ng presyo ng mga materyales na lumber at hardware na ginagamit sa socialized housing ay mapababa.

PANGANGAILANGAN SA WHOLE-OF-THE-NATION NA DISKARTE PARA SA PAGPAPATULOY NG INKLUSIBO AT NAGSUSUSTINING KAPAYAPAAN, IGINIIT NG MAMBABATAS

Inihain ni Rep. Luz Mercado (1st District, Southern Leyte) ang House Bill 2374, na naglalayong isailalim sa institusyon ang Whole-of-the-Nation na diskarte, upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga polisiya ng pamahalaan para makamit ang inklusibo at nagsusustining kapayapaan. 


Ipinaliwanag ni Mercado, isang bagitong mambabatas, na ang Executive Order (EO) No. 70 ay nauna nang nagbigay-buhay sa isang Task Force sa Whole-of-the-Nation na diskarte, subalit ang pagpapatuloy ng polisiya ay nakasalalay sa nakaupong Pangulo. 


Nanganganib rin itong mahinto kapag iba na ang administrasyon. 


“Considering the issuance of EO No. 70, Series of 2018, the implementation of the Whole-of-the-Nation approach presents a policy that is worth institutionalizing,” ayon kay Mercado sa kanyang paliwanag sa panukala. 


Ang Whole-of-the-Nation Approach ay ang polisiya ng pamahalaan na: 1) iprayoridad at pag-isahin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo at social development packages, sa mga lugar na apektado ng mga hidwaan at mga mahihirap na komunidad; 2) padaliin ang societal inclusivity; at 3) tiyakin ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng lipunan sa hangaring adyenda ng kapayapaan sa buong bansa. 


Dadalhin ng panukala ang mga probisyon ng EO 70. 


Sasaklawin nito ang paglikha ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (Task Force) sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo (OP), upang matiyak ang epektibo at episyenteng pagpapatupad ng nasabing polisiya ng pamahalaan. Kaugnay nito, nananawagan ang panukala ng pagpapatibay ng isang National Peace Framework. 


Ang balangkas na ito ay maglalaman ng mga prinsipyo, polisiya, plano, at mga programa na maghahatid ng inklusibo at nagsusustining kapayapaan, at matugunan ang mga dahilan ng insurhensya, pangloob na kaguluhan, at tensyon, kabilang ang mga armadong digmaan at banta sa mga itinuturing na lugar. 


Lahat ng mga departmento, kagawaran, tanggapan, ahensya o instrumentalidad ng pamahalaan, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs), at state universities and colleges (SUCs) ay imamandato na magbahagi ng kinakailangang suporta sa Task Force. 


Samantala, ang pribadong sektor, non-government organizations (NGOs) at iba pang nagsusulong ay hihimukin na makilahok sa lahat ng mga programa, plano, at mga aktibidad sa pagtatatag ng kapayapaan, sa pagpapatupad ng balangkas.

PROGRAMANG ‘ONE TABLET, ONE STUDENT’, IMINUNGKAHI NG MAMBABATAS NA MAISAILALIM SA INSTITUSYON

Iminumungkahi ni Rep. Antonio Legarda, Jr. (Lone District, Antique) na isailalim sa institusyon ang programang “One-Tablet, One Student” upang makapagbahagi ng ayuda sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ‘tablets’ o kahalintulad na mga kagamitan sa pag-aaral, upang makatulong sa kanila na matugunan ang mga hamon na dala ng online classes. 


Inihain niya ang House Bill 1845, na magtatatag ng programang "One Tablet, One Student" na naglalayong mamahagi sa mga mag-aaral sa pampublikong elementarya at secondarya, kabilang na ang mga mag-aaral na naka-enrol sa state universities and colleges (SUCs), ng tablet computer bawat isa upang epektibo silang makalahok sa online learning. 


Ang mga mag-aaral naman na may sarili nang personal na kagamitan sa pag-aaral ay gagawaran naman ng educational assistance sa pamamagitan ng internet allowance para sa gastos naman sa kuryente. 


Imamandato ng panukala sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatupad ng nasabing programa. 


Ang mga ahensyang ito ang magbabalagkas ng komprehensibong sistema, upang alamin ang kapasidad ng mga mag-aaral para maging kwalipikado sa ilalim ng programang "One Tablet, One Student" Program; paunlarin ang episyente at mabilis na sistema sa pamamahagi; at magbalangkas ng mga tuntunin sa paggamit, pagmamantine at pananagutan para sa tablet.

PONDO NG COMELEC PARA SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, DAPAT MANATIILI KAHIT HINDI MATULOY ANG ELEKSIYON NGAYONG DECEMBER 2022

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at  Bagong Henerasyon partylist representative Bernadette Herrera ang kahalagahan na manatili sa Commission on Elections o COMELEC ang pondo para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahit hindi ito matuloy sa December ngayong taon.


Sinabi ito ni Herrera makaraang lumusot na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalag ipagpaliban sa December 4, 2023 ang halalan sa barangay at SK ngayong taon.


Layunin ng panukala na magamit ang pondo nito sa pagpapalakas ng pagtugon sa COVID 19 pandemic at pagtulong sa mga mahihirap o higit na nangangailangan.


Diin ni Herrera, kailangang manatiling available ang nasabing pondo na nagkakahalaga ng mahigit 8.4-billion pesos para sa pagdaraos ng barangay at SK elections kahit maatras ang petsa nito.


sinabi ito ni Herrera makaraang tiyakin ng Comelec na walang pondo para sa Barangay at SK elections ang masasayang kahit muli maurong  petsa ng pagdaraos nito.


Binanggit din ni Herrera na kung matutuloy ang postponement muli ng Bgy at SK elections ay maaring hindi na sumapat ang pondong nakalaan dito ngayong 2022.

#######

ANTI-PHOTOBOMBER BILL, PASADO NA SA KOMITE NG KAMARA

Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang tinaguriang “Anti-Photobomber Bill” o panukalang magbabawal sa anumang photobomber ng mga national landmark, shrines at katulad.


Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pangunahing may-akda ng House Bill 1994, umaasa siya na isasaprayoridad ng Liderato ng 19th Congress ang naturang panukala.


Sumulat na umano siya kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa agarang pagpapatibay sa panukala, lalo’t maaalalang nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong 18th Congress.


Nangako naman si House Committee on Basic Education chairperson Roman Romulo na tutulong siya para sa mabilis na pagpapatibay sa panukala.


Ayon kay Lagman, layon ng Anti-Photobomber Bill na maprotektahan at maisulong ang kapakanan ng cultural heritage properties ng bansa lalo’t parte ang mga ito ng ating kasaysayan.


Kapag naging ganap na batas, ipagbabawal ang anumang konstruksyon o real estate development na makasisira sa “view at sightline” ng anumang national landmark, shrines, monumento, at iba pang makasaysayang istruktura.


Ang mga lokal na pamahalaan naman ay bibigyang-mandato na magpasa ng ordinansa para rito.


Nag-ugat ang panukala sa kontrobersyal na konstruksyon ng isang high-rise condominium sa Maynila (Torre de Manila) na itinuring na photobomber ng bantayog ni Dr. Jose Rizal o Rizal Monument.


Pabor sa panukala ni Lagman ang National Commission for Culture and the Arts o NCCA, National Historical Commission of the Philippines o NHCP, at National Museum of the Philippines.

Wednesday, August 17, 2022

SEREMONYAL NA PAGSUMITE KAY SPEAKER ROMUALDEZ NG NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM NG PAMAHALAANG NASYUNAL, ISASAGAWA SA IKA-22 NG AGOSTO

Pormal na isusumite ng Dept of Budget ang Management sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year 2023 sa Lunes, August 22.


Pangungunahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman ang ceremonial turn-over ng NEP kay House Speaker Martin Romualdez.


Batay sa abiso ng House Press and Public Affairs Bureau, alas-diyes ng umaga isasagawa ang pagsusumite sa Speaker’s Office na susundan ng briefing ng DBM.


Kabuuang P5.268 trillion ang ipinapanukalang budget para sa susunod na taon.4.9% itong mas mataas kumpara sa P5.023 trillion na 2022 budget.


Ang halagang ito ay katumbas ng 22.1% ng GDP ng bansa.


Pangunahing prayoridad para sa 2023 National Budget ang health related expenditures, disaster risk management, social security, digital economy/government, local government support, at growth-inducing expenditures.


##

PAGBAKUNA PARA MGA BATANG MAY EDAD TATLO HANGGANG LIMA, DAPAT PAG-ARALAN - ILOILO CONGRESMAN DEFENSOR

Umaapela si Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa National Government at Department of Health o DOH na pag-aralan at kalauna’y payagan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 3 hanggang bago mag-5 taong gulang.


Sa kanyang House Resolution 263 --- ipinaliwanag ni Defensor na ang naturang age group ay kabilang sa “most vulnerable” na age group sa gitna ng tumataas na mga bagong kaso ng COVID-19.


Dagdag ng kongresista, naririyan ang banta ng mga bagong sub-variants ng COVID-19 sa ating bansa.


Noong Pebrero, inilunsad ng DOH ang “Resbakuna Kids Campaign” o COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang. Gayunman, hindi pa “eligible” o hindi kasama rito ang mga batang mababa sa edad 5 taong gulang.


Ayon kay Defensor, noong June 2022 --- ang Food and Drug Administration o FDA ng Amerika ay nag-isyu ng “emergency use authorization” sa bakuna ng Moderna at Pfizer-BioNTech para sa mga indibidwal na edad 6 na buwan hanggang 17 taong gulang; at 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang.


At batay aniya sa US-FDA, ang mga naturang bakuna ay nakitang epektibo sa pediatric population mula sa potensyal na banta o pagkakasakit ng COVID-19.


Bagama’t hindi mataas ang bilang ng mga nagkaka-COVID sa edad 3 hanggang mababa sa 5 taong gulang kumpara sa adult population sa ating bansa, iginiit ni Defensor na hindi dapat isantabi ang peligro sa kalusugan ng mga bata lalo na kung magiging maluwag na sa pagsunod sa health protocols sa buong bansa.


Samantala, pinuri naman ni Defensor ang patuloy na pagsusumikap ng DOH sa Resbakuna Kids Program nito, sa kabila ng mga hamon ng pandemya at pagbabalik ng face-to-face classes.— ILOILO CONGRESMAN DEFENSOR


Umaapela si Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa National Government at Department of Health o DOH na pag-aralan at kalauna’y payagan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 3 hanggang bago mag-5 taong gulang.


Sa kanyang House Resolution 263 --- ipinaliwanag ni Defensor na ang naturang age group ay kabilang sa “most vulnerable” na age group sa gitna ng tumataas na mga bagong kaso ng COVID-19.


Dagdag ng kongresista, naririyan ang banta ng mga bagong sub-variants ng COVID-19 sa ating bansa.


Noong Pebrero, inilunsad ng DOH ang “Resbakuna Kids Campaign” o COVID-19 vaccination para sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang. Gayunman, hindi pa “eligible” o hindi kasama rito ang mga batang mababa sa edad 5 taong gulang.


Ayon kay Defensor, noong June 2022 --- ang Food and Drug Administration o FDA ng Amerika ay nag-isyu ng “emergency use authorization” sa bakuna ng Moderna at Pfizer-BioNTech para sa mga indibidwal na edad 6 na buwan hanggang 17 taong gulang; at 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang.


At batay aniya sa US-FDA, ang mga naturang bakuna ay nakitang epektibo sa pediatric population mula sa potensyal na banta o pagkakasakit ng COVID-19.


Bagama’t hindi mataas ang bilang ng mga nagkaka-COVID sa edad 3 hanggang mababa sa 5 taong gulang kumpara sa adult population sa ating bansa, iginiit ni Defensor na hindi dapat isantabi ang peligro sa kalusugan ng mga bata lalo na kung magiging maluwag na sa pagsunod sa health protocols sa buong bansa.


Samantala, pinuri naman ni Defensor ang patuloy na pagsusumikap ng DOH sa Resbakuna Kids Program nito, sa kabila ng mga hamon ng pandemya at pagbabalik ng face-to-face classes.

MABILIS NA PROSESO NG DSWD SA PAGPAPA-ABOT NG TULONG PINANSIYAL SA MGA PILIPINONG MAHIHIRAP, PINAPURIHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang hakbang ni DSWD Sec. Erwin Tulfo upang pabilisin at padaliin ang proseso ng pagpapa-abot ng tulong pinansyal sa mga indigent na Pilipino.


Kasunod ito ng naging courtesy call ng kalihim sa lider ng Kamara nitong Martes.


Ayon kay Romualdez, ang “responsible” governance ni Tulfo ay nagpapakita lamang na hindi mapipigilan ng burukrasya ang isang lider na desididong ayusin at gawing episyente ang government processes.


Dagdag pa ng Leyte solon na mahalaga ang maagap na pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan lalo na kung ito ay usaping medikal.


Kung matatandaan agad na ipinag-utos ni Sec. Tulfo na paikliin ang dati’y limang araw na proseso ng pagbibigay financial aid nang isang araw na lang.


Kabilang sa tulong na ito ang medical, burial/funeral, transportation, educational, food, at iba pa.


“I commend Sec. Tulfo for this remarkable feat of responsible governance. His efforts only prove that no amount of barriers in the bureaucracy can stop the will of a strong leadership seeking efficiency in government processes. This is especially important for services such as medical aid, where the element of time is of utmost importance. Sec. Tulfo recognizes this and has implemented measures to ensure that indigents receive the aid at a time they need it most,” the Speaker added.


##Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang hakbang ni DSWD Sec. Erwin Tulfo upang pabilisin at padaliin ang proseso ng pagpapa-abot ng tulong pinansyal sa mga indigent na Pilipino.


Kasunod ito ng naging courtesy call ng kalihim sa lider ng Kamara nitong Martes.


Ayon kay Romualdez, ang “responsible” governance ni Tulfo ay nagpapakita lamang na hindi mapipigilan ng burukrasya ang isang lider na desididong ayusin at gawing episyente ang government processes.


Dagdag pa ng Leyte solon na mahalaga ang maagap na pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan lalo na kung ito ay usaping medikal.


Kung matatandaan agad na ipinag-utos ni Sec. Tulfo na paikliin ang dati’y limang araw na proseso ng pagbibigay financial aid nang isang araw na lang.


Kabilang sa tulong na ito ang medical, burial/funeral, transportation, educational, food, at iba pa.


“I commend Sec. Tulfo for this remarkable feat of responsible governance. His efforts only prove that no amount of barriers in the bureaucracy can stop the will of a strong leadership seeking efficiency in government processes. This is especially important for services such as medical aid, where the element of time is of utmost importance. Sec. Tulfo recognizes this and has implemented measures to ensure that indigents receive the aid at a time they need it most,” the Speaker added.


##

PLANONG PAGPAPALAWIG NI PBBM SA STATE OF PUBLIC HEALTH EMERGENCY, SINANGAYONAN NG LIDERATO NG KAMARA

Welcome para sa liderato ng kamara ang planong pagpapalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa State of Public Health Emergency.


Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, bagamat nagkaroon na ng malaking pagbaba sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nananatili ang banta ng sakit dahil sa pagsulpot ng mga bagong variant.


Dahil dito, kailangan pa rin aniya ng extraordinary measures para matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng publiko.


Dagdag pa ni Dalipe na ang pagpapalawig sa State of Public Health Emergency ay kanilang ikokonsidera sa pagtalakay ng pambansang pondo sa susunod na taon


Sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr sa PinasLakas Jab Campaign, nabanggit nito ang posibilidad na palawigin pa ang state of public health emergency hanggang sa katapusan ng taon.


Unang idineklara sa pamamagitan ng Proclamation 922 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency matapos maitala ang unang local transmission ng COVID-19.


Nakasaad dito na mananatiling ‘in effect’ ang kautusan maliban na lamang kung ito ay bawiin o alisin ng presidente.


##

DAPAT NANG BAGUHIN ANG KASALUKUYANG PORMA NG SRA O KAYA AY TULUYANG BUWAGIN - SALCEDA

Tahasang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na ang Sugar Regulatory Administration o SRA sa kasalukuyang porma nito ay dapat nang baguhin o kaya’y tuluyang buwagin.


Ayon kay Salceda, isang “failed agency” ang SRA at hindi naging epektibo sa mandato nito na paunlarin ang lokal na industriya ng asukal.


Pinuna rin ng mambabatas ang mababa nitong “utilization rate” o paggamit ng pondo ng Sugarcane Industry Development Act o SIDA at TRAIN Law.


Pinalutang naman ni Salceda na baka maaaring bumuo ng isang mas teknikal na lupon na pamumunuan ng Department of Agriculture o DA, at magpapasya kung kinakailangan ba na mag-angkat ng asukal at kung magkano.


Ang mga uubrang miyembro aniya ng naturang lupon ay mga planter, millers, industrial users, consumer group, at Bangko Sentral ng Pilipinas (para sa inflation targeting) at National Economic and Development Authority o NEDA (para sa epekto sa ekonomiya).


Inirerekumenda rin ni Salceda na ang mga programa sa industriya ng asukal ay gawing “streamlined” na sa loob ng DA, at naaayon sa pangkalahatang direksyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. para sa sektor ng agrikultura.

MGA PANUKALANG MAGPAPALAKAS SA PAGPAPANATILI AT PROTEKSYON NG PAMBANSANG PAMANANG KULTURAL, APRUBADO NG KOMITE

Inaprubahan ang mga pinagsamang House Bills 617, 1088, 2129, at 2846 ngayong Miyerkules, ng Komite ng Basic Education at Culture ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Pasig City Rep. Roman Romulo, na naglalayong paunlarin ang pagpapanatili at proteksyon ng pambansang pamana ng kultura sa pamamagitan ng pinahusay na patakarang pangkultura, edukasyon sa pamana, at pagmamapa ng kultura. 


Ang mga panukalang batas ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 10066, o ang "National Cultural Heritage Act of 2009." 


Sinabi ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, may-akda ng HB 617, na ang kanyang panukalang batas ay naglalayong baguhin, isama, at iakma ang mga tuntunin at probisyon sa kasalukuyang kalagayan ng industriya ng kultura. 


Sinabi rin niya na ang HB 617 ay aatasan ang mga Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng cultural mapping sa kani-kanilang teritoryo, gayundin ang pagbibigay ng kapangyarihan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), na magbigay hindi lamang ng teknikal, kungdi pati na rin ng tulong pinansyal sa mga LGU para makapagsagawa sila ng wastong cultural mapping. 


Ang iba pang may-akda ng may parehong paksa ay sina Reps. Luis Raymund Villafuerte Jr. (2nd District, Camarines Sur), Jose Francisco Benitez, Ph.D (3rd District, Negros Occidental) at Gus Tambunting (2nd District, ParaƱaque City). Pinag-usapan at inaprubahan din ng Komite ang HB 1994, o ang "Cultural Property Sightline Act," na inihain ni Rep. Edcel Lagman. 


Aniya ang panukala ay napakahalaga dahil naglalayong protektahan at itaguyod ang mga ari-arian na pamana ng kultura ng bansa, partikular na ang integridad, mga manonood, at pagpapahalaga sa mga heritage site at istraktura. 


Samantala, inaprubahan din ang HB 2708, o ang "Philippine Indigenous and Traditional Writing Systems Act," na may mga amyenda. Sina TINGOG Partylist Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ang nag-akda ng panukala. 


Panghuli, pinagtibay ng Komite ang ilang resolusyon ng Kapulungan tulad ng: 1) HRs 88 at 111, na binabati at pinuri ang Tribu Lumad Basakanon ng Lungsod ng Cebu sa pagwawagi ng gintong medalya sa internasyonal na kategorya ng Powerful Daegu Festival sa South Korea; 2) HR 110, pagbati at pinupuri ang walong bagong miyembro ng Order of the National Artists para sa 2022; at 3) HR 113, binabati at pinupuri si Gina Apostol sa pagkapanalo ng 2022 Rome Prize sa Literature. 


Ang mga ahensyang pangkultura, tulad ng NCCA, National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Museum of the Philippines (NMP), at National Library of the Philippines (NLP) ay nagpahayag rin ng kanilang suporta para sa pag-apruba ng mga panukala ng Kapulungan, na tumalakay sa hybrid na pagpupulong ngayon.